You are on page 1of 11

FILIPINO 6

(FLD-Okt.25-29)
HUM #5

https://forms.gle/N4oeQ52kGVkEZj9y5
PAKSA:
Mga Alituntunin sa Pagsulat ng
Talata
MAHALAGANG
KATANUNGAN:
Paano tayo makabubuo ng
wastong talata?

Bakit mahalagang sundin ang mga


alituntunin sa pagsulat ng talata?
LAYUNIN:
Naiisa-isa ang mga alituntunin sa
pagsulat ng talata
Ano ang Talata?
Kalipunan ng mga pangungusap na
binubuo at nagpapahayag ng isang
kaisipan.
Katangian ng Mahusay na Talata
A. KAISAHAN-ang mga pangungusap ay umiikot
sa iisang diwa lamang.
B. KAUGNAYAN- ang mga pangungusap ay dapat
magkakaugnay upang magpatuloy ang diwa mula
simula hanggang dulo.
C. KAANYUAN-ang mga pangungusap ay dapat
ayusin at buuin ayon sa kahalagahan.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Talata
1. Dapat na may pasok o indensyon sa pasimula ng
talata at palugit sa magkabilang gilid.
2. Wastong paggamit ng malaking letra at bantas.
3. May kaisahan at kaugnayan ang mga
pangungusap sa talata.
4. Nababatay ang haba sa kahalagahan at pagiging
masalimuot ng paksa
Halimbawa:
Ang Pasko
Ang Pasko ay simbolo ng pagmamahaan at
pagbibigayan nating mg Pilipino. Tuwing Pasko tayo ay
dapat magkasiyahan at magkaunawaan. Nagluluto rin
tayo ng kanya-kanyang handa sa ating mga tahanan,
nagpapalitan ng mga regalo at nagsasabit ng palamuti sa
loob at labas ng ating tahanan. Hindi makukumpleto ang
buong taon ng bawat Pilipino kung hindi tayo
magdiriwang ng Pasko.
GAWAIN sa KUWADERNO
Bumuo ng talatang naglalarawan. Pumili ng paksa sa mga nasa talaan sa
ibaba. Sikaping sundin ang mga alituntunin sa pagsulat ng talata.
Pagkatapos ay iattach ang larawan ng natapos na gawain sa EPortfolio
(Photo Album).

Mga Paksa:
• Ang Aking Ina
• Ang Aking Ama
• Ang Aking mga Magulang
• Iba pang paksa na inyong nais
Ano ang mali sa talata?(sa virtual class ang sagot)

Madilim na ang paligid nang magpaalam sila sa isa’t isa.


Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain ng baon
nilang pagkain.
Marami silang nabiling pagkain mula sa malapit na fast food
chain. Mainit ang panahon noon nang mamasyal sa Luneta
Park sina Dina,Carla,at Alice. Inilagay nila ang mga
pagkaing binili sa basket para magmukhang sila ang nagluto.

You might also like