You are on page 1of 23

Modyul 3:

Pangunahing
Kaisipan,
Matatalinghagang
EkspresyonTayutay
, at mga Simbolo sa
mga Piling
Kabanata ng
Iyong mamamalas sa modyul na ito ang
mga kasanayan tungkol sa:

• Pagsusuri sa mga pangunahing kaisipan


ng bawat kabanatang binasa
•Pagbigay ng kahulugan sa
matatalinghagang ekspresyon – tayutay—
simbolo
Balik-aral
Inialay at nalikha ni Balagtas ang
awit na Florante at Laura kay Maria
Asuncion Rivera tanda ng wagas nitong
pagmamahal. Naranasan niya ang malabis
na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at
kawalang katarungan.

Mula sa bawat kabanata, balikan natin


ang mahahalagang pangyayari.
Kay Selya
Sa Babasa Nito
Hinagpis ni Florante
paggunita ni Balagtas
kung may malabong
sa masasayang alaala kataksilan ni Adolfo
bahagi suriing mabuti
ng kanilang suyuan

Ang pag-ibig kay


Alaala ni Laura Flerida

matamis na gunita pag-iyak ni Aladin


nila ni Laura dahil sa sinapit kay
Flerida
Suriin
Masinsinan mong bigyang pansin ang
mahalagang pagtalakay sa bahaging ito. Bago ka
tumungo sa pagsasagawa ng mga gawain,
kailangan mo munang basahin at unawain ang
mahalagang impormasyong ilalahad. Mahalaga at
dapat taglayin ng isang mahusay na mambabasa
ang masuri ang pangunahing kaisipan ng isang
paksa. Para sa pag-unawa ng isang awit,
kailangan ang lubusang pag-unawa sa nilalaman
ng bawat saknong o kaisipan.
Pangunahing Kaisipan

Ito ay ang pinakasentrong


mensaheng nais ipabatid
ng may-akda sa isang
katha.
Batay sa halimbawa, sipatin ang saknong, ito ay
nagsasaad ng kaisipan hinggil sa damdamin ng isang
taong ang isinasaad na pangunahing kaisipan ay…
Tayutay o Talinghaga

- Ito ay isang pahayag na


sinadyang mailayo sa
karaniwang salita o
pananalita upang maging
masining, mabisa, at
kaaki-akit.
1.Metapora (pagwawangis)- Ito ay paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay ngunit hindi gumagamit ng
mga salitang sa pagtutulad gaya, tulad, kawangis,
kaparis.
Halimbawa: Saknong 9
Bagun-taong basal na ang anyo't tindig,
kahit natatali kamay, paa't liig,
kundi si Narsiso'y tunay na Adonis,
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit.
Inihalintulad si Florante kay Narsiso na tunay na Adonis
(magandang lalaki) ngunit di gumamit ng mga salitang
pagtutulad. Direktahang paghahambing ang ginawa sa
bahaging ito.
2. Apostrophe (panawagan)- Ito ay pagtawag o
pakikipag-usap nang may masidhing damdamin
sa tao o bagay na animo kaharap ang kausap.

Halimbawa: Saknong 13

Mahiganting langit! bangis mo'y nasaan?


ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay;
bago'y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reynong Albanya'y iniwawagayway.
3. Personipikasyon (paurintao)- kilos, talino, o
katangian ng tao sa mga bagay na walang buhay
sa pamamagitan ng pandiwa.

Halimbawa: Saknong 195

Kaya nga't sa sanga ng kahoy na duklay,


sa mahal na batis na iginagalang
ng bulag na hentil ay nagluluksuhan,
ibo'y nakikinig ng pag-aawitan.
4. Eksklamasyon- Ito ay pagsasaad ng isang
masidhing damdamin sa isang pahayag

Halimbawa: Saknong 120

Bayang walang loob, sintang alibugha,


Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.
5. Simile (pagtutulad)- Ito ay paghahambing ng
dalawang bagay o kaisipan na ginagamitan ng
mga panandang pagtutulad gaya ng: kapara,
parang, anaki, mistula, gaya, tulad at iba pa.

