Professional Documents
Culture Documents
Environmental Activist CV
Environmental Activist CV
Magandang Pilipinas
Dugo ng buhay ay iyong karagatan
Ang matamis na ragasa ng iyong mga alon
Malumanay na nagduruyan sa isang lahing
matapang.
Magandang Pilipinas
Magandang Pilipinas
Namumutiktik sa mga bagay na buhay ang
dagat at lupa.
Malalaki at maliliit na isda, malalaki at maliliit
na hayop.
Matatamis at sariwang prutas, at
mahahalagang mineral.
Magandang Pilipinas
Magandang Pilipinas
Ang buo mong kapuluan
Masagana sa likas na yaman
Lahat kailangan ng iyong mamamayan.
Masuwerte tayo
Maging bahagi ng magandang Pilipinas
May tanging Karapatan
Mangalaga sa likas na yaman.
Ano-ano ang mga
magagandang bagay na
matatagpuan sa Pilipinas?
Matuturing mo bang
masuwerte tayong mga
Pilipino? Bakit?
Ang kalikasan ang nagkakaloob sa tao ng
kaniyang pangangailangan para mabuhay. Ang
tao naman ang nangangalaga sa kalikasan
upang mapanitili ito. Kailangan ng tao ang
kalikasan at kailangan naman ng kalikasan
ang tao.
Pamagat ng tula Magandang Pilipinas
Sino ang sumulat ng
Tula? Ruby G. Alcantara