You are on page 1of 24

ARALING

PANLIPUNAN
8: MODYUL 2
PREPARED BY: BRYAN T. DAVID, LPT
Pinasimulan ng mga pasistang diktador gaya
nina Adolf Hitler at Benito Mussolini noong
1930’s ang paglusob at pangangamkamkam ng
mga teritoryo sa Europa na naging sanhi ng
muling pagkakaroon ng isang malawak na
digmaan na kumitil sa buhay ng milyung-
milyong tao.
Noong Hulyo 1937, naglaban ang mga puwersang
Hapon at Tsino malapit sa Peiping (Peking),
China. Ang pangyayaring ito ang naging daan sa
pagsiklab ng Digmaang Tsino-Hapones. Taong
1938 ay tuluyang nasakop ng Japan ang
mahahalagang lugar sa China tulad ng Canton,
Shanghai at mga baybaying lungsod nito.
Sumali ang Germany sa Liga ng mga Bansa at
nakilahok sa mga ilang mga gawain nito upang
mapanatili ang kapayapaan. Subalit,
karamihan sa mga Germans ay hindi sang-
ayon sa mga probisyon ng Kasunduan sa
Versailles dahil nilagay nito ang Germany sa
isang kahiya-hiyang posisyon.
Itinatag ni Adolf Hitler ang Republika ng Weimar at
unti-unti niyang isinakatuparan ang kaniyang mga
plano para sa muling pagbangon ng Germany.
Layunin ni Hitler na muling ilagay sa rurok ng
kapangyarihan sa Europa ang Germany sa
pamamagitan ng pagpapalawak muli ng mga
teritoryo nito at pagpapalakas sa kaniyang hukbong
sandatahan.
Noong 1935 ay idineklara ni Hitler na
ang Germany ay bubuo ng mas
malakas na sandatahang lakas na
binubuo ng 550,000 na sundalo, isang
malaking paglabag sa Kasunduan ng
Versailles.
Humingi ng tulong si Emperador Haile Selassie
sa Liga ng mga Bansa at agad naming
kinundena ng Liga ang agresyon ng Italy laban
sa Ethiopia. Bilang tugon sa kahilingan ng
Ethiopia, hinikayat ng Liga na huwag bumili
ng mga hilaw na materyales mula sa Italya at
huwag din itong pagbentahan ng mga armas.
Sinuportahan nina Hitler at Mussolini ang
laban ng Nationalist Front sa pangunguna ni
Francisco Franco. Bagaman labag sa probisyon
ng Kasunduan ang Versailles ang pagkakaroon
ng mga sasakyang militar na panghimpapawid,
ipinadala ni Hitler ang kaniyang pinakabagong
eroplanong militar na tinawag na Luftwaffe.
Ang pagsasanib o mas kilala sa
tawag na Anschluss sa pagitan ng
Germany at Austria ay mahigpit
na ipinagbabawal sang-ayon sa
Kasunduan ng Versailles.
Bagaman tutol sa Anschluss ang ibang
Austriyano dahil nais nilang panatilihin
ang kanilang pagiging malaya, nilusob
ng puwersa ni Hitler ang Austria noong
Marso 1938 at idineklara itong
probinsya ng Germany .
Nagpatawag ng isang pagpupulong si
British Prime Minister Neville
Chamberlain upang pagusapan ang
kanilang hakbang na gagawin upang
hindi tuluyang atakihin ni Hitler ang
Czechoslovakia.
Ang pagpupulong ay ginanap sa
Munich, Germany at dinaluhan
nina Punong Ministro
Chamberlain, Hitler, Mussolini,
at Premier Edouard Daladier.
Ninaisni Hitler na maibalik sa kontrol
ng Germany ang lungsod ng Danzig na
naging daungan na kontrolado ng
Poland. Maliban dito, ninais din ni
Hitler na mabigyan ng daan ang
Germany sa Polish Corridor.
Hinikayat din ng France at Britain na
makiisa sa kanila ang Russia, ngunit
laking gulat ng lahat nang
makipagkasundo ang Russia sa Germany
noong Agosto 1939 nang pirmahan ng
dalawang bansa ang Non-Aggression Pact.
ARALIN 2:
MGA MAHAHALAGANG
PANGYAYARI SA IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG

You might also like