You are on page 1of 6

Gawain: Window Shopping

Layunin ng gawaing ito na maipakita sa mga mag-aaral ang


realidad ng globalisasyon sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay. Hahayaan silang pumunta sa isang sari-sari
store, grocery store, canteen at mga kauri nito at paglilistahin
sila ng mga produktong makikita rito. Mula dito’y pipili sila ng
lima sa mga produkto o serbisyong makikita o ipinagbibili rin
sa ibang bansa. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.
PRODUKTO LABEL KOMPANYA NA
GUMAWA NG
PRODUKTO
1.
2.
3.
4.
5.
Pamprosesong mga Tanong
Sagutin ang mga sumusunod at isulat sa kalahating
papel ang sagot.
1. Ano-anong produkto at serbisyo ang iyong
natuklasan na ipinagbibili hindi lamang sa loob ng
ating bansa kundi maging sa iba pang bansa?
2. Sa anong mga bansa nagmula ang mga produkto o
serbisyong nabanggit?
3. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga
produktong ito sa atin? Pangatuwiranan.
Sinasalamin nito ang makabagong
mekanismo upang higit na mapabilis ng tao
ang ugnayan sa bawat isa.
Itinuturing din ito bilang proseso ng
interaksyon at integrasyon sa pagitan ng
mga tao, kompanya, bansa o maging ng
mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa
tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Ano ang tatlo sa mga
pagbabagong naganap sa
panahong may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong ng
globalisasyon batay sa Ikalimang
perspektibo?
1. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang
global power matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
2. Paglitaw ng mga multinational at
transnational corporations (MNcs and
TNCs)
3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang
pagtatapos ng Cold War
TAKDANG ARALIN: Sumulat ng
isang sanaysay tungkol sa iyong
nahihinuhang pananaw o
perspektibo tungkol sa
globalisasyon.
Rubric
 Nilalaman - 5 puntos
 Organisasyon - 5 puntos
Kabuuan 10 puntos

You might also like