You are on page 1of 15

SALITANG BALBAL

SA DOROLUMAN:
ISANG
MORPOLOHIKAL
Creating Culture of Success
NA PAGDALUMAT

ARLOU O. DIAZ
Introduksyon
Likas ang pagkamalikhain ng Pilipino at makikita sa maraming aspeto ng
kanyang buhay lalo na sa kanyang wika ang wikang Filipino. Ito ay maituturing
na pinakamahalagang elemento sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang gampanin ng
wika sa pamumuhay, sa pakikipag-unawaan o pakikisalamuha ng isang persona sa
kaniyang komunidad. Ito ay nagsisilbi ring tagapagpahaayag ng damdamin,
ideya,diwa, at kaisipan ng isang persona sa pamamaraan man iyan na pasulat o
pasalita.
Ayon kina Valenzuela, et al., (2016), ang slang sa Ingles ay katulad o kagaya
ng Wikang Balbal at napapalitan ito sa paglaon ng panahon. Ang mga salitang ito
rin ay madalas namaririnig sa lansangan. Ang mga salitang Tsikot (kotse), Chicha
(pagkain), epal (mapapel), Utol(kapatid), at sekyu (guwardiya) ay ilan lamang sa
mga binigay na halimbawa ng salitang Balbal.

Creating Culture of Success


Katanungan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang katanungan:

1. Anu-ano ang morpolohikal na katangian ng salitang


balbal sa Doroluman, Arakan, Cotabato?

Creating Culture of Success


Kahalagahan ng Pag-aaral
• Sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito, magiging kapaki-pakinabang ito sa

mag-aaral, guro, mamamayang ng Doroluman, at mga susunod pang

mananaliksik.

•Sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman

nila kung paano nabuo ang mga salitang salitang balbal na knilang ginagamit at

maiwasan din ang paninira o paghamak sa pagitan ng mga mag-aaral na

gumagamit o nagsasalita nito sa loob at labas ng paaralan.

Creating Culture of Success


•Sa mga guro naman, ito ay makatutulong upang magkaroon sila ng kamalayan

sa pinagmulan ng palabuuan ng mga salita ng kanilang mga mag-aaral. Magiging

gabay din ito sa dagdag na kaalaman na maaari nilang maibahagi sa mga mag-aaral

batay sa umiiral na kaisipan.

•Para sa mamamayan ng Doroluman, ang pananaliksik na ito ay makakatulong

upang maimulat ang kanilang kaisipan patungkol sa mga salitang balbal na umiiral sa

kanilang lugar. Isang paraan ito upang maunawaan nila ang mga salitang ginagamit

ng mga kabataan sa kasalukuyan.

Creating Culture of Success


- Para naman sa mga susunod pang mananaliksik, magsisilbi itong gabay o

batayan sa pagpapalalim pa ng pag-aaral at mas mabigyan pa sila ng ideya

para sa gagawin nilang pananaliksik patungkol sa salitang balbal bilang

makabagong wika na umiiral na sa kasalukuyan.

Creating Culture of Success


Batayang Teoritikal

Ayon kay Sibayan (1991), “The development of language and the

development of people are interrelated”. Ang wika raw ay hindi kusang

nadedebelop kung wala ang mga taong nagpapaunlad nito. Ang mga kabataan

ngayon ay madaling maimpluwensyahan ng kapaligiran at ng kanilang naririnig

at nababasa. Mas mabuting bigyang laya muna ang mga kabataang gumagamit ng

wikang madali para sa kanila. Ito ay isang uri ng modernisasyon ng wika tungo sa

intelektwalisasyon nito (Ramon at Nazal, 1974)

Creating Culture of Success


METODOLOHIYA

Inilahad sa kabanatang ito ang metodo sa pagsakatuparan ng pag-

aaral. Tinalakay ang disenyo ng pag-aaral, lugar ng pag-aaral, mga

kalahok, tungkulin ng mananaliksik, instrumentong ginamit,

pamamaraan, pangangalap ng datos, limitasyon at delimitasyon ng pag-

aaral, etikal na konsiderasyon at mapagkatiwalaan.