Halimbawa: Saknong 44

Ang aking plumahe kung itinatahi


ng parang korales na iyong daliri,
buntung-hininga mo'y nakikiugali
sa kilos ng gintong ipinananahi.
Simbolo - Ito ay ang paglalapat ng
kahulugan sa isang bagay ng mga
taong gumagamit dito. Ang
simbolo ay panandang nakikita sa
pamamagitan ng paglalarawan ng
anomang bagay na kumakatawan
sa nais isagisag nito o sa isang
bagay na iniuugnay sa
pinatutungkulan dahil sa pareho
sila ng katangian o karanasan.
Pagyamanin
Gawain 1: Isipin mo na lang!

Basahin at unawaing mabuti ang


pangunahing kaisipan ng sumusunod
na mga piling saknong. Piliin ang
tamang sagot sa frame.
1.“Walang ikalawa ka sa lupa
sa anak na kandong ng pag-aaruga;
ang munting hapis kung sumungaw sa mukha,
sa habag mo agad nanalong ang luha”.

Dalawang Ama, Tunay na magkaiba, Saknong 90

A. Sa mundong ibabaw buhay ay parang gulong.


B. Masaya sana si Florante kung sa Crotona isinilang.
C. Mag-ingat sa taong kilala mo.
D. Ang buhay ay di laging ginhawa’t saya.
E. Kahit magkaiba ng lahi likas na sa Moro ang tumulong sa tao.
F. isang amang huwaran sa pag mahal sa ama
2.“Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Crotona,
masayang siyudad sa lupa ni Ina?
disin ang buhay ko’y di lubusang nagdusa”.

Pagbabalik-tanaw ni Florante sa kabataan, Saknong


176

A. Sa mundong ibabaw buhay ay parang gulong.


B. Masaya sana si Florante kung sa Crotona isinilang.
C. Mag-ingat sa taong kilala mo.
D. Ang buhay ay di laging ginhawa’t saya.
E. Kahit magkaiba ng lahi likas na sa Moro ang tumulong sa tao.
F. isang amang huwaran sa pag mahal sa ama
3.“Dito naniwala ang bata kong loob
na sa mundo’y walang katuwang lubos;
sa minsang ligaya’y tali nang kasunod-
makapitong lumbay hanggang sa matapos.

Unang Pakikidigma, Saknong 313

A. Sa mundong ibabaw buhay ay parang gulong.


B. Masaya sana si Florante kung sa Crotona isinilang.
C. Mag-ingat sa taong kilala mo.
D. Ang buhay ay di laging ginhawa’t saya.
E. Kahit magkaiba ng lahi likas na sa Moro ang tumulong sa tao.
F. isang amang huwaran sa pag mahal sa ama
4.“Moro ako’y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng langit,
dini sa puso ko’y kusang natititik
natural na leing sa aba’y mahapis”

Pagkalinga ng Isang Kaaway, Saknong 150

A. Sa mundong ibabaw buhay ay parang gulong.


B. Masaya sana si Florante kung sa Crotona isinilang.
C. Mag-ingat sa taong kilala mo.
D. Ang buhay ay di laging ginhawa’t saya.
E. Kahit magkaiba ng lahi likas na sa Moro ang tumulong sa tao.
F. isang amang huwaran sa pag mahal sa ama
5. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating
Ay masayang mukha’t may pakitang-giliw,
Lalong pakaingata’t kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin”.

Mga Payo ng Guro, Saknong 246

A. Sa mundong ibabaw buhay ay parang gulong.


B. Masaya sana si Florante kung sa Crotona isinilang.
C. Mag-ingat sa taong kilala mo.
D. Ang buhay ay di laging ginhawa’t saya.
E. Kahit magkaiba ng lahi likas na sa Moro ang tumulong sa tao.
F. isang amang huwaran sa pag mahal sa ama
Kasunduan:
1. Magbigay ng dalawang (2)
halimbawang saknong sa
Florante at Laura na
kinapapalooban ng bawat uri ng
Tayutay.

You might also like