You are on page 1of 35

Schools Division Office

Congressional District II
MANUEL LUIS QUEZON ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, Metro Manila

MAPEH (Music)
WELCOME GRADE
TWO
“Steady Beats”
Alamin natin muli ang katumbas ng mga notang
pamamagitan ng pagpalakpak o pagtapik.
Awitin natin ang “Twinkle, Twinkle Little Star”.

Twinkle, Twinkle Little Star


How I wonder what you are
Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle, Twinkle Little Star
How I wonder what you are
Aralin natin ang awiting “Magmartsa Tayo”.
Napansin mo bang bawat linya ay nagpapakita ng
beat? Ang mahabang linya ay bar lines. Sa gitna ng
dalawang bar line ay ang tinatawag na measure.
Tandaan:
• Ang beat sa musika ay ang pulso na nadarama
natin sa musika. Ito ay maaaring bumagal o
bumilis subalit ang haba ng bawat pulso ay
laging pareho. Ito ang tinatawag nating steady
beat.
Group Activity
Ibigay ang steady beat ng mga kantang
“Are you Sleeping?” at “Happy Birthday Song” sa
pamamagitan ng clapping, stamping, or tapping.
TAKDA:
Sanayin ang mga beat sa bahay lamang.
Maghanda ng drawing materials para
bukas.
Schools Division Office
Congressional District II
MANUEL LUIS QUEZON ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, Metro Manila

MAPEH (Arts)
WELCOME GRADE TWO
“Kontrasts ng Kulay at
Hugis”
Paano natin maipapakita ang
pagguhit mula sa imahinasyon sa
ating likhang sining?
May mga kilala ba kayong mga
Pintor? Ano ang natatandaan mong
iginuhit nila?
Fernando Amorsolo
Si Amorsolo ay pintor ng mga
larawan ng mga tao at tanawing
pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya
sa kaniyang pagiging malikhain at
pagkadalubhasa sa paggamit ng
liwanag sa aspeto ng sining.
Mauro Malang Santos
Si Mauro ay pintor na kilala sa
mga di-pangkaraniwang paghahalo
ng mga kulay at mala-abstract
nitong istilo sa pagpinta.
Pagmasdan ang mga larawan na ito.

Larawan A Larawan B
Ano-ano ang iyong napansin?
Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
Tandaan:
Ang isang likhang sining na nagpapakita ng
pagkakaiba-iba sa kulay at hugis ay
nakalilikha ng konsepto sa sining na
tinatawag na Contrast.
GAWAIN:
Gumuhit ka ng mga dinala mong prutas.
Ipakita mo ang contrast sa kulay at hugis.
Gawin ito sa isang malinis na papel.
Art #_
Name: Score:
Section:
“Contrast”
TAKDA:
Pumili ng isang likhang sining at sabihin kung bakit
ito ang iyong napili.
Schools Division Office
Congressional District II
MANUEL LUIS QUEZON ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, Metro Manila

MAPEH (PE)
WELCOME GRADE
TWO
“Tikas at Galaw”
Ano-ano ang mga galaw na ginagawa
ninyo tuwing kayo ay nasa “Flag
Ceremony”?
Tayo ay mag-
ehersisyo!!!
Pagtayo
1. Tumayo nang tuwid.
Standing
2. Nakaliyad ang dibdib.
3. Nakapasok ang tiyan.
4. Pantay at diretso ang mga
balikat.
5. Ang mga kamay ay nasa
tagiliran.
Pag-upo
1. Tuwid ang likod at nkasandal sa
Sitting Walking

likuran ng silya.
2. Ang mga paa ay nakatapak sa
sahig.
3. Pantay at diretso ang mga
balikat.
3. Paglakad
1. Gawing kumportable ang mga
Sitting Walking

balikat.
2. Ayusin ang pagsulong ng mga
paa habang ibinabayubay ang
mga braso.
3. Tuwid ang ulo at baba.
4. Nakatingin sa dinadaanan.
Paano at kalian mo naisasagawa ang
mga kilos na ito?
Tandaan:
Ang magandang postura ay binubuo
ng maayos na tikas at galaw ng
katawan. Ito ay mahalagang bagay sa
ating pansariling kaayusan at pisikal
na pangangatawan.
GAWAIN:
Sa tulong ng iyong kapareha, gawin ang tikas at
galaw sabay ng pag-awit ng “Walking,Walking”.
TAKDA:
Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng
wastong tikas sa pagtayo, pag-upo at paglakad.
Schools Division Office
Congressional District II
MANUEL LUIS QUEZON ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, Metro Manila

MAPEH (Health)
WELCOME GRADE
TWO
“Food and Balanced
Meal”
Awitin natin ang “Bahay Kubo”.
Bakit mahalaga ang pagkain sa ating
katawan? Paano natin malalaman ang
tamang pagkain?
Mga Pagkaing Nagbibigay lakas –(Go foods)
(carbohydrates at taba)
♦ Ang mga pagkaing nagbibigay lakas ay
nagtataglay ng carbohydrates at taba, na
mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya.
♦ Ang carbohydrates ay ang pangunahing
pinagkukunan ng enerhiya at ang taba ay ang
nakaimbak na enerhiya ng katawan.
Mga pagkaing nagpapalaki ng kalamnan-
( grow foods)(protina)
♦ Ang pangunahing tungkulin ng protina ay
ang gumawa at magkumpuni ng lahat ng
himaymay ng katawan.
Mga pagkaing kumokontrol sa mga proseso ng
katawan – (glow foods) (bitamina at mineral)
♦ Ang mga pagkaing kumokontrol
sa mga proseso ng katawan ay
nagtataglay ng mga bitamina at
mineral na nagpapanatili ng
normal na tungkulin ng iba’t ibang
bahagi ng katawan.
Tandaan:
Ang wastong nutrisyon ay ang pagkakaroon ng
balanseng diyeta na binubuo ng mga pagkaing
mula sa tatlong pangunahing pangkat ng pagkain.
Kahit na kaunti lamang ang kailangan ng ating
katawan, ang kakulangan ng kahit isa lamang sa
mga bitamina at mineral sa iyong diyeta ay
maaaring magdulot ng mga sakit.
( Pinagkunan:Wastong Nutrisyon Isang
Pangunahing Pangangailangan.pdf)
Gawain:
Kumpletuhin ang tsart. Ilista ang mga pangalan ng
pagkain bawat pangkat.
Takda:
Maglista sa ng iyong pagkain sa sarili mong
Go, Grow, Glow Chart.

Go Food Grow Food Glow Food

You might also like