You are on page 1of 21

GANDANG

BUHAY!
WIKA
Wika ang pinakamahalagang
sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa
tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa
pakikipag-unawaan at pakikisalamuha
ng tao sa kaniyang tahanan, paaralan,
pamayanan, at lipunan.
Ayon kay Lachica (1998), kahit na sa
anumang anyo, pasulat, hiram o
orihinal , banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid
ng diwa, kaisipan, at damdamin natin.
Maging ang kultura ng isang panahon,
pook, o bansa ay muling naipahahayag
sa pamamagitan ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng
damdamin, lalim ng lungkot o pighati, ang
lawak ng galak, ang kahalagahan ng
katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang
nakapaloob na katotohanan sa isang
layunin, ang kaibuturan ng pasasalamat, at
paghanga.
DEPINISYON
NG
WIKA
DEPINISYON NG WIKA

Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra
na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating
ipabatid sa ibang tao. (Emmert at Donagby, 1981).

Ayon naman kay Henry Gleason (1988), ang wika


ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
DEPINISYON NG WIKA

Ngunit sa lingguwistikong paliwanag, tinatawag


na wika ang sistema ng arbitraryong
pagpapakahulugan sa tunog at simbolo,
kodipikadong paraang ng pagsulat, at sa pahiwatig
ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa
komunikasyon (Bloch at Trager, 1942; Peng,
2005).
Arbitraryo o nagbabago-bago ang wika depende
sa pook, panahon, at kulturang kinabibilangan ng
tao.
Daluyan ng Pagpapakahulugan
1. Ang lahat ng wika ay nagsisimula sa tunog. Mga
tunog na mula sa paligid, kalikasan, at mula sa
mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
Kung kaya’t lumutang ang konseptong
“ponosentrismo” (phonocentrism) na
nangangahulugang “una ang bigkas bago ang
sulat” ayon kay Ferdinand de Saussaure (1911).
Ibig sabihin din nito, nakasandig sa sistema ng
mga tunog ang pundasyon ng anumang wika ng
tao.
Daluyan ng Pagpapakahulugan

2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal


na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan
sa isa o maraming kahulugan, halimbawa
nito ang simbolo ng krus, araw, ahas,
elemento ng kalikasan (lupa, tubig, apoy,
hangin), at marami pang iba na sumasalamin
sa unibersal at iba’t ibang kahulugan mula sa
sinaunang sibilisayon hanggang ngayon.
Daluyan ng Pagpapakahulugan

3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng


pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o
tableta ng mga Sumerian,papyrus ng mga
Egyptian, at ang paglitaw ng mga hieroglyph
sa sinaunang Ehipto at ng alpabetong
Phoenician, Griyego, at Romano. Sa ating
bansa, nandiyan ang baybayin ng mga
Tagalog at Buhid ng mga Mangyan sa
Mindoro.
Daluyan ng Pagpapakahulugan

4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng


mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o
bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng
kahulugan o mensahe. Halimbawa nito ang
pagkunot ng noo, pagsasalubong ng mga kilay,
pagkaway, at iba pa.

5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ang


ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao
tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa
daan, at iba pa.
Gamit ng Wika
1. Gamit sa talastasan
Pasalita man o pasulat, ang wika ay pangunahing kasangkapan
ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
2. Lumilinang ng pagkatuto
Ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng
bawat henerasyon, tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng Pilipinas
na nililinang at sinusuri upang mapaunlad ang kaisipana.
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
Sa panahon ng Rebolusyon, mga wika ng mga rebolusyonaryo
ang nagpalaya sa mga Pilipino. Ito ang nagbuklod sa mga
mamamayan na lumaban para sa ating kasarinlan sa tulong ng
kanilang panulat, talumpati, at mga akda.
Gamit ng Wika
4. Lalagyan o imbakan
Ang wika ay hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng
kaalaman ng isang bansa.

5. Tagapagsiwalat ng damdamin
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng
nararamdaman. Maaari itong pag-ibig, pagkagalit, o
pagkapoot.
6. Gamit sa imahinatibong pagsulat
Ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula, kuwento,
at iba pang akdang pampanitikan na nangangailangan ng
malikhaing imahinasyon.
Kategorya at Kaantasan ng Wika

1. Maituturing na pormal ang isang wika kung ito ang


kinikilala at ginagamit ng higit na nakakarami, sa
pamayanan, bansa, o isang lugar.
Madalas itong ginagamit sa paaralan at opisina.
May dalawa itong antas.
a. Ang opisyal na wikang pambansa at panturo ay
ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa
paaralan. Ito rin ay ginagamit na wikang panturo. Ito
ang wikang ginagamit sa buong bansa.
Halimbawa: malaya, tahanan, malaki, edukasyon
b. Ang wikang pampanitikan ay
karaniwang ginagamit sa akdang
pampanitikan. Masining at malikhain
ang kahulugan ng mga salitang ito.
halimbawa.: haraya, silay, kabiyak,
salinlahi
2. Di – pormal na wika ang madalas gamitin
sa pang-araw-arw na pakikipagtalastasan.
May tatlo itong antas.

a. Ang wikang panlalawigan ay mga salitang


diyalektal; ginagamit ito sa partikular na
pook o lalawigan; may pagkakaiba-iba sa
tono at kahulugan sa ibang salita.
Halimbawa: adlaw (araw), balay (bahay),
ambot (ewan), gisulti (sinabi)
b. Ang wikang balbal ang katumbas ng
slang sa Ingles. Ito ang mga nababago
sa pag-usad ng panahon. Madalas
marinig ang mga salitang ito sa
lansangan.

Halimbawa: chicha (pagkain), epal


(mapapel), utol (kapatid), sikyu
(guwardiya)
c. Ang wikang kolokyal ay ang
salitang ginagamit sa pang araw-
araw na pakikipag-usap.

Halimbawa: ewan, kelan, musta,


meron, teka muna,pa’no
NGITI KA NAMAN OH!

You might also like