You are on page 1of 109

FILIPINO 7

Mr. Helson L. Bulac


Guro
PAMBUKAS NA PANALANGAIN

Panginoon salamat po sa panibagong


araw na ito upang kami ay matuto.
Buksan ninyo din po ang aming
isipan upang lubos na maintindihan
ang aming mga aralin. Bigyan ninyo
din po ang aming mga guro, mga
magulang at mga kamag-aral ng
lakas at isipan na mas higit naming
kailangan sa araw-araw sa panahong
ito. Ang lahat po ng ito ay aming
dinadalangin aming Diyos Ama.
AMEN
Assalamualaikum!
PiagSisolom!
Maayong Hapon!
Masayang Buhay
Baiting pito..
Aralin 1. Panitikang
Luzon: Larawan ng
Pagkakakilanlan
• Naihahambing ang mga
katangian ng tula/awiting LAYUNIN
panudyo, tugmang de-
gulong, at palaisipan
(F7PB-IIIa-c-14)

• Nakapagbibigay ng mga
halimbawa ng kaalamang-
bayan.
A. Panuto: Piliin ang angkop na salita na tinutukoy sa
larawan.

1
5
2
3
4 4
3
1
0
2
5
Tubo ( Sugarcane)
• Ang tubo ay isang kilala at laganap
na pananim dahil ito ang
pinoproseso at pinagkukunan ng
ginagamit na asukal at molasses.
Ito ay mataas na damo na may
katawan na tila kawayan. Ang mga
dahon ay mahaba at patalim.
Sucrose ang pangunahing
substansya na makukuha sa
halamang tubo.
Panuto: Dugtungan ang mga di-tapos na
parirala upang makabuo ng mga pahayag
na may kinalaman sa ating paksa.

1. Aanhin pa ang
gasolina kung
dyip ko ay sira
___________________na.
Dyip/Dyipni (Jeepney)
Pinakakilalang uri ng
sasakyan sa Pilipinas na
ginawa mula sa mga US
Military Jeeps na naiwan
mula sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Kaalamang - Bayan
Ito ay umiiral na kuwento,
panitikan, paniniwala,
ritwal, gawi, at tradisyon ng
mga mamamayan sa isang
pamayanan o kalinangang
nagpasalin-salin sa iba’t
ibang lahi at pook dahil sa
ito’y bukambigbig ng
taumbayan.
MGA
KAALAMANG BAYAN

Tula/Awiting Tugmang
Palaisipan
Panundyo de gulong
TULA
Tula ang itinuturing na
pinakamatandang sining
ng Kulturang Pilipino
Tula/Awiting Panudyo
- Akdang patulang kadalasan ang
layunin ay manlibak, manukso, o
mang-uyam. Ito ay kalimitang may
himig na nagbibiro at kilala rin sa
tawag na “pagbibirong patula.”
- Sinasabi ito ng mga bata sa
kapwa bata kapag nagsasama-
sama.
Halimbawa:
a. Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
b. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo;
Nang ayaw maligo kinuskos ng gugo.
c. Si Maria kong Dende, nagtinda sa
gabi. Nang hindi mabili, umupo sa
tabi.
Tandaan!

Kinakailangang maipakita ang


respeto sa kapwa sa pamamagitan
ng pagpili ng maisasambit na salita,
upang magkaroon ng magandang
ugnayan.
Bilang isang huwarang mamamayan
nararapat na ang “Panghuhusga sa
kapawa’y iwasan, upang manatili
ang kapayapaan!
Tugmang de-Gulong
- paalala o babalang kalimitang
makikita sa mga pampublikong
sasakyan.
- malayang naiparating ang mensaheng
may kinalaman sa pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga pasahero.
- maaaring itoy nasa anyong
salawikain, kasabihan o maikling tula.
Dahil sa pamamagitan nito
maayos na naipararating
ang mensaheng may
kinalaman sa pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga
pasahero.
Tugmang de-Gulong
Halimbawa:

a. Ang di magbayad mula sa


kanyang pinanggalingan ay di
makabababa sa paroroonan.

