You are on page 1of 8

Iba Pang Salik na Nakaaapekto

sa Demand Maliban sa Presyo


1. Kita (Income)
-Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayan na
bumili ng mas maraming produkto. Sa pagbaba naman ng kita, ang
kaniyang kakayahan na bumili ng produkto ay nababawasan.

 Normal goods – dumadami ang demand sa produkto dahil sa


pagtaas ng kita.

 Inferior goods – mga produktong tumataas ang demand kasabay


sa pagbaba ng kita.
2. Panlasa
- Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong
panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito.
3. Dami ng Mamimili
- Maaari ding magpataas ng demand ang indibidwal na
tinatawag na bandwagon effect.
4. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo
 Produktong komplementaryo (complementary)
- mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi
magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito.
Halimbawa: kape, asukal, asin, tsa

 Produktong pamalit (substitute)


- mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo.
Halimbawa: juice at softdrinks; kape at tsa ; mantikilya at margarine.
5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

- Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng


isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo,
asahan na tataas din ang demand ng nasabing produkto sa
kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.
Paano maging matalino upang makatugon sa
pagbabagong dulot ng mga salik na ito?

1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito.


Matutong pagplanuhan nang Mabuti ang paggastos at unahin ang
mahahalagang bagay na dapat bilhin.

2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas


na presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang
presyo sa iba’t-ibang pamilihan.

You might also like