You are on page 1of 10

Baitang 8

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang akda. Pagkatapos sagutin ang kasunod ng mga
tanong.

IKAW… LAMOK
Ni Nelly V. Magabulo

May mga taong tulad ng lamok, sa dugo ng iba nagpapakabusog.

Isang malalim na gabi’y napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko
ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa kaawan ng kapatid ko. Pinilit kitang hulihin ngunit
hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa
kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na
naman at sa akin umaaligid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli
akong nahiga at nag-isip nang nag-isip.
Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga at nagsisimula na sana akong
matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita.
Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan na akong hindi nakatulog.

Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa hindi sinasadya’y naging


bahagi ka rin ng isipang yaon.

Ikaw na isang lamok lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang


katauhan. Katulad mo ring sumisipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag
nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa
akin kapag kaharap ko.
Tulad mo rin na kunwa’y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang
ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.

Kapag nakatalikod ako, kung ano-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa
akin na ikinakasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa
kanilang umaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao
at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.

Ganoon nga din pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang iyon ay
huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang
iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumili ng aking kakaibiganin.
Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aaligid-aligid lamang na parang
nilalaro mo ako, ngunit kapag nasa kadiliman nangangagat ka! Hindi ka marunong
mamuhay nang hindi aasa sa iba. Bakit nga ba?

A, hindi bale na lamang. Kahit ka magkagayo’y nagpapasalamat pa rin ako. Itinuturing


pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan.

Maraming Salamat, Kaibigang Lamok.


1. Ang akdang binasa ay isang_____________.

a. Maikling kwento
b. Balita
c. Sanaysay
d. Pabula

2. Ang paksa ng binasa ay tungkol sa _____________.

e. Katotohanan sa buhay
f. Umaaligid na lamok
g. Pakikitungo sa kapwa
h. Pagpili ng kakaibiganin
3. “Katulad ka ng iba na sumisipsip ng dugo ng iba, laging nakakapit sa akin”. Ayon sa
pagkakagamit ng pangungusap, ang bahaging may salungguhit ay nangangahulugan ng
pagiging ______________________.

a. Palaasa
b. Mapagsamantala
c. Suwapang’
d. Malihim

4. Ayon sa akda, ang lamok ay maaaring maihalintulad sa mga taong _______________.

e. May masamang pakay


f. Mapagsamantala sa kapwa
g. Hindi totoo sa kaniyang sarili.
h. Hindi mapagkakatiwalaan
5. Tulad mo rin na kunwa’y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw
ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo. Pinatunayan sa pahayag
na ang lamok ay _____________________.

a. Mailap
b. Mapagbalatkayo
c. Malihim
d. Matakaw

6. Alin sa mga sumusunod ang nangingibabaw na saloobin ng nagsasalita sa akda?

e. Kasiyahan ng kalooban
f. Pagtataka sa mga nagaganap
g. Pagkamulat sa katotohanan
h. Pagwawalambahala sa natuklasan
7. Ang nangingibabaw na katangian ng binasang akda ay _______________________.

a. Naglalahad ng kasulukuyang isyu.


b. Himig nakikipag-usap sa mambabasa
c. Detalyado ang paglalahad
d. Naiiba ang paksa ng akda

8. Alin sa mga sumusunod ang aral na nakuha sa pamamagitan ng lamok?

e. Huwag tanggihan ang anomang anyaya.


f. Maging matapat sa pakikipagkaibigan
g. Piliin ang mga taong kakaibiganin
h. Iwasan ang mga taong palaasa.
9. Alin ang totoo sa akdang binasa?

a. Ang tao ay tulad ng lamok.


b. Sa dilim nangangagat ang lamok.
c. Nakakabagabag ang dilim ng gabi.
d. Malaking tulong ang nagawa ng lamok.

10. Ang pangunahing kaispan sa akda ay ________________________.

e. Maging mulat sa katotohanan na ang lamok ay sumisipsip ng dugo.


f. Ang lamok ay nagpapamulat na katotohanan sa tao.
g. Sa pakikitungo sa kapwa, piliin ang kakaibiganin.
h. Matutong tumindig sa sariling mga paa.

You might also like