b. Aanhin pa ang gasolina kung


dyip ko ay sira na.
c. Ang di magbayad, walang
problema. Sa karma pa
lang, bayad ka na.

d. God knows Hudas not


pay.
Palaisipan
- Layunin nitong pukawin at pasiglahin
ang kaisipan ng mga taong nagtitipon-
tipon sa isang lugar.
- Ito ay paboritong pampalipas oras ng
ating mga ninuno. Nangangahulugan
lamang ito na ang mga sinaunang Pilipino
ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana
ito sa kanilang mga apo.
- Laganap pa rin ito hanggang sa kasalukuyang
panahon sapagkat ito’y talaga namang
nakapagpapatalas ng isipan.

- Ito ay kadalasang nalikha bilang uri ng


libangan, ngunit maaari rin namang
magmula sa seryosong matematikal at
lohistikal na suliranin.
Halimbawa:
a. Sa isang kulungan ay may
limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang
natira?

(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang


naman ang baboy at hindi umalis.)
b. May isang bola sa mesa.
Tinakpan ito ng sombrero. Paano
nakuha ang bola nang di man
lamang nagalaw ang sombrero?

(Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)


c. Ano ang meron sa aso na
meron din sa pusa, na wala sa
ibon, ngunit meron sa manok na
dalawa sa buwaya at kabayo, na
tatlo sa palaka?

(Sagot: Titik A.)


GAWAIN
1. Bumuo ng apat na pangkat.

2. Tukuyin ang mga katangian ng


Tula/Awiting panudyo,
tugmang de gulong at
palaisipan.

3. Ang ika-4 na pangkat ang


magsisilbing tagahusga/rater sa
mga gawaing itinalaga sa
naunang tatlong pangkat.
Pangkat 1
-Paggawa ng Awit/Tulang Panudyo
tungkol sa COVID-19

Pangkat 2 - Pagbuo ng isang Palaisipan


tungkol sa pag-iwas sa panghuhusga.
(Kasarian)

Pangkat 3
- Pagbuo ng patalastas/ advertisement na
tungkol sa tugmang de gulong para sa
social distancing.
Tandaan!
Sa isasagawang pangkatang
gawain, kinakailangang
maging patas at pantay sa
isa’t isa at maipakita ang
diwa ng pagkakaisa at
pagtutulungan.
Presentasyon
ng
Awtput
Kumusta! Ano ang saloobin
ninyo sa mga gawaing
itinakda? Madali o mahirap
ba ang gawaing ibinigay?

Paano niyo
napagtagumpayan ang
ibinigay na gawain?
PAGLALAPAT

Paano nababago ng mga nababasa o nakikita


nating tula/awiting panudyo at mga tugmang de
gulong ang ating pang-araw araw na
pamumuhay?
PAGLALAHAT
1. Ano-ano ang mga uri ng
kaalamang-bayan?
Saan kalimitang nakikita ang mga
tugmang de gulong?

Bakit nakaaaliw pakinggan ang


mga tula/awiting panudyo?
PAGTATAYA
TAP –Tula/awiting Panudyo TDG – Tugmang de-Gulong PSP - Palaisipan

___________
TAP 1. Ito ay pabibirong nasa
anyong patulang sinasabi
ng mga bata sa kapwa
bata kapag nagsasama-
sama.
_________ 2. Ito ay babala o
TAP –Tula/awiting Panudyo TDG – Tugmang de-Gulong PSP - Palaisipan

TDG paalalang
kalimitang makikita sa

pampublikong
sasakyan.
TAP –Tula/awiting Panudyo TDG – Tugmang de-Gulong PSP - Palaisipan

________
TAP 3. Uri ng akdang
patulang kadalasang
layunin ay manlibak,
manukso o mang-
uyam.
TAP –Tula/awiting Panudyo TDG – Tugmang de-Gulong PSP - Palaisipan

