You are on page 1of 33

Ang mga Tayutay

Nicxan Faith Trono


Micaella Junio
Nedzmar Misuari
Tayutay (Figure of Speech)
Isang matalinghagang pagpapahayag na nagbibigay
ng mabisang kahulugan upang lalong maging mabisa,
makulay at kaakit-akit ang isang paglalarawan o
pagpapahayag.
Kaugnay ng pag-aaral ng retorika sapagka’t ang
pangunahing layon ng retorika ay ang magandang
pagpapahayag.
Mga Uri ng Tayutay
1. SIMILI/PAGTUTULAD (SIMILE)
- paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari at
iba pa na magkaiba sa pangkalahatang anyo ngunit
may mga magkakatulad na katangian.
- gumagamit ng mga salita at pariralang
naghahambing: tulad ng, katulad ng, paris ng, kawangis
ng, animo’y, parang, gay ang, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim, ga-, at iba pa.
Mga Halimbawa:
1. Ang buhok mo ay tila alambre.
2. Siya ay isang kawangis ng isang maamong tupa kapag
pinagalitan.
3.Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay.
4.Gamunggo ang kanyang ilong.
2. METAPORA/PAGWAWANGIS (METAPHOR)
- tiyakan o direktang paglalarawan o paghahambing
- hindi gumagamit ng mga salita at pariralang naghahambing

Mga Halimbawa:
1. Ang buhok mo ay alambre.
2. Siya ay isang maamong tupa kapag pinagalitan.
3.Palaka ang kanyang boses.
4.Ang kanyang pisngi ay ulap sa lambot.
3. PERSONIPIKASYON/PAGBIBIGAY KATAUHAN
(PERSONIFICATION)
- isang talinghaga kung saan ikinakabit ang katangian, galaw o kilos
ng tao sa isang bagay, halaman o element

Mga Halimbawa:
1. Inilawan ng buwan ang aking daan.
2. Lumilipad ang oras kapag ako ay nagpapahinga.
3.Lumangoy ang kanyang panyo sa batis.
4.Umiiyak ang langit.
4. METONOMIYA/PAGPAPALIT TAWAG
(METONYMY)
- ito ay pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na
tinutukoy

Mga Halimbawa:
1. Ibinigay ni Lori ang korona (posisyon) ng pagkapangulo kay Loki.
2. Malusog ang bagong anghel (sanggol) ng mag-asawang Nito at Nita.
3.Dapat ginagalang ang mga puting buhok (matatanda).
4.Si Caleb ay nagmamadaling pumasok sa kanyang ikalawang tahanan
(paaralan).
5. ALITERASYON (ALLITERATION)
- gumagamit ng magkatulad na unang titik o pantig sa inisyal na bahagi
ng salita, pangungusap o taludtod

Mga Halimbawa:
1. Makikita mo sa mga mata ni Maria ang marubdob na pagnanais na
mawakasan ang mahirap nilang pamumuhay.
2. Si Sam ay mahilig sumayaw sa Silid-aralan.
3. Payapa at masagana ang pamumuhay ng pamilyang Parasayo sa
palasyo ng Pasonanca.
4. Binigyan niya ng bag si Bonoy.
6. EXCLAMASYON
-pagpapahayag ng masidhing damdamin o emosyon ng
pagdaramdam tungkol sa isang pangyayari.

Mga Halimbawa:
1. Binigay ko naman sayo lahat! Bakit, bakit iniwan mo pa din ako
para kay Cristine, si Cristine na matalik kong kaibigan?
2. Bunso, patawarin mo si kuya. Huwag kang magalala,
pagbabayaran nila ang pagpatay sayo!
3. Walang hiya ka! Bakit ba galit na galit ka sa
akin?
4. Pati kaibigan ko sinaktan niyo, sumusobra na
talaga kayo!
7.PAGTAWAG (APOSTROPHE)
-kinakausap na parang tao ang isang bagay na wala
namang buhay.

Mga Halimbawa:
1. Balong malalim, ibigay mo na ang aking prinsipe.
2. O dilim, pakiusap lubayan mo na ako.
3. Inang kalikasan, parang awa mo na itigil mo na
ang paghagupit.
4. Haring araw, tanglawan mo ang mga pananim.
8.PAG-UYAM (SARCASM)
-pananalitang nangungutya. Tila kapuri-puri ang
pangungusap ngunit sa katotohanan ay nang-uuyam.

Mga Halimbawa:
1. Totoo nga na mahal ka niya, sa sobrang pagmamahal niya
pati nararamdaman niya sayo nalusaw.
2. Paniguradong hindi ako mananalo sa debate laban sayo,
kasi kaibigan ko nga nakumbinsi mong layuan ako.
3.Ang sipag mo talagang maglinis puro dumi ang
bahay.
4.Ang tamad mo talaga paniguradong aasenso ka
niyan.
9.PAGTANGGI (LITOTES)
-karaniwang gumagamit ng salitang “Hindi” upang
magpahiwatig ng lalong makahulugang pagsang-ayon sa
sinasabi ng salitang sumusunod.

