You are on page 1of 87

Riddle(BUGTON

me softly
G)
Game Rules
1. Each group will answer 20 riddles depending on the category given. For this
game, the categories are animals, vegetables/fruits, parts of the body, and
things.
2. All group members can participate and will be given 2 minutes to answer.
3. Once the group proceeds to the next riddle, they can no longer go back to the
previous riddle even if the group has remaining time.
4. For each correct riddle, it is equivalent to 1 point. The group that gets the
highest points wins.
Are you ready?
ANIMALS
Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo

PUSA / CAT
Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.

LANGGAM / ANT
Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.

PANIKI / BAT
Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.

BIBE / DUCK
Naghanda ang katulong ko, nauna pang dumulog
ang tukso.

LANGAW / FLY
May ulo’y walang buhok, may tiyan walang
pusod.

PALAKA / FROG
Tungkod ni Kapitana, hindi mahawakan

AHAS / SNAKE
Bata pa si Nene marunong nang manahi.

GAGAMBA / SPIDER
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo

ASO / DOG
Ibon kong saan man makarating,
makababalik kung saan nanggaling.

KALAPATI / PIGEON
Tiniris mo na inaamuyan pa.

SUROT / BED BUG


Anong hayop ang dalawa ang buntot?

ELEPANTE / ELEPHANT
Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang
katawan ay uod, ang paa ay lagare.

TIPAKLONG /
GRASSHOPPER
Eto na si bayaw dala-dala’y ilaw.

ALITAPTAP / FIREFLY
Yao’t dito, roo’y mula, laging ang ginagawa’y
magtago at mamulaga sa matatanda at sa
bata.

UNGGOY / MONKEY
Kung kailan tahimik saka nambubuwisit.

LAMOK / MOSQUITO
Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay
isang pangahas.

GAMO-GAMO /
FLYING TERMITES
Ang abot ng paa ko’y abot rin ng ilong ko.
Anong hayop ako?

ELEPANTE / ELEPHANT
Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng
anak ko ay gatas din ng anak mo.

BAKA / COW
Bagama’t maliit, marunong nang umawit.

KULIG-LIG / CRICKET
PARTS OF THE
BODY
Dalawang magkaibigan mahilig mag-unahan.

PAA / FEET
Tatal na munti panggamot sa kati.

KUKO / NAILS
Limang magkakapatid laging kabit-kabit.

DALIRI / FINGERS
Isang balong malalim puno ng patalim.

BIBIG/ MOUTH
Limang magkakapatid, iisa ang dibdib.

KAMAY / HANDS
Aling bahagi ng katawan ang di naaabot ng
kanang kamay?

KANANG SIKO /
RIGHT ELBOW
Dahon ng pindapinda magsinlapad ang
dalawa.

TENGA / EARS
Isang bakud-bakuran sari-sari ang nagdaan.

NGIPIN / TEETH
Isang bundok hindi makita ang tuktok.

NOO / FOREHEAD
Aling parte ng katawan ang di nababasa?

UTAK / BRAIN
Dalawang batong maitim, malayo ang
nararating.

MATA / EYES
Isang bayabas, pito ang butas.

MUKHA / FACE
Halamang di nalalanta kahit natabas na.

BUHOK / HAIR
Dalawang magkaibigan, nasa likod ang mga
tiyan.

BINTI / LEGS
Dalawang balon hindi malingon.

TENGA / EARS
Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.

NGIPIN / TEETH
Dalawang libing, laging may hangin.

ILONG / NOSE
Dalawang tindahan, sabay na binubuksan.

MATA / EYES
Bahay ni Kaka, hindi matingala.

NOO / FOREHEAD
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

TENGA / EARS
VEGETABLES/
FRUITS
Bahay ng anluwagi, Iisa ang haligi.

KABUTE/MUSHROOM
Baboy sa kaingin, natapo’y walang pagkain.

KALABASA / PUMPKIN
Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.

SILI / PEPPER
Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay
latigo.

SITAW / STRING BEANS


Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang
balat.

AMPALAYA /
BITTER GOURD
Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti
ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.

TALONG / EGGPLANT
Habang aking hinihiwa, ako ay pinaluluha.

SIBUYAS / ONIONS
Hugis-puso, kulay ginto, anong sarap kung kagatin,
malinamnam kung kainin.

MANGGA / MANGO
Bahay ni Margarita, naliligid ng Sandata.

PINYA / PINEAPPLE
Isang tabo, laman ay pako.

SUHA / POMELO
Kung tawagin nila’y santo hindi naman
milagroso.

SANTOL /
COTTON FRUIT
Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang
dagat.

NIYOG / COCONUT
Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang
bandera.

DAHON NG SAGING /
BANANA LEAF
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito
kanin.

SAGING / BANANA
Sinampal ko muna bago inalok.

SAMPALOK /
TAMARIND
Magkapatid na prinsesa, lahat nama’y pawang
negra.

DUHAT / JAVA PLUM


Gulay na kay tamis,
Maputi ang kutis.

SINGKAMAS / TURNIP
Gulay na may arte ang porma, berdeng buhok
tinirintas sa umaga.

SIGARILYAS /
WING BEAN
Kampanilya ni Kaka, laging mapula ang mukha.

MAKOPA / WATER APPLE


Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y
nakaharap pa.

BALIMBING /
STAR FRUIT
THINGS
Buto’t-balat, lumilipad.

SARANGGOLA
/ KITE
Kung gabi ay malapad, kung araw ay
matangkad.

BANIG
Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala.

SAPATOS / SHOES
Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang
di ko nalalaman.

KABAONG / COFFIN
Nang hatakin ang baging, nagkagulo ang
matsing.

KAMPANA NG SIMBAHAN
Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan
mo.

SINTURON / BELT
Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

ILAW /
LIGHT BULB
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

ZIPPER
Sa umaga ay nagtataboy, sa gabi ay nag-
aampon.

BAHAY / HOUSE
Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

KUBYERTOS / UTENSILS
Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay
pataob.

KULAMBO /
MOSQUITO-NET
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-
salop.

BATYA
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

KAMISETA / SHIRT
Nagbibigay na, sinasakal pa.

BOTE / BOTTLE
Kadena ay sinabit, sa batok nakakawit.

KWINTAS /
NECKLACE
Ang laylayan ay maikli, patalikwas pa ang lupi.

PANTALO
N / PANTS
Ang ngalan ko ay iisa, ang uri ko’y iba-iba,
gamit ako ng balana, sa daliri makikita.

SINGSING / RING
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.

SUMBRERO / CAP
Aling dahon sa mundo, Ang iginagalang ng tao?

WATAWAT / FLAG
Kabaong na walang takip, sasakyang nasa
tubig.

BANGKA / BOAT

You might also like