Professional Documents
Culture Documents
Ibig na ibig
nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at
Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at
sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito,
marami rin bagong karanasan at kaalaman ang
kanilang natutuhan.
Isang tanghali, habang umaakyat ang
magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita
nila ang lawin na lumilipad pababa.
Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng
damo. Naiwan ang inahing manok na anyong
lalaban sa lawin.
Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang
magkapatid at sinigawan nila ang lawin na
mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang
pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa
sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang
nanaog ng bahay at inalam kung ano ang
nangyayari.
“Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin
ang mga sisiw ng inahing manok kaya
sumigaw po kami,”paliwanang ni Roy.
“Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga
sisiw ng inahing manok?” tanong ni Lorna.