You are on page 1of 14

Magandang Araw!

BALIKAN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na
pagharap sa mga banta sa pagbibigay ng edukasyon?

A. Nalagpasan ni Martin ang lahat ng problema sa loob at labas ng tahanan.


B. Makailang beses na inisip ni Keil ang sasabihin bago ito magbitiw ng salita.
C. Kahit na napakahirap ng kalagayan ni Nel nakapagtapos pa rin ito ng may
medalya.
D. Sa labis na pangungulila ni Gaze nakagawa siya ng desisyong nagpabago sa
takbo ng kaniyang buhay.
2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na
pagharap sa mga banta sa paggabay sa pagpapasiya?

A. Si William ang gumagawa ng desisyon para sa kaniyang mga anak.


B. Nakagawa ng pasiya si Alisah na pinagsisihan niya sa bandang huli.
C. Hindi nababahala si Marga sa kaniyang kinabukasan dahil handang ibigay
ng ina ang lahat ng kaniyang gusto.
D. Binigyan ng pagkakaton ni Aling Susan ang anak na unawain ang
sitwasyong kinalalagyan dahil sa ginawang pagpapasiya.
3. Suriin ang mga pahayag. Alin sa sumusunod ang may katotohanan tungkol
sa mga banta sa pamilya?
I- EDUKASYON
II- KAHIRAPAN
III- ORAS
IV- TEKNOLOHIYA

A. I, II at III C. II, III at IV


B. I, II at IV D. I, II, III at IV
4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa
pananampalataya?

A. Patuloy na nangangarap si Rosas na maging isang mahusay na tagakuha ng


larawan.
B. Mahal na mahal ni Aling Indang ang anak na si Kimpoy kahit ito ay may
problema sa pag-iisip.
C. Nakalimutan na ng pamilyang Dela Saturna ang lingguhang pagsisimba dahil
naging abala ito sa mga negosyo.
D. Magaling sa pagsusulat si Reymundo kaya gusto nitong maging isang
mahusay na manunulat, ngunit hindi siya pinayagan ng kaniyang ina, sa halip
ipinakuha sa kaniya ang kursong hindi niya gusto.
5. Paano malalampasan ang banta sa pagbibigay ng edukasyon sa anak?

A. tumigil sapag-aaral
B. pagpapahalaga sa diwa ng edukasyon
C. pagbabad sa paglalaro ng mobile games
D. ugaliing makinig sa desisyon ng magulang
Ano ang ipinapahiwatig ng katagang ito? Ipaliwanag.

Paano maiiwasang matutunan ang mga maling halimbawa sa


pamilya?
Panuto:
Panuorin ang maikling istorya ng PAMILYA FUENTES mula sa
Grade 8 ESP Q1 Ep4: Pananagutan ng Magulang - YouTube

Sagutin ang mga gabay na tanong:


1) Anong kilos ng tauhan sa sitwasyon ang nagpapairal ng
pagmamahalan sa pamilya? Maaari mo bang patunayan?
2) Paano pinapairal sa sitwasyon ang pagtutulungan sa pamilya?
3) Ano-ano ang mga naging hakbang upang mahubog ang
pananampalataya sa pamilya?
Panuto:
Ipaliwanag ang bawat pananagutan ng magulang sa anak sa isang talata at
isaayos ito batay sa sariling pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.

Pagbibigay ng maayos na edukasyon


Paggabay sa pagpapasiya
Paghubog sa pananampalataya

GAWAIN!
Bilang isang anak, ano
naman ang iyong
pananagutan sa iyong
mga magulang?
Walang sukatan ang pagmamahal sa pamilya minsan ay
nagkakabangayan at hindi nagkakaintindihan dahil sa
magkakaibang prinsipyo at pananaw ng mga kasapi, ngunit sa
bandang huli, ang pamilya ay mananatiling isang pamilya. Ang
pamilya ay espesyal na regalo sa atin ng may kapal at walang ano
mang katumbas na halaga ang magpapatatag sa isang pamilyang,
nagtutulungan, at may iisang pananampalatay.

Tandaan!
Maghanda sa
mahabang pagsusulit!

You might also like