You are on page 1of 8

KONOTATIBO AT DENOTATIBO

• Gamit sa pangungusap ng Konotatibong kahulugan:


Halimbawa:
1. May pakpak ang balita kaya naman mabilis nalalaman ng madla.
2. Nasa wastong edad na si Arnold kaya nais ng lumagay sa tahimik.
3. May gatas pa sa labi si Anton ngunit marunong na sa buhay.
Gamit sa pangungusap ng Denotatibong kahulugan:
Halimbawa:
1. Ang ibong ay may pakpak kaya nakakalipad.
2. Sa edad na siyamnapu, lumagay na sa tahimik si Mang Carding.
3. Nakalimutang magsipilyo ni Ramon pagkatapos kumain kaya may gatas pa sya sa labi
URI NG TUNGGALIAN

• tao laban sa tao


• tao laban sa sarili
• tao laban sa kalikasan
PAGSUSURI NG TUNGGALIANG TAO VS. SARILI (NOBELA)

• TUNGGALIAN LABAN SA SARILI- Sa tunggalian na ito ay kalaban ng pangunahing tauhan ang


kaniyang sarili. Ang suliranin ay may kinalaman sa moralidad at paniniwala. Nakikita o napapansin
kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon sa tama o mali, mabuti o masama.
Maari rin naman tungkol sa pagsupil sa sariling damdamin.
HALIMBAWA:
1. Napulot mo ang wallet ng kaklase ng mo, at may laman itong malaking halaga. Gusto mong
ibalik ito ngunit tila nanghihinayang ka.
2. Nais mong mag-aral para sa inyong pagsusulit, ngunit tinatamad ka.
3. Gusto mong sumama sa bahay ng kaklase mo, pero hindi ka nakapagpaalam sa magulang mo.
DULA- ANG DULA AY ISANG URI NG PANITIKANG NAHAHATI SA MGA YUGTO NA
MAYROONG MGA TAGPO. ITO AY PANITIKANG ITINATANGHAL SA TANGHALAN O
ENTABLADO

• Uri ng dula
1. komedya-kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa kalooban.
2. Melodrama- kapag magkahalo naman ang saya at lungkot, at kung minsan ay
eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita.
3. Trahedya- kapag malungkot at kung minsan nauuwi sa isang trahedya or kamatayan.
4. Parsa- Kapag puro tawanan at walang saysay ang kwento.
ELEMENTO NG DULA

• Iskrip- ito ang kaluluwa ng isang dula.


• Aktor o karakter- ang nagsisilbing tauhan sa dula at nagsasabuhay ng mga pangyayari.
• Dayalogo- ang mga bitaw na linya ng mga actor na siyang sandata upang tumakbo ang
kwento.
• Tanghalan- anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan.
PAGSULAT NG TULANG MALAYA AT HINDI
MALAYA
• May dalawang uri ang tula ito ay ang Malaya at Di-malayang tula.

1. Ang Malayang tula ay isang uri ng tula na kung saan ito ay ginagamitan ng mga


mabababaw na mga pananalita at mga di pormal napananalita na kadalasan lang nating
naririnig. Ang uri din ng tulang ito ay walang sukat at tugma.
• 2. Ang Di-Malayang tula ay uri din ng tula na may sukat at tugma na ginagamitanng
malalalim at may tatayutay na mga pananalita

You might also like