Mga Halimbawa:
1. Hindi ko sinasabing pangit ang sulat mo, pero hindi ko talaga
maintindihan ang nakasulat sa pisara.
2. Kahit hindi mo aminin, nakikita ko sa iyong mga mata na
mahal mo pa rin siya.
3.Hindi ko kayang kalimutan siya kahit na sinaktan
niya ako ng sobra.
4.Hindi ko sinabi na ikaw ngunit sa mga bakas na
nasa damit mo ikaw nga ang may gawa.
10.PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
-pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat
ng kabuuan o ng kabuuan sa isang bahagi.

Mga Halimbawa:
1. Anim na maliliit na paa ang sumalubong sa ina.
2. Hindi ka man tratuhin nang tama ng mundo, tandaan mong
nandito lang ako.
3.Pitong bibig ang pinapakain ni James.
4. Apat na kamay ang sumabunot kay Risa.
11.PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
-lubhang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan ng tao,
bagay, pangyayari, at iba pa.

Mga Halimbawa:
1. Bumaha ng luha ang silid ni Cherry dahil sa paghihiwalay
nila ng kanyang kasintahan.
2. Nakakita ng isang bilyong bituin si Kilmer dahil sa suntok ni
Josh.
3. Umaapoy ang mata ni Maxwell noong nakita
niyang may kasamang iba ang nobya.
4. Babagyo ng biyaya kapag iningatan natin ang
kalikasan.
12.PAGPAPASIDHI
- ang papatas o kasidhian ng damdaming ipinapahayag.

Mga Halimbawa:
1. Nag isip siya sa narinig. Pagkatapos ay tumingin sa kaliwa't kanan.
Tinitigan ang lalaki at saka inundayan ng saksak...! Ito ang
kabayaran ng lahat mong ginawa!
2. Hindi ko mapalalampas ang pang-a aping ito. Hindi na kita kanyang
patawarin. Ang husgado ang tatapos nang lahat ng ito!
3.Nakita ko ang pagdilim ng paligid at paglakas ng
ihip ng hangin na tila nagbabadya ng isang
malakas na bagyong paparating.
4.Ang malamig na simoy na hangin kasabay ng
mga batang nangangaroling ay nagsasabing ang
pasko ay malapit na.
13.ANTIKLAYMAKS (ANTI-CLIMAX)
-Paghahanay ng mga pahayag ng damdamin o kaisipan sa
pababang paraan.

Mga Halimbawa:
1. Mahirap paniwalaang lumisan na siya, bagama't mahirap tanggapin,
wala akong ma gagawa.
2. Salamat sa natuklasan na nag katotohanan, ngayo'y matatahimik na
ang kanyang kaluluwa.
3. Ang pagmamahal niya sa akin ay tila lumayo,
nawala, at napawi.
4. Napagod na siya kakalaban hanggang nawalan
na ng pag-asa.
14.PAGTATAMBIS
-Pagtatambisan ng makasalungat na pahayag.

Mga Halimbawa:
1. Ang lola ang naging apo, ang apo ang naging lola sa
pangyayari kanina.
2. Ang mabigat ay gumaan, ang magaan ay bumigat sa
kaparusahang ipinitaw.
3. Ang buhay ng tao ay parang gulong; minsan
nasa ibabaw, minsan ay nasa ilalim.
4. Sa buhay, pareho mong mararanasan ang
liwanag at dilim, ang tagumpay at kabiguan.
15.PAGSALUNGAT(OXYMORON)
-Pagsasama ng dalawang magkasalungat na pananalita.

Mga Halimbawa:
1. Kung minsan ang Kagandahan ay nasa kapangitan.
2. At mahina at malakas ay nagtutugma sa larangan ng is
port's.
3. Kung sino ang unang gumawa ng batas, siya
ang unang llabg.
4. Namatay ang kawal upang mabuhay sa habang
panahon.
16.PAGLUMANAY
-Tinutukoy sa lalong at mabuting pananalita ang tao, bagay o
pangyayari na sa karaniwa'y di tinutukoy nang pagayon.

Mga Halimbawa:
1. Ang taong iyan ang naglukso ng puri ng bata g walang ka
malay-malay. ( sa halip na tukuyin ang isang lalaking nanggahasa)
2. Walang hanggang pagsisisi ang ginawa ng babae matapos
makisama sa lalaking may pananagutan na sa buhay. ( sa halip na
sabihing mistress o kahit)
3. Isama mo ang ating kasambahay sa parke.
4. Sumakabilang-buhay na ang pusa ni Carla.
17.PAGTATANONG
-Pagpapahayag na nagtatanong upang tanggapin o di
tanggapin ang isang bagay.

Mga Halimbawa:
1. Makalalakad ba ang mga paa mo sa baga nang hindi napapa so ang
mga ito?
2. Mahihigitan kaya ng kabataan ang kadakilaan ng pag ibig sa bayan ng
ating mga bayani?
3.Nasaan ang tunay na pag-ibig?
4. Natutulog ba ang Diyos?
Maraming Salamat

You might also like