PSP 4. Anyong patulang ang


_________
layunin ay pukawin at
pasiglahin ang kaisipan
ng mga taong nagtitipon-
tipon sa isang lugar.
TAP –Tula/awiting Panudyo TDG – Tugmang de-Gulong PSP - Palaisipan

___________ 5. Ito ay kadalasang


PSP nalilikha bilang uri ng
libangan ngunit maaari
rin naming magmula
sa seryosong
matematikal at lohistikal na
suliranin.
TAKDANG - ARALIN
Maraming
Salamat!
DAY 2
Presentasyon
ng takdang aralin
Panuto: Tukuyin ang salitang ugat ng sumusunod at ang
panlaping ikinabit rito, pagkatapos ay bigyan ng sariling
kahulugan.

a. Palaisipan = ___________ panlapi _______


Kahulugan: ___________
b. Awitingbayan = _________panlapi________
Kahulugan: ___________
c. Tugmang de gulong = _______panlapi______
Mula sa mga salitang hinimay-himay, pangkatin ang salita
batay sa anyo nito kung ito ay:

TAMBALANG SALITA (pagsasama ng dalawang uri ng


magkaibang payak na salita upang makabuo ng bagong salita na may
bagong kahulugan.)

MAYLAPI (ng tawag sa salitang - ugat na dinugtungan ng


panlapi.)
Pangkatang Gawain
(BUGTONG)
Matanda na ang nuno hindi
pa naliligo.

Sagot: PUSA
Maliit pa si Nene
nakakaakyat na sa tore

Sagot: LANGGAM
Sa araw nahihimbing, sa gabi
ay gising.

Sagot: PANIKI
Tiniris mo na inaamuyan mo
pa.

Sagot: SUROT
Kay liit pa ni Neneng
marunong nang kumendeng.

Sagot: BIBE
Eto na si bayaw dala-dala’y
ilaw.

Sagot: ALITAPTAP
May ulo’y walang buhok,
may tiyan walang pusod.

Sagot: PALAKA
Dala-dala mo siya pero
kinakain ka niya.

Sagot: KUTO
Kung kalian tahimik saka
nambubuwisit.

Sagot: LAMOK
Dalawang magkaibigan
mahilig mag-unahan.

Sagot: PAA
Aling parte ng katawan ang di
nababasa?

Sagot: UTAK
Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.

Sagot: MGA MATA


Munting bundok, hindi
madampot.

Sagot: TAE
DAY 3
Mga Ponemang
Suprasegmental
F7PN-IIIa-c-13
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang
suprasegmental (tono, diin, antala).
a. Naitatala ang mga salitang nagbabago ang
kahulugan batay sa paraan ng pagbigkas nito (diin/haba at
antala).
b. Nasusuri ng tiyak na kahulugan ng salita batay sa
pagkakasulat nito sa anyong transkripsiyong ponemiko.
May isang pamilya na napaka saya nila. Matutulog na sila sa gabi na iyon.

Anna: Inay, Itay! Mahal na mahal ko po kayo ah!


Inay at Itay: Anak! Mahal na mahal ka rin namin ng
sobra. At alam na alam mo yan hah!
Anna: Nay, Tay tingnan nyo ang tala. Kay ganda po
Itay at Inay.
Itay: Alam mo anak ng dahil sa talang iyan
naalala ko tuloy si Pedro, ang aking
pinakamatalik na kaibigan anak.
Inay: Matutulog na tayo napaka-gabi na.
Anna: Sige po Inay. Goodnight po sa inyo.
Inay at Itay: Goodnight rin sayo anak!
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ang mga ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa
mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo
ito ng mga notasyong ponemiko o transkripsyong ponemiko
upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng
ponemang suprasegmental ay ang tono/intonasyon, diin/haba
at antala.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Diin/Haba
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na
iniuukol ng nagsasalita sa
patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay
tumutukoy sa lakas ng bigkas sa
pantig ng salita.
Ginagamit ang simbolong tuldok /./ upang
matukoy ang pantig ng salita
na may diin. Sa Filipino, karaniwang
binibigkas nang may diin ang salitang higit sa
isang pantig. Malimit ding kasama ng diin
ang pagpapahaba ng patinig.
Tulad nito:
/ba.hay/ - tirahan
/pagpapaha.ba?/ - lengthening /kaibi.gan/ -
friend
/sim.boloh/ - sagisag

