You are on page 1of 24

MODYUL 12

INDONESIA
PILIPINAS
MODYUL 13
KAY ESTELLA
ZEEHANDELAAR
Sanaysay mula sa Indonesia
ESTELLA ZEEHANDELAAR
Isang babaeng moderno na nakatira
sa Amsterdam.

Raden Ajeng Kartini (ang sumulat ng liham)


Babaeng MODERNO:
kayang ipaglaban ang Iniisip ang kapakanan ng
karapatan at sarili
may paninindigan iba kaysa sa sarili

masaya malaya
may malasakit sa kapwa,
may mabuting loob
responsable

lalo na sa kapwa babae mahal ang may tiwala sa sarili


sarili
Ang babae ay masasabing moderno kapag ang kanyang pag-iisip ay hindi nakakulong
sa kung ano ang tradisyunal o nakasanayan na ng panahon. May sariling pag-iisip at
paninindigan sa mga bagay na makakaapekto sa kanyang buhay. Siya ay malaya at walang
pangamba o takot na mahusgahan sa kanyang desisyon.
Raden Ajeng Kartin
• Siya ang panganay sa 3 anak na babae ng Regent ng Japara.
• Isang prinsesang Javanese na gustong makalaya sa lumang tradisyon ng
kanilang lugar.
• May 6 na kapatid na lalaki at babae.
• Ang kaniyang lolo ang naging kauna-unahang regent.
• May mga pinsan at nakakatandang kapatid na lalaki na nag – aral.
• Silang mga babae, ay hindi pinapayagan na mag-aral, sila ay pinapayagan lang na
makapasok sa libreng grammar school.
• Noong siya ay labindalawang taong gulang, itinali sa bahay at ikinulong.
• Sa apat na taong pamamalagi sa tahanan, nagpalipas ng oras sa pakikipagsulatan
sa mga kaibigang Dutch.
LUMANG TRADISYON
• Bawal magtrabaho ang mga kababaihan.
• Bawal mag-aral ang mga babae.
• Bawal lumabas ng bahay maliban na lamang sa
pagpasok sa paaralan.
• Ipinagkakasundo ng mga magulang ang mga
anak na babae upang mag-asawa.
Batay sa kaniyang liham, talaga
namang marami siyang nais
mabago sa mga tradisyon nila.
Bakit kaya? Ano-ano ang mga
nais niyang mabago?
1. Nais niyang makapagtrabaho gaya ng mga
kababaihang taga-Europa.

2. Nais niyang makapag-asawa ng gusto niya at hindi


ipinagkakasundo.

3. Nais niyang makapag-aral.

4. Nais niyang makalaya ang mga kababaihan sa


lumang tradisyon.

5. Nais niyang makapunta sa lugar na gusto niya. 


MODYUL 14
SANAYSAY
Ang sanaysay tulad ng maikling kuwento,
nobela, talambuhay, pabula, anekdota,
parabula, at dula ay nasa anyong tuluyan na
tumatalakay sa isang paksa. Ang kaibahan
lang ng sanaysay sa ibang genre na nabanggit
ay nailalahad nito ng lantad ang pananaw at
kuro-kuro ng sumulat o may akda.
2 URI NG SANAYSAY
1. PORMAL- naghahatid ng mahahalagang kaalaman o
impormasyon, kaisipang maka-agham at lohikal na
pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili
ang mga salita at maanyo ang mga pagkakasulat. Maaari
ding maging pampanitikan ang pormal na uri ng
sanaysay. Maaari din itong maging makahulugan,
matalinghaga at matayutay. Ang tono ng pormal na
sanaysay ay seryoso at di nagbibiro. Impersonal ang
tawag sa ibang aklat sa sanaysay na pormal.
2 URI NG SANAYSAY
2. DI-PORMAL- ay nagbibigay ng kasiyahan sa
pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-
araw-araw na paksa o usapin. Karaniwang ginagamit sa
pagsulat nito ang mga salitang sinasambit sa araw-araw
na pakikipagdiskurso. Magaan ang tono sapagkat
pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang
pananaw na nakapaloob dito. Ito ay maaaring: sanaysay
na personal, larawang sanaysay (photo essay), payo sa
anyo ng liham, kuwentuhan (prose poem), dyornal,
talumpati, dokumentaryo at artikulong pamperyodiko
PANG-UGNAY
Ang pang-ugnay ay mga
salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang yunit
sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o
dalawang sugnay.
a. Pang-angkop

Ito ay mga katagang nag-uugnay sa salitang


tinuturingan.

Halimbawa : na –g at –ng
b. Pangatnig

Ito ay bahagi ng salitang nag-uugnay ng


isang salita o kaisipan sa isa pang salita o
kaisipan sa isa pang pangungusap.Ito ay
ang sumusunod:
c. Pang-ukol
Ito ay mga salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan o panghalip sa iba pang salita.

Halimbawa:
1. Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa nangyari kahapon.
2. Ang bagong damit ay para kay Lita.
Tatlong Liham Mula
Kay Teddy
MODYUL 15
ELEMENTO NG DULA
1. Iskrip – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay
sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo;
sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula.
3. Dayalogo – Ito ang mga bitaw na linya ng mga aktor na
siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga
emosyon.
4. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan
5. Tagadirehe o direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan
sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – Hindi maituturing na dula ang isang
binansagang pagtatanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao;
hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.
7. Tema – Ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga
manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi
ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at
pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan.
MGA GENRE NG DULA
1. Komedya-ito ay katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at
ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya-Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob
kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay
nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa
kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot
3. Melodrama -Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood
na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi
pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y
karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.
4. Tragikomedya-Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian
gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang
katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit
sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang
bida o ang mga bida.
5. Parsa- Kapag puro tawanan at walang saysay ang kwento at ang
akyon ay puro “slapstick’ na walang ibang ginawa kundi magpaluan
at maghampasan.

Maituturing na uri ng dula ang sumusunod: dulang pangtanghalan,


dulang pantelebisyon, dulang pampelikula, dulang panradyo,
dulang pantahanan at dulang panlansangan.

Sa dulaang Pilipino, nakilala ang iba’t ibang halimbawa nito kagaya


ng duplo, karagatan, tibag, panubong, karilyo, senakulo, moro-moro
at sarswela.
Dahil sa kilala ang dula sa ating bansa, may mga Pilipino ring
nakilala sa larangan ng dulaan. Ilan sa kanila ay sina Severino Reyes,
Aurelio Tolentino, Hermogenes Ilagan, Julian Cruz-Balmaceda at
Patricio Mariano.

You might also like