You are on page 1of 24

Filipino sa

piling Larangan
( akademik)

Bb. JOVILYN D. BARIA


KALIKASAN AT
KAHULUGAN NG
PAGSULAT

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pagsulat
 ito ay pagsasalin sa papel o sa anomang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong
salita,simbolo,at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanya /kanilang kaisipan.

 Ito ay kapwa isang at pisikal at mental na aktibiti na ginagawa


para sa iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat
gumagamit ditto ng kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito
sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsususlat.
Ang pagsuong sa gawaing pagsulat ay nangangailangan ng
puspusang mental at konsederableng antas ng kaalamang
teknikal at malikhain.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
• Ayon kina XING at JIN ang PAGSULAT ay isang
komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba
pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig
pagsasalita at pagbasa.

• Sinabi ni BADAYOS (2000) na ang kakayahan sa pagsulat


nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakakarami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika
o pangalawang wika natin.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ayon naman kay KELLER ang PAGSULAT ay
isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.

• Samantala ganito naman ang paglalarawan


nina PECK at BUCKINGHAM ang PAGSULAT ay
ekstensiyon ng wika at karanasang natamo ng
isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita,at pagbabasa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


 
MGA PANANAW SA PAGSULAT
• Ang Sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang
paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ayon sa
pananaw na ito , ang pagsulat ay kapwa isang mental at
sosyal na aktibiti. Nakapaloob sa mental na aktibiti ang pag-
iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pagsulat. Nakapaloob
naman sa sosyal na aktibiti ang pagsasaalang-alang sa mga
mambabasa at sa kanilang magiging reaksiyon o tugon sa
teksto. Masasabi rin na ang pagsulat ay kapwa
komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Isa itong
proseso ng paikipag-usap sa sarili ay isa rin itong paraang ng
pakikipa-usap sa mambabasa, isang tao man o higit pa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Sosyo-kognitibong pananaw – ang salitang SOSYO
ay tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang
KOGNITIBO naman ay anomang tumutukoy sa
pagiisip. Nauugnay rin ito sa empirikal o paktwal
na karanasan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Tinitingnan din ang pagsulat bilang isang MULTI-DIMENSYONAL
NA PROSESO. Kung an gang ibig sabihin nito ipapaliwanag sa
kasunod na talata.

• Ang PAGSULAT ay isang biswal na pakikipagugnayan. Ito ay isang


gawaing personal at sosyal,tulad ng nabanggit na. Bilang Personal
na gawain, ang pagsusulat ay tumutulong sa pag-unawa ng
sariling kaisipan,damdamin, karanasan. Bilang sosoyal na gawain
nakaktulong ito sa ating pagganap sa mga tungkuling panlipunan
at sa pakikisalamuha sa isa’t isa. Madalas ang pasusulat ay
naibabahagi ng isang tao sa iabang tao ang kanyang karanasan o
ang kanyang pagkakaunawa sa mg aimpormasyong kanyang
nakalap. Minsan nagsususlat ang isang indibidwal upang
maimpluwensiyahan ang paniniwala at reaksiyon ng ibang tao.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
BINUBUO NG DALAWANG
DIMENYON ANG MULTI-
DIMENSYONAL NA
PROSESO:

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Oral na Dimenyon
• Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang
tekstong iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin
siya sa iyo. Hindi ka man niya personal na kilala, o
kahit hindi ka pa niya nakikita, nagkakaroon siya ng
ideya kung sino at ano ka , kung ano ang iyong
kaalaman at kasanayan at kung paano ka magsalita
na inilalahad ng teksto mismo at ng iyong estilo at
organisasyon ng teksto. Samakatuwid ,masasabing
ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa
mambabasa.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Biswal na Dimensyon
ang dimensiyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga
salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang
tekstong inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo. Sa
dimenyong ito, kailangang maisaalang-alang ang mga
kaugnay na tuntunin sa pagsulat , upang ang mga
simbolong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng
pagsulat, ay maging ipektibo at makamit ang layunin ng
manunulat.Tandang mag mga biswal na imahe ay mga
istimulos sa mata ng mga mambabasa at magsisilbing
susi sa paggana ng kanilang komprehensiyon sa ating
isinusulat.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
• Kapwa isang gawaing personal at sosyal ang
pagsulat. Personal na gawain iyo kung ang
pagsulat ay ginagamit para sa Layuning
EKSPRESIBO o pagpapahayag ng iniisip o
nadarama, Sosyal na gawain naman ang pagsulat
kung ito ay ginagamit para sa layuning panlipunan
o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan
sa iba pang tao sa lupunan. Ang layuning ito ay
tinatawag na TRANSAKSIYONAL.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Samantala inuri nina Bernales et al.
(2001) ang mga Layunin sa pagsulat
sa Tatlo
• IMPORMATIBONG PAGSULAT- ( Kilala rin sa
tawag na Ekspository writing) ay
naghahangad na makapagbigay
impormasyon at mag paliwanang. Ang
mismong pokus nito ay ang mismong
paksang tinalakay sa teksto.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT- ( kilala rin ito sa tawag na
persuasive writing) ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabsa tungkol sa isang katwiran, opinion, o paniniwala.
Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensiyahan ng isang awtor nito.
• MALIKHAING PAGSULAT- ito ay ginagawa ng amga manunulat
ng mga aksang pampanitikan tulad ng malkhaing katha,nobela,
tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan
ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag
lamang ng kathang-isip , imahinasyon, ideya damdamin o
kumbinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ng manunulat
mismo. Wika nga ni Arrrogante (200), ang malikhaing pagsulat
ay isang pagtuklas sa kakayahang pagsulat ng sarili ( o ng
manunulat) tungo sa pakukupag-ugnayang sosoyal.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


ANG PROSESO NG
PAGSULAT

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Bago mag-sulat Aktwal na pagsulat Muling Pagsulat Pinal na Awtput
(Pre-writing) ( Actual Writing (Rewriting) (Final Output)

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Tatlong pangunahing hakbang
• PRE-WRITING - sa hakbang na ito nagaganap ang pagahahndan sa
pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isususlat an gang
pangangalap ng mga datos at impormasyong kailangan sa pagsulat.
Ang pagpili ng tono at perspektibong gagamitin ay nagaganap din
sa hakbang na ito.
• ACTUAL WRITING - ito an ikalawang hakbang sa pagsulat . Dito
sinasagawa ang aktwal na pagsulat . nakapalood ditto ang pagsulat
ng burador o draft.
• REWRITING- Dito nagaganap ang pag-edit at pagerebisa ng draft
batay sa wastong grmmar bokabulari at pagkasunod-sunod ng mga
idey ao lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging kompleto kung
hindi ito daraan sa editing at rebisyon.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
MGA URI NG PAGSULAT

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


AKADEMIKO
• halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay
masasabing akademiko mula sa antas primary
hanggang sa doktoradong pag-aaral. Ang
akademikong pagsulat ay maaring kritikal na
sanaysay, lab report, pamanahong papel, tesis o
didertasyon, itinuturing din itong isang
intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng mga kaalaman ng
mga studyante sa paaralan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Teknikal
• ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na
tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa, at
minsan maging ang mga manunulat mismo.
Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin. Samakatuwin ang
pagsulat na ito ay nakatuon sa isang ispesipikong
audience o pangkat ng mga mambabasa.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Journalistic
• pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat
na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang
pagsulat ng balita, editorial, kolum,at iba
pang akdang karaniwang makikita sa mga
pahayagan o magasin.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Referensiyal
ito ay naglalayong magrekomenda ng iba pang
referens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas
binubuod o pinapaikli ang isang manunulat ang
ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinanghanguan niyon na maaring sa paraang
parentetikal, talababa o endnotes para sa
sinomang mambabasa na nagnanais na mag-
refer sa reperens na tinutukoy.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Propesyonal
• ito ang uri ng pagsulat n nakatuon o
eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
Bagamat propesyon nga, itinuturo na rin
ito a mga paaralan bilang paghahanda sa
isang tiyak na propesyon na napili ng
mga mag-aaral.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Malikhain
• masining ang uring ito ng pagsulat. Ang
pokus ditto ay ang imahinasyon ng
manunulat, bagamat maaring piksyonal
at di- piksyonal ang akdang isinusulat.
Layunin din nitong paganahin ang
imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like