Professional Documents
Culture Documents
Q1 Modyul 2
Q1 Modyul 2
Panitikang Asyano
Nobela ng Indonesia/Pilipinas
Setyembre 20, 2021
Nobela ng
Indonesia:
Takipsilim sa
Diyakarta
Lupain
Nasa kahabaan ng ekwador sa pagitan ng
Australia at kontinente ng Asia. Ito ang bansang
may pinakamaraming isla. Karamihan sa mahigit
17,500 isla nito ay bulubundukin at may
makakapal na kagubatan. Dahil sa mahigit 100
aktibong bulkan, ito ang rehiyong may
pinakamaraming pagsabog ng bulkan
Mamayan
Ang Indonesia ang ikaapat sa may
pinakamalaking populasyon sa daigdig
(kasunod ng China, India, at Estados
Unidos). May mahigit 300 etnikong grupo
rito. Mahigit kalahati ng populasyon ay
Javanese at Sundanese.
Relihiyon
Halos 90 porsiyento ng mga taga-
Indonesia ay Muslim. Ang natitirang mga
10 porsiyento ay Hindu, Budista, o
tinatawag na Kristiyano. Marami rin ang
sumusunod sa katutubong relihiyosong
kaugalian.
Wika
Mahigit 700 ang wika sa buong
bansa. Indonesian, na halaw sa
Malay, ang karaniwang wika. Pero
karamihan ay may sarili ring
diyalekto.
Kabuhayan
Marami ay magsasaka o
nagnenegosyo. Mayaman ang bansa
sa mineral, kahoy, langis, at natural
gas. Isa rin itong pangunahing
supplier ng goma at palm oil.
Pagkain
Kanin ang pangunahing pagkain.
Popular ang mga putaheng nasi goréng
(sinangag at itlog na may gulay), satay
(inihaw na karneng nakatuhog), at gado-
gado (salad na may peanut sauce).
Mainit at maalinsangan. Dahil sa
hanging habagat at amihan, may
dalawang panahon—tag-ulan at tag-init.
Karaniwan ang malalakas na pag-ulan na
may pagkulog at pagkidlat.
Klima
Ang katotohanan-isang pahayag na nagsasaad ng ideya
o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at
hindi mapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago
at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi
nito.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng:
pinatunayan ni
batay sa resulta
tinutukoy sa/ ni/ ng
mula kay
mababasa sa
Ang opinyon – pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo
subalit maaaring pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na
mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
Kung ano ang paniniwala ng isang tao sa isang particular na bagay
at pangyayari
Saloobin o damdamin
Ideya o kaisipan
Hindi maaaring mapatunayan
Paniniwala, paghuhukom, o paraan ng pag-iisip tungkol sa isang
bagay
Bunga ng iyong nararamdaman at kung paano mo naitindihan ang
isang bagay
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: