You are on page 1of 13

Ang Pagkatatag ng

Pamahalaang
Commonwealth Bilang
Paghahanda sa Pamamahala
sa Sariling Bansa
• Matapos mapagtibay ng Saligang-
Batas ng 1935, isang halalan ang
ginanap noong Setyembre 1935
upang ihalal ang magiging pinuno
ng Pamahalaang Komonwelt.
• Sa halalan, tinalo ni Quezon bilang
pangulo at Osmeña bilang
pangalawang pangulo ng Partido
Nacionalista sina Emilio Aguinaldo
at Raymundo Melliza ng Lapiang
Socialista at Gregorio Aglipay at
Norberto Nabong ng Lapiang
Republikano.
• Nang araw ring yon nanumpa sina
Quezon at Osmeña bilang pangulo
at pangalawang pangulo.
• Ang salitang “Komonwelt” ay
nangngahulugang kagalingang
panlahat o public welfare.

• Ito ang salitang ginamit ng mga


Amerikano upang tukuyin ang
pamahalaang transisyonal.
• Pamahalaang Transisyonal
- ay isang sistema ng batas at
pamumuno na isinasakatuparan sa
panahon ng pagbabago ng uri ng
pamamahala, lalo na pagitan ng
lumang uri ng pamahalaan at bagong
uri ng pamahalaan.
• Ang Pilipinas sa panahon ng
Komonwelt ay maituturing na tila
isang malayang bansa.

• Ito ay dahil ang lahat ng sangay ng


pamahalaan ay hinahawakan na ng
mga Pilipino.
• Ang ehekutibo ay pinamumunuan ng
pangulo at ng pangalawang
pangulong direktang inihalal ng
mamamayang Pilipino.
• Ang pangulo at ang pangalawang
pangulo ay maaari lamang
manungkulan sa loob ng anim na taon
at hindi na maaaring muling mahalal.
• Ehekutibo
- ang may tungkuling
magpatupad ng mga batas at
magsulong ng mga proyekto at
programa para sa kaunlaran ng
bansa.
• Samantala, ang sangay lehislatibo
ay nasa kamay ng isang Asembleya.

• Ito ay binubuo ng 98 kasapi o


kinatawang direkta ring inihalal ng
mamamayang Pilipino sa bawat
distrito sa buong kapuluan.
• Lehislatibo
- mga kapungulungan na
nagtatalo at bumoboto sa mga
panukalang batas.
• Ang sangay panghukuman o
hudisyal naman ay nasa Kataas-
taasang Hukuman at iba pang
hukumang naitatag na at itatatag pa
ayon sa batas.
• Hudisyal
- may karapatang maglitis at
magpasiya sa mga kaso o sa mga
paglabag sa batas.

You might also like