Creating Culture of Success


Desinyo ng Pag-aaral
Ginamit ko sa pag-aaral na ito ang deskriptib-kwalitatib na
desinyo upang dalumatin ang salitang balbal sa Doroluman,
Arakan, Cotabato. Naniniwala ako na angkop ang desinyong ito
para sa paksang aking napili sapagkat mas mapapadali ang
pangangalap ng datos mula sa mga kalahok. Kinakailangan na ito
ay may detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang
imbestigasyon at kadalasang naglalaman ng paraan ng
pangongolekta, presentasyon, at pagsusuri ng datos (Business
Dictionary, 2011).
Creating Culture of Success
Instrumento ng Pag-aaral

Upang makakuha ng tumpak o wastong impormasyon at

datos, gagamit ako ng cellphone sa pagrerecord. Sa tulong nito

ay aking maririnig at ma-aanalisa ang mga salitang balbal dito

sa Doroluman na magagamit sa unang hakbang ng pagsusuri.

Creating Culture of Success


Lugar ng Pag-aaral

Isasagawa ko ang pag-aaral na ito sa

Barangay Doroluman, Arakan,

Cotabato.

Creating Culture of Success


Mga Kalahok ng Pag-aaral
Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay ang sampung (10) mamamayan ng

Barangay Doroluman na may edad na nasa 18 hanggang 25 taong gulang na

karaniwang gumagamit o nagsasalita ng mga salitang balbal. Ang mga

pamantayang ito ang tumutukoy sa mga katangiang dapat taglayin ng mga tao sa

pamayanan upang maging karapat-dapat sa pag-aaral (Polit & Hungler, 1999).

Creating Culture of Success


Pamamaraan ng Sampling
Sa pag-aaral na ito, gagamit ako ng purposive sampling na kilala bilang pag-

husga, pagpili o pansariling pagpapasya. Ito ay isang paraan na non-probability

sampling na kung saan ang mananaliksik ay nakabatay lamang sa kanilang

pagpapasya sa pagpili ng mga miyembro na lalahok sa nasabing pagsusuri o pag-

aaral. Ang metodong ginamit sa pag-aaral ay pagrerekord gamit ang cellphone

bilang pangunahing kagamitan at bilang pamamaraan sa paglikom ng

impormasyon Arcilla, et al., (2007).

Creating Culture of Success


Limitasyon at Delimitasyon
Sasaklaw ang pag-aaral na ito sa pagdalumat ng salitang balbal sa Barangay

Doroluman, Arakan, Cotabato. Saklaw ng pag-aaral ang pag-alam sa morpolohikal

na katangian ng salitang balbal na nakapukos sa pagsuri sa katangian at wastong

gamit ng salita. Sinaklaw ng pag-aaral ang mga kalahok na nasa labing walo (18)

hanggang dalawampu’t limang (25) taong gulang na naninirahan sa nasabing

Barangay ng Doroluman. Ang mga mamamayan na hindi naka-abot o nalagpas sa

nabanggit na gulang ay hindi saklaw ng pag-aaral.

Creating Culture of Success


Mapagkatiwalaan
Ang pagpapahusay sa kalidad ng pagsusuri sa pamamagitan ng pamamaraan na

pangangalap at pagsusuri ng datos, kabilang ang atensyon sa bisa at pagiging

maaasahan sa pagpapahalaga ng katotohanan ng kwalitatibong pananaliksik (Patton, M.

Q. 1999). Sa pananaliksik na ito ay higit na kailangan ang pamantayang kredibilidad,

confirmability, tranferability at pagiging maaasahan (Lincoin & Guba, 1985). May mga

pamamaraan akong itinatag upang ito ay maituturing na karapat-dapat na isaalang-alang

ng mga mambabasa.

Creating Culture of Success

You might also like