You are on page 1of 23

Talakayan

Pagpapasya Batay
sa Malayang
Pananaw
IMPORMASYON
Kahulugan ng Impormasyon

Mga Pinagkukunan ng Wastong


Impormasyon

Kahalagahan ng Paggamit ng Wastong


Impormasyon
Impormasyon
 Ito ay anumang detalye ukol sa isang tao, sitwasyon,
pangyayari, lugar, bagay at iba pa.

 Wasto ang isang impormasyon kung ito ay ayon sa katotohanan.

 Ito ay dumaan sa masusing pagsisiyasat o pag-aaral.


Mga Pinagkukunan ng Impormasyon: Ating Suriin

Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina,


pahayaga’t, magasin, gayundin ang lathalain.
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman,
ang radyo at telebisyon palagi nating pakinggan.
 
Sa pagtuklas ng katotohanan,
marubdob na pananaliksik ating kinakailangan.
Sa tulong ng internet,
isang pindot mo lamang makikita mo na ang lahat ng iyong
kailangan.
Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan,
Mahalaga ang pagtuklas sa katotohanan.
Sa mga makukuha mong iba’t-ibang kaalaman,
Maging mapanuri, upang di-malihis ng daan.

Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap,


Mga blogsite sa internet na pornograpiya ang makakalap.
Mga larong mararahas, makukuha ng iyong atensyon,
kaya masamang epekto ang ‘yong nasasagap.
 
Kaya kaibigan, kaisipa’y palawakin.
Maging mapagmatyag, mensahe’y timbangin.
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya sa atin,
Kaya ating pagyamanin at ‘wag abusuhin.
Mga Tanong:

 Tungkol saan ang tulang inyong binasa/napakinggan?

 Mula sa tulang napakinggan, anu-ano ang mga binaggit na

pinagkukunan ng impormasyon?

 Anu-ano ang mabuting at masamang dulot ng mga ito sa atin?


Mga Pinagkukunan ng Impormasyon
 Radyo
 Telebisyon
 Internet
 Diyaryo o pahayagan
 Aklat
Kahalagahan ng Paggamit ng
Wastong Impormasyon
 Naiiwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon o "Fake
news"
 Naiiwasan na makasakit ng damdamin ng ibang tao, maging
dahilan ng panic, o di kaya'y maging sanhi ng kaguluhan.
 Nakakatulong upang maiwasan ang maling desisyon.
 Nakakatulong upang makapag bahagi ng opinyon na ayon sa
katotohanan.
Tandaan Natin

 Ang mga opinyon na ating naririnig o ibinabahagi sa ating


kapwa ay maaaring makaapekto sa pagpapasya. Kaya mahalaga
na ating natutukoy kung ano ang wastong impormasyon. Dahil
ang mga ito ang siyang nagiging matibay na batayan ng ating
mga desisyon, pangangatwiran, at maging ng ating opinyon.
#AkoAngSimulaNgPagbabago (Video)

Bumuo ng 1 to 3-minute video na naghihikayat sa mga


manonood upang magsimula ng pagbabago sa inyong
komunidad gamit ang mga wastong impormasyon na makikita o
maririnig sa radyo, telebisyon, internet, aklat at mga dyaryo o
pahayagan.

Gamitin ang rubrik upang maging pamantayan sa paggawa.


Rubrik sa paggawa ng video

PAMANTAYAN 5 PUNTOS 3 PUNTOS 1 PUNTOS


May lohikal na organisasyon Hindi maayos ang
Organisado ang ideya at ang
ng ideya ngunit hindi maayos organisasyon ng ideya at
Organisasyon pagkasunod-sunod ng mga
pagkasunod-sunod ng mga pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa video.
pangyayari pangyayari.

Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Hindi nagpapakita ng
panghihikayat upang simulan panghihikayat upang simulan
panghihikayat sa komunidad
Nilalaman ang pagbabago sa komunidad. ang pagbabago sa komunidad.
at hindi gumamit ng wastong
Gumamit ng mga wastong Ngunit, hindi gumamit ng
impormasyon.
impormasyon. wastong impormasyon.

Ang boses/tinig ay malinaw Hindi malinaw ang


Ang boses/tinig ay malinaw
para sa mga tagapakinig. boses/tinig para sa mga
para sa mga tagapakinig.
Boses o Tinig Ngunit, hindi gumamit ng tagapakinig. Hindi gumamit
Gumamit ng iba’t-ibang tono
iba’t-ibang tono sa ng iba't-ibang tono sa
sa pagsasalita.
pagsasalita. pagsasalita.

Nakikita ang emosyong Hindi lubusang nakikita ang Hindi nakikita ang emosyong
Ekspresyon ng Mukha hinihingi batay sa emosyong hinihingi batay sa hinihingi batay sa
impormasyong ipinapahayag. impormasyong ipinapahayag. impormasyong ipinapahayag.

KABUUANG PUNTOS 20 PUNTOS 12 PUNTOS 4 PUNTOS


Halimbawa
Maraming
Salamat

You might also like