You are on page 1of 38

PAMUMUNONG

KRISTIYANO
FTF
Mother of Life Center
GAWAIN:
•Magbuo ng mga maliliit na grupo at pagnilayan
at pag-usapan kung ano ang pagkaunawa nila sa
salitang “leader”.

•May isang kinatawan na magbabahagi sa buong


grupo kung ano ang kanilang napag-usapan.

•Magbubuo ng synthesis ng kanilang pagkaunawa.


PAGPAPALALIM
1.Ang isang “leader” ay
may atas na gawain at
impluwensiya na siyang
namumuno, gumagabay,
nangunguna at nagbibigay
sigla sa grupo.
PAGPAPALALIM

• 2. Ang isang
Christian leader ay
isang “servant-
leader”. Balikan
natin ang sinabi ni
Jesus:
PAGPAPALALIM
• “Kung sinuman ang
nais na maging
pinuno ay kailangang
maging lingkod.”
[Mateo 20,26]
PAGPAPALALIM

•“Ako ay kapiling
ninyo bilang
lingkod” [Lukas
22,27]
PAGPAPALALIM
• “Kung ako na inyong
Panginoon ay naghugas
sa inyong mga paa,
kailangan din ninyong
hugasan ang paa ng
bawat isa.” [Juan 13,14-
16]
PAGPAPALALIM
3. Maliwanag sa Banal na Kasulatan
na ang “servant-leader” ay isang
namumuno na naglilingkod. Bilang
mga lingkod, sinusundan natin ang
halimbawa ni Kristo. Sa katunayan,
nagbigay ng babala si Kristo laban sa
pamumuno na katulad ng sa mundo.
PAGPAPALALIM
4. May iba’t ibang klase ng pamumuno:
• a. Diktador-alam niya ang sagot sa lahat ng mga
tanong at mga solusyon sa lahat ng problema,
gumagawa ng desisyon ng walang konsultasyon,
ginagawa niya ang maraming gawain ng siya lamang.
Maaaring madaming nagagawa pero ang mga tao ay
nawawalan ng sariling desisyon at pananagutan.
PAGPAPALALIM
4. May iba’t ibang klase ng pamumuno:
• b. Liberal-palaging nakikinig sa iba pero walang
sariling desisyon, takot gumawa ng desisyon,
hinahayaan ang mga malalakas na siyang
humawak sa grupo at hindi seryoso sa kanyang
gampanin.
PAGPAPALALIM
4. May iba’t ibang klase ng pamumuno:
• c. Padrino/Padrina-mukhang mabait pero
nagiging pala-asa ang mga kasama, naka-
depende sa kanya ang lahat, siya ang palaging
nagbibigay at hindi sanay tumanggap ng tulong
PAGPAPALALIM
• 4. May iba’t ibang klase ng pamumuno:
• d. Participatory-ang lingkod ay humihingi at handang makinig sa opinion
ng mga kasama, gumagawa ng desisyon ng may konsultasyon,
ibinabahagi ang pananagutan sa mga kasama, nakikilahok sa pagkilos at
hinahayaang lumago ang bawat kasapi sapagkat hinahayaan silang mag-
isip.
• Kahit na maaaring depende sa sitwasyon ang pamamaraan, ang
participatory na lingkod ang siyang pinakabagay sa BEC.
PAGPAPALALIM

• 5. May mga tanging katangian tayong hinahanap sa


lingkod:
• a. Nakatuon kay Kristo- Naglilingkod tayo kasama ni
Kristo na ating huwaran at Panginoon na masunurin sa
Ama, naging lingkod, nagdusa at namatay sa Krus.
PAGPAPALALIM

• 5. May mga tanging katangian tayong hinahanap sa


lingkod:
b. Nakatuon sa paglilingkod-“ Tend the flock that is in
your charge, not by constraint but willingly, not for shameful
gain but eagerly, not as domineering over those in your
charge but being examples to the flock” [1 Peter 5,2-3]
PAGPAPALALIM
• 5. May mga tanging katangian tayong hinahanap sa lingkod:
• c. Nakatuon sa mga tao-“ But a Samaritan came…had
compassion, and went to him and bound up his wounds,
pouring on oil and wine; then he set him off on his own beast
and brought him to an inn, and took care of him” [Luke 10,33-
34]
PAGPAPALALIM

