You are on page 1of 11

Caribbean Islands

-matatagpuan sa Timog-Silangan ng
Gulpo ng Mexico at Silangang bahagi ng
Central America.
Tatlong pangunahing katutubong tribo
1. Arawaks
2. Ciboney
3. Carib- tribo na nagbigay ng
pangalan sa isla.
Christopher Columbus – unang European
na nakarating sa Isla.

Spain - ang orihinal na umangkin sa


buong isla.

France, England, Netherlands, at Denmark –


mga bansang nag-agawan sa Isla.
Karamihan ng mga taga-isla ay naging biktima
ng pang-aalipin kung kaya napalitan ang
katutubong kultura mula sa Africa. Di-kalaunan
ang mga labanan ay natigil at karamihan sa
mga isla ay natahimik. Bagaman ang pang-
aalipin ang sumisira sa plantasyon ng asukal at
kape sa lugar, karamihan ng mga labanan ay
natigil dahil ang mga bansa sa Europa ay
humubog ng sarili nilang kultura sa mga sarili
nilang teritoryo.
Dagli – sketches sa Ingles ay nagmula sa
maikling kuwento.
-Ang dagli ayon sa katuturang ibinigay
ni Arrogante (2007) ay mga sitwasyong may
mga nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga
paglalarawan lamang
-Ito ay isang salaysay na lantaran at
walang-timping nangangaral, namumuna,
nanunudyo, o kaya’y nagpapasaring.
- napagkakamalang katumbas ng flash fiction o
sudden fiction sa Ingles. Ngunit ayon kay Dr.
Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng
dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man
nagkaroon ng katawagang flash fiction na
umusbong noong 1990.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli
ang nauusong estilo ng maikling kuwento.
Mga kuwentong pawang sitwasyon
lamang, plotless wika nga sa Ingles.
Ngunit kakaiba ang tema sa mga naunang
dagli na nangangaral at nanunuligsa ,
itong bago ay hindi lagi.
Maligayang Pasko
ni Eros S. Atalia
Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang
noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang
oven. Paluto na ang lechon de leche.
Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog
at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang
mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin
ang keso de bola. Timplado na rin ang juice.
lechon manok, embutido, paella at pinasingaw
na sugpo. Naglagay siya ng tatlong
pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati
na rin ang napkin.

Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa


loob nito ay may ilang nakabalot na ulam.
Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na
niya ang nagniningning na lansangan. Habang
naglalakad, sinilip niya ang laman ng supot.
May apat na balot. Hindi niya maaninag kung
ano-ano ang laman ng mga ito. Pero tamang-
tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-
asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena.
Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang
babalik upang maghugas ng pinagkainan.

You might also like