You are on page 1of 5

NOLI ME KABANATA 14

SI PILOSOPO
TANGERE TASYO
KABANATA 14 BUOD
SI PILOSOPO TASYO

• Mga Tauhan
• Don Anastacio o Tasyo
• Ang Alkalde
• Ang dalawang batang lalaki na magkapatid
• Ang magtretrenta-anyos na kaibigang nangangastila
• Don Filipo Lino
• Donya Teodora Vina
KABANATA 14 BUOD
SI PILOSOPO TASYO

• Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw


din ni Pilosopo Tasyo sa kaniyang namayapang asawa.
• Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang
pakalat-kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at
mahusay magsalita. Pinahinto ito ng kaniyang ina sa pag-aaral sa
dalubhasaan ng San Jose dahil baka raw malimot na nito ang Diyos
sa sobrang talino. Nais kasi ng ina niya na maging pari ito.
• Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos
ikasal ay namayapa ang asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa
pagbabasa at napabayaan ang mga minana.
• Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na
matakot, masaya pa si Tasyo sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya
na magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan.

Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid.
Sinabihan niya ito na umuwi na dahil may espesyal na hapunang
inihanda ang ina nila. Natuwa man ang magkapatid ay nanatili sila
sa simbahan.
• Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narrating ang
bahay nina Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra
at ang hinagpis na nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama.
• Nauwi sa usapang purgatory ang talakayan. Hindi man daw
naniniwala ang Pilosopo rito ay gabay naman daw ito upang
mabuhay nang malinis.
• Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit
madilim ang langit at nagngingitngit ang kilog at kidlat.
• Aral – Kabanata 14
• Matututuhan sa kabanatang ito
ang pag-unawa sa isang tao.
Marahil magkakaiba ang bawat
isa ng personalidad, paniniwala, at
pamumuhay, ngunit bandang huli,
hindi ito dahilan upang maging
katatawanan ang kapuwa.

You might also like