• 5. May mga tanging katangian tayong hinahanap


sa lingkod:
• d. Nakatuon sa kapwa-“ For the Son of Man
came not to be served but to serve, and to give
his life as a ransom for many” [Mark 10,45]
PAGPAPALALIM:
6. Nagbigay din si Apostol Santiago ng pahayag tungkol sa paglilingkod:
Santiago 1,2-Maging masayahin
• 1,3-Maging matiyaga
• 1,4 Maging matibay sa mga problema
• 1,5-Makinig na mabuti, huwag maging masalita, iwasang magalit agad
• 1,19-Huwag lamang magsalita kundi kumilos din
• 1,26-Bantayan ang dila
PAGPAPALALIM:
• 2,1-Igalang ang mga tao anuman ang kalagayan
• 2,8-Mahalin ang kapwa gaya ng sarili
• 2,13-Maging mahabagin
• 3,1-Huwag maging masyadong mabilis sa pagtuturo at
pamumuna sa mali
• 3,5-Huwag maging mayabang
• 3,13-Kumilos ng may kababaang loob at karunungan
PAGPAPALALIM:
• 4,11-Maging matibay sa pag-asa
• 4,17-Magpailalim sa Diyos
• 5,12-Iwasan ang pangako
• 5,13-ipagdasal ang sarili
• 5,14-ipagdasal ang kapwa
• 5,16-matutong tumanggap ng pagkakamali at humingi ng tawad
sa isa’t isa
PAGPAPALALIM:

• 7. Ang pamumunong Kristiyano ay pagpapasan ng krus


dahil sa pag-ibig kay Kristo. Kailangang pagbutihin ng
lingkod ang kanyang hinahon, tiyaga, pagiging bukas-
palad, kahandaang makinig, pagsasakripisyo, kababaan ng
kalooban at pagmamahal. Kailangang maging matatag din
at handang umako ng pananagutan sa salita, gawa at
pagsaksi.
PAGPAPALALIM:

• 8. Hindi madali na maging servant leader at


nangangailangan ng matagal na proseso. Bukod sa
kanyang katangian, kailangan ng pagiging madasalin at
sanay kumilatis upang makasunod kay Kristo at
maglingkod sa kapwa ng may kababaan ng kalooban.
PAGBUBUO:
Pagnilayan ng mga kasama ang mga sumusunod:
• 1. Ano ang ibig sabihin ng “servant-leader” para sa akin? Ano ang kanyang
mga katangian?
• 2. Ano ang aking mga katangian at posibilidad na maging “servant leader”?
• 3. Ano ang aking mga katangian na kailangang pagbutihin at anong aspeto
ng aking buhay ang kailangang panibaguhin upang mas maging mabuting
“servant leader” ng parokya?
PAGBUBUO:

Pagnilayan ng mga kasama ang mga sumusunod:


• 1. Ano ang ibig sabihin ng “servant-leader” para sa
akin? Ano ang kanyang mga katangian?
PAGBUBUO:
Pagnilayan ng mga kasama ang mga
sumusunod:
• 2. Ano ang aking mga katangian at
posibilidad na maging “servant leader”?
PAGBUBUO:

Pagnilayan ng mga kasama ang mga sumusunod:


• 3. Ano ang aking mga katangian na kailangang
pagbutihin at anong aspeto ng aking buhay ang
kailangang panibaguhin upang mas maging
mabuting “servant leader” ng parokya?
PAGBUBUO:
• HAMON
• Bilang mga lingkod ng sambayanan at ng simbahan.
Kailangang unawain natin ang ating mga gampanin at
tungkulin. Mas mahalaga, kailangang panibaguhin
natin ang ating mga sarili at lumago sa pag-ibig upang
mas makasunod kay Kristo na ating Mabuting Pastol.
PAGBUBUO:
• PAGDIRIWANG:
• Katahimikan
• Salita ng Diyos-Juan 15,12-20
• Pumili sila ng kanilang simbolo bilang servant-leader. Gumawa
sila ng isang bilog at bawat isa ay ialay sa altar na may
krusipiho at mga kandila. Manalangin ang bawat isa.
• Ama namin ng hawak kamay
• Pangwakas na Panalangin: We are made for service

You might also like