You are on page 1of 13

ANG HALAGA NG

PAGIGING ISANG LIDER

SCHOOL OF LEADERS 3
Mark 10:21-22
“Pasanin araw-araw ang kanyang
krus, at sumunod sa akin.”
Lucas 9:23
“At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang
sinumang nagnanais sumunod sa akin ay
kinakailangan itakwil niya ang kanyang sarili,
pasanin araw-araw ang kanyang krus, at
sumunod sa akin.”
Ang Halaga ng
Pagiging Isang Lider
1. Pamumuna

Kung ang isang tao ay hindi kayang


tumanggap ng pamumuna, siya ay wala pang
emosyonal na kahandaan. Sapagkat ikaw ang
nangunguna, lagi kang nakikita at madaling
tampulan ng mga pamumuna.
2. Kapaguran

Ang isang matalinong lider ay nakapagla-laan


ng panahon sa isang uri ng libangan na
makakabawas sa kanyang tension. Ang sapat
na pangangalaga ng kalusugan, pahinga, at
balanseng pamumuhay ay makakatulong
upang tumagal sa paglilingkod ang isang lider.
3. Panahong makapag-isip

Ang solusyon ay hindi sa matinding paggawa


kundi sa matalinong paggawa
4. Kalungkutan o Pag-iisa

Maituturing na isang malaking halaga ang


kalungkutan o pag-iisa para sa isang lider
sapagkat kailangan din niya ng mga taong
makakasama. Ngunit may mga pagkakataong
hindi siya maaaring makihalubilo sa ibang tao
sa isang personal na pamamaraan. Ang isang
lider ay madalas nakabukod.
5. Pakikisama

Upang makisama sa ibang tao, kinakailangan


ng isang lider na maglaan ng panahon na
kilalanin sila, makibahagi sa kanilang
damdamin, katagumpayan, maging sa
kanilang kabiguan
6. Hindi kaaya-ayang Pasya

Nasa kamay ng pinuno ang paggawa ng


desisyong makakaapekto sa pangunahing
istraktura ng kanilang organisasyon, kahit pa
ang ia ay hindui sang-ayon dito. May mga
pagkakataon na ang pasya ng isang lider ay
nakakasakit ng ibang tao.
7. Tamang paggamit ng oras

Kailangang matutunan ng isang lider na


matutuhan ang tama at maingat na paggamit
ng kanyang oras gaya ng paggamit niya ng
kanyang pananalapi.
8. Pagtanggi

Mayroong tiyak na posibilidad na ikaw ay


makaranas ng paninirang puri dahil sa iyong
pananampalataya o sa iyong pananaw bilang
Kristiyano. Ito ay naranasan ng ating
Panginoon Jesu-Cristo.
ASSIGNMENT:
1. Hanapin ang verse na 2 Timoteo 1:15; 3:10-12; 4:16-18 at isulat
kung ano sa mga payo ni Pablo para sa iglesia ang nagrhema sa iyong
buhay.

2.Pagaralan sa Bible ang iba’t-ibang karanasan ng mga alagad ng


Panginoong Jesu-Cristo. Ilarawan ang sitwasyong kanilang kinaharap
at kung pano nila ito napagtagumpayan. (Jose, Moises, Josue, David,
Daniel, Marcos)

You might also like