You are on page 1of 25

Kahalagahan ng Wikang Filipino

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan


na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na
ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang
paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit
din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at
maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan.
Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at
pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga
tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang
bansa.
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito
ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng
mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus
ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto
ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan
din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang
pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay
tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura,
sining at pagkabansa ng isang bayan.
Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa
Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok
ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali
ang mga mamamayan upang maging isa sila sa
kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa.
Mahirap na isipin kung walang sariling wika na
magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga
hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring
magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi
pagkakaunawaan.
Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng
pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang
paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa
madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga
sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng
mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na
ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at
maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito
ang ilaw na magiging tanglaw ng mga Filipino upang
mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang magsisilbing lakas
upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang
wika ang siyang pinakamahalagang sandata
upang maiparating ng isang bansa sa kanyang
mga mamamayan ang mga pangyayari,
kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito.
Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro
ng mga mamamayan upang maihugos sa
kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa
isang karapat-dapat na tagapanguna o lider.
Gamitin ang rubriks sa ibaba.

You might also like