You are on page 1of 23

Panginoon naming Diyos, patnubayan

mo po kami sa araw na ito. Patuloy


mo po kaming gabayan upang lahat
naming tungkulin ay aming
magampanan. Tulungan mo po kami
sa mga pasya na aming ginagawa.
Pagpalain mo ang aming mga guro na
saamin ay matiyagang nagtuturo.
Pagpalain mo rin an mga magulang
namin sa patuloy na pagsuporta sa
amin. Ang lahat ng ito ay aming
sinasamo sa ngalan ng aming
Panginoong Hesus. Amen.
Bakit sa tingin niyo hindi nawawala ang
pananaliksik sa pag aaral ng isang mag aaral?
Ang Maka-Pilipinong
Pananaliksik

Aralin 9:

BAB 1
BAB II
BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I
ANG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK: GABAY SA
PAMIMILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN NG
PAG-AARAL

Ayon kay Susan B. Neuman (1997), na binanggit nina Evasco et al.


(2011) sa aklat na "Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham
Panlipunan, Panitikan, at Sining," ang pananaliksik ay paraan ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang pananaliksik sa
iba't ibang paksa at penomenon dahil patuloy na inuunawa ng tao
ang mga pangyayari at pagbabago sa kaniyang paligid. Kasabay ng
pag-unawa, tumutuklas ang tao ng iba't ibang paraan kung paanong
mapabubuti ang kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng iba't
ibang imbensyon at kaalaman.

BAB II
BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I
BAB II
Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong
Pananaliksik

Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at kabuluhan,


ngunit lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung
isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang nito. Sa
Pilipinas, isang lipunang dumanas ng mahabang kasaysayan ng
pananakop at ngayon ay dinadaluyong ng globalisasyon,
nananatiling bansot at nakaasa ang mga siyentipikong pananaliksik
ng iba't ibang larangan sa mga banyagang kaalaman. Nananatiling
hamon para sa mga Pilipinong iskolar at mananaliksik ang pagbuo
ng kalinangan sa pananaliksik na nagmumula at ginagabayan ng
sariling karanasan, umuugat sa aral ng kasaysayan, at nagsisilbi
para sa sambayanan. Sa ganitong konteksto, malaki ang
pangangailangang paunlarin ang maka-Pilipinong tipo ng
pananaliksik na may mga katangiang naiiba sa tradisyonal na
pananaliksik mula sa Kanluran.

BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I BAB II BAB III

Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit


ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa
Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas
malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.

Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung


hindi man maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba
pang wika ang isang pananaliksik dahil may
pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na
mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa
Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas
mapakinabangan.

BAB IV
V
BAB I BAB II BAB III BAB IV

Pangunahing isinasaalang-alang maka-Pilipinong


pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at
kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.

Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin


muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng
pananaliksik para sa mga kalahok nito o
pinatutungkulan ng pananaliksik. Kanino ba ito
magsisilbi?

BAB V
BAB I BAB II BAB III BAB IV BAB V

Komunidad ang laboratoryo ng


maka-Pilipinong pananaliksik.

Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay


ng karaniwang mamamayang Pilipino sa
akademya at mga edukado, mahalagang
tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang
pagkakahiwalay na ito. Mahalagang tungkulin ng
mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro,
na lumabas at tumungo sa mga komunidad
bilang lunsaran ng maka-Pilipinong pananaliksik.
Kalagayan at mga Hamon sa
Maka-Pilipinong Pananaliksik

BAB 1
BAB II
BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I
1. Patakarang Pangwika sa
Edukasyon

Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga probisyon


kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapayabong ng
Filipino bilang wikang pambansa sa pamamagitan
ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa
sistema ng edukasyon at pamamahala.

BAB II
BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I
BAB II

2. Ingles Bilang Lehitimong Wika.

Ingles pa rin ang lehitimong wika ng sistema ng


edukasyon at lakas-paggawa. Nagiging tuntungan ang
pagpapaigting ng globalisadong kaayusan sa lalong
pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon,
komersiyo, at pagkatuto lalong-lalo na sa pananaliksik.

BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I BAB II BAB III

3. Internasyonalisasyon ng
Pananaliksik.

Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging ang pamantayan sa


pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon na rin
sa istandard ng internasyonal na pananaliksik. Positibong bagay
ang pagkatuto at pagpapahusay mula sa mga bansang mauunlad
ang pananaliksik, ngunit nalalagay sa alanganin ang mga guro at
mag-aaral na nais magpakadalubhasa sa pananaliksik sa araling
Filipino. Gayundin, maliwanag ang mababang pagtingin sa mga
journal ng pananaliksik na nailalathala sa pambansang antas na
kadalasang tumatalakay sa wika, kultura, at kabihasnang Pilipino.

BAB IV
V
BAB I BAB II BAB III BAB IV

4. Maka-Ingles na Pananaliksik sa iba't ibang Larang


at Disiplina.

Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na batayan sa


paggamit ng wika kaya halos hindi pa ginagamit na
wikang panturo ang wikang Filipino sa iba't ibang
larangan tulad ng agham panlipunan, agham at
teknolohiya, matematika, pagsasabatas at pamamahala,
medisina, at iba pa. Ingles pa rin ang namamayaning
wika sa mga akademikong larangan at maganit pa rin
ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa
humanidades, panitikan, at agham panlipunan.
Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa
at Pagbuo ng Suliranin sa
Pananaliksik
BAB 1
BAB II
BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I
May sapat bang sanggunian na
pagbabatayan ang napiling paksa?

Kapag bagong-bago ang paksa na nais talakayin, kadalasang


hindi sapat ang nasusulat na mga naunang pag-aaral at
literaturang kaugnay nito. Bagama't maaaring magsilbing
eksplorasyon ng bagong paksa ang pag-aaral, ipinapayo rin
sa mga nagsisimulang mananaliksik na pumili muna ng
paksang may sapat nang pundasyon.

BAB II
BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I
BAB II

Paanong lilimitahan o paliliitin ang


isang paksa na malawak ang
saklaw?

Maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa maliliit na


bahagi at pumili lamang ng isang aspekto nito na tiyak
na sasaklawin. Halimbawa, kung interesado kang
talakayin ang teleseryeng Pilipino, maaari kang
magbigay diin lamang sa kasaysayan o impluwensiya
nito, o di kaya ay pumili lamang ng isang tiyak na tema.
Nalilimita rin ang pananaliksik kung tiyak ang magiging
kalahok o populasyon ng pananaliksik.

BAB III
BAB IV
BAB V
BAB I BAB II BAB III

Makapag-aambag ba ako ng
sariling tuklas at bagong
kaalaman sa pipiliing paksa?

Kahit na luma ang isang paksa, depende sa pagtingin sa


ibang anggulo ng mananaliksik, ay maaari itong
makapagbigay ng bagong tuklas na kaalaman. Tungkulin ng
mananaliksik na bigyan ng panibagong dimensyon ang
isang lumang paksa upang lagyan ng pagsusuri,
kongklusyon, at rekomendasyon batay sa bagong datos na
nakalap. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtiyak na
hindi duplikasyon ng mga naunang pananaliksik ang paksa.

BAB IV
V
BAB I BAB II BAB III BAB IV

Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan


upang masagot ang tanong?

Madalas na ipagpalagay ng mga mag-aaral na


ang pananaliksik ay maaaring gawin lamang sa
pamamagitan ng Google, Yahoo, o iba pang
search engine sa Internet. Tiyakin na ang
tanong ng pananaliksik ay hindi lang basta
masasagot ng mga dati nang pangkalahatang
kaalaman o paliwanag na makukuha sa
internet o nailathala sa libro.
PAGSASANAY BLG. 2

A. Isulat ang T kung wasto ang kaisipang


ipinapahayag sa sumusunod na pahayag at M
kung hindi. Kung M ang sagot, ipaliwanag sa
patlang sa ibaba kung bakit mali ang pahayag.
TAKDANG ARALIN BLG. 2

Natunghayan sa buong aralin ang halaga na payabungin


ang maka-Pilipinong pananaliksik sa Pilipinas. Sa tingin
mo ba ay makabuluhan pa ito sa panahon ng
globalisasyon? Ibigay ang sariling repleksiyon sa usaping
ito.

You might also like