You are on page 1of 12

Filipino 9

Ikalawang
Markahan
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
PONOLOHIYA NG
FILIPINO
Paraan ng artikulasyon / paraan ng pagbigkas:
1. PANLABI- dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas (p,
b,m).
2. PANGNGIPIN- dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas
ang dulo ng dila (t, d, n).
3. PANLABI-PANGNGIPIN- dumidiit ang ibabang labi sa
mga itaas ng ngipin (f,v).
PONOLOHIYA NG
FILIPINO
4. PANGGILAGID - ang ibabaw ng dulong dila ay
lumalapit o dumidiit sa punong gilagid (s, z, l, r).
5. PALATAL- lumalapit o dumidiit sa matigas na
bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila (y).
6. VELAR- dumidiit sa velum o malambot na bahagi
ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila (k, g, n, w).
PONOLOHIYA NG
FILIPINO
7. PANLALAMUNAN- ang likurang bahagi ng dila ay
dumidiit sa lalamunan (j).
8. GLOTTAL- lumalapit o dumidiit ang mga
babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay
pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na
tunog (?, h).
PONEMA
Isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita
ng kaibahan ng isang salita mula pa sa isa
pang salita ng partikular na wika.

Pundamental at teoretikong yunit ng tunog


na nagbubuklod ng salita. Nakabubuo ng
ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang
ponema nito.
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
• Makahulugang tunog
• Malinaw na naipahahayag ang ang damdamin,
saloobin, at kaisipan
• Natutukoy ang ang kahulugan layunin o
intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono, o intonasyon at
antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
DIIN
Ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salita.
HALIMBAWA:
a. BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa

b. LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
TONO/INTONASYON
• Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t-
ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa
kapwa.
(1- Mababa, 2- Katamtaman, 3- Malakas)
TONO/INTONASYON
HALIMBAWA:
a. Kahapon= 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

b. Talaga = 213, pag-aalinlangan


Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
ANTALA/ HINTO
* Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
*kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//), 0 gitling (-)
HALIMBAWA:
a. Hindi/ ako si Joshua.
b. Hindi ako, si Joshua.
c. Hindi ako si Joshua.

You might also like