(Ang tawag sa /?/ glottal o impit na tunog. Ang /?/ at /h/ ay binibigkas
ng pagdidiit at pagharang ng presyon ng papalabas na hininga upang
lumikha ng glottal na tunog.)
Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-
iiba ng patinig na binibigyang-diin,
karaniwang nababago ang kahulugan ng
salita.
/ba.lah/ - bullet
/bala?/ - threat
/kasa.mah/ - companion
/kasamah/ - tenant
/tu.boh/ - pipe
/tu.bo?/ - sprout
/tuboh/ - sugar cane
/paso?/ - flower pot
/pa.so?/ - burn
/pasoh/ - expired
/mang.gaga.mot/ - doctor
/mangga.gamot/ - to treat
/kaibi.gan/ - friend
/ ka.ibigan/ - lover
/paso?/ - flower pot
/pa.so?/ - burn
/pasoh/ - expired
/mang.gaga.mot/ - doctor
/mangga.gamot/ - to treat
/kaibi.gan/ - friend
/ ka.ibigan/ - lover
Ang puno ng mangga ay puno ng bunga.

Salita Katumbas DIIN ng


sa Ingles salita
1. puno tree /PU.no/
2. puno full /puNO/
Si Mang Lito ay may pito na pito sa loob ng
kanyang bulsa.
Salita Katumbas DIIN ng
sa Ingles salita
1. pito whistle /PI.to/
2. pito number /piTO/
Ang iyong karanasan sa buhay ang siyang
magsisilbi mong gabay habang ikaw ay
humihinga pa’t buhay.
Salita Katumbas DIIN ng
sa Ingles salita
1. buhay life /BU.hay/
2. buhay alive /buHAY/
Ang mga matitiyaga at pursigido lamang ang
karaniwang lamang sa buhay.

Salita Katumbas DIIN ng


sa Ingles salita
1. lamang only /LA.mang/
2. lamang advantage /laMANG/
Tatay: Sino ang kumuha ng pera sa pitaka ko?
Magsabi kayo ng totoo?

Max: Hindi po ako, Itay.


Jojo: Hindi, ako po.
ANTALA
HALIMBAWA
Tito Calvin Klein ang pangalan niya.
(interpretasyon)
Ipinakilala niya ang kanyang Tito Kalvin
Klein sa iba.
Tito Calvin Klein ang pangalan niya//
Tito Calvin Klein ang pangalan niya.

(interpretasyon)
Ipinakilala niya sa Tito niya na Calvin Klein
ang pangalan ng kaibigan niya.
Tito/ Calvin Klein ang pangalan niya.
Tito Calvin Klein ang pangalan niya.

(interpretasyon)
Ipinakilala niya sa Tito Calvin niya na Klein
ang pangalan ng kaibigan niya.
Tito Calvin/ Klein ang pangalan niya.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga
transkripsyong ponemiko.
TONO/INTONASYON
Nag-iiba ang mensahe at
damdaming ipinapahayag
depende sa TONO ng pagbigkas
at pagbasa natin sa mga ito.
Ang ponemang suprasegmental na
TONO/INTONASYON sa pagtaas at pagbaba ng
tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng
kahulugan ng pahayag.

HALIMBAWA:
1. Pagsasalaysay/paglalarawan
Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Rona.
2. Masasagot ng OO o HINDI
Halimbawa:
Totoo?
Sila iyon, di ba?
3. Pagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Naku, May sunog!
Hoy! alis dyan!
4. Pagbati
Halimbawa:
Kumusta ka?
Magandang umaga po.
Salamat sa iyo.
5. Pagsagot sa tanong.
Halimbawa:
Oo, aalis na ako.
Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

You might also like