You are on page 1of 20

Bugtong, Salawikain at

Sawikain
Filipino 8 - Week 3
Pag-aralan at ipaliwanag ang bawat
pick-up line. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
1. Keyboard ka ba?
Type kasi kita.
2. Dilim ka ba? Kasi
nung dumating ka, wala
na akong nakitang iba.
3. Nag-review ka
ba? Baka kasi
sagutin mo na ako
mamaya.
4. Utang ka ba?
Habang tumatagal
lumalaki na interes
ko sa iyo.
5. Tea ka ba? Kasi
TEAnamaan na
ako sa iyo.
Pag-aralan ang mga sumusunod at
tukuyin ang kanilang pagkakaiba:

a.Isang butil na palay, sikip sa buong bahay.


b.Ito na ang aking natiitirang huling baraha.
c. Papunta ka pa lamang, pabalik na ako.
Ang bugtong, pahulaan, o
patuturan ay isang pangungusap
o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan
(tinatawag ding palaisipan ang
bugtong).
Ang salawikain ay mga
kasabihan na nagbibigay o
nagpapanuto ng magagandang
aral o gabay sa pamumuhay.
Ang sawikain ay mga idyoma na
nagpapakita ng malalim na
kahulugan tungkol sa iba’t ibang
paksa.
Gawain 1:
Ibigay ang sagot sa mga sumusunod na bugtong.
1.Pantas ka man at maalam, angkan ng
mga paham, anong kahoy sa gubat, ang
nagsasanga’y walang ugat.
2.Buto’t balat, lumilipad.
3.Sa araw ay bumbong, sa gabi ay dahon.
4.Bagama’t nakatakip, ay naisisilip.
5.Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Gawain 2:
Ibigay ang kahulugan ng mga sawikain.
1. Hindi makabasag-pinggan ang kilos ni Maria.
2. Mukhang kinahig ng manok ang kanyang
ginawang akda.
3. Mahapdi na ang bituka ko ay hindi ka pa
dumarating.
4. Dinadaga siya sa dibdib tuwing makikita ang
kanyang hinahangaan.
5. Sinamahan ko si Jun na maningalang-pugad
kina Maria.
Gawain 3:
Ibigay ang kahulugan ng mga salawikain.
1.Ang maglakad ng matulin, kung matinik ay
malalim.
2.Habang maikli ang kumot, magtiis
mamaluktot.
3. Kapag puno na ang salop, dapat nang
kalusin.
4. Kung hindi ukol, hindi bubukol
5. Ako ang nagsaing, iba ang kumain.
Takda: (Performance Task)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3, pahina 13.

Gumawa ng iyong sariling limang (5) bugtong,


limang (5) salawikain at limang (5) sawikain. Ibigay
ang tinutukoy at/o kahulugang ipinapakita ng
bawat isa.

Isulat ito sa isang long bond paper.


Takda: (Performance Task)
Pamantayan:
Nilalaman 15 puntos
Originalidad 10 puntos
Pagkamalikhain at 10 puntos
kalinisan
Kaorasan 5 puntos
Kabuuan 40 puntos

You might also like