You are on page 1of 15

HINDUIS

Ang Hinduismo ang pinakamatandang pangunahing relihiyon sa mundo.


May nagpapalagay na dinala ito ng mga mananakop na Aryan sa India noong
1200 BC. Pinaniniwalaang ang Hinduismo ay nagmula sa pinagsamang
paniniwala ng mga Aryan at mga tao mula sa Indus Valley. Bunga nito, isa ang
Hinduismo sa pinakakumplikadong relihiyon sa buong daigdig, na may hindi
mabilang na idolo, diyos at diyosa, at samu't saring paraan ng pagsamba.
Itinuturing na monismo ang relihiyon na ito na nagangahulugang iisang ispirito
lamang ang nananahan sa lahat ng mga nilalang.
Ang mga paniniwala ng Hinduismo ay nag-ugat sa Vedas, isang banal
na aklat ng mga kasulatang naglalaman ng mga dasal, himno, at iba pang
mga aral tungkol sa pananampalataya. Naniniwala ang mga Hindu na si
Brahman, na itinuturing na manlilikha, ang pinakamataas at pinakahuling
katotohanan sa mundo. Ang makabalik sa manlilikha ang huling hantungan
ng bawat nilalang. Upang makapiling si Brahman, may mga mas mababang
diyos na maaaring tumulong dito.
Isa pa sa mga paniniwala ng mga Hindu ay dumaranas ang lahat ng
nilalang ng paulit-ulit na pagsilang (reincarnation) hanggang maging karapat-
dapat na sumama kay Brahman. Ang antas ng bawat tao sa pagsilang ay batay
sa kanyang karma. Kapag masama sa nakalipas na buhay, isisilang siya muli sa
mas mababang katayuan. Kapag mabuting tao, isisilang siyang muli sa mas
mataas na antas. Sumusunod ang mabuting tao sa ahimsa, isang paraan ng
pamumuhay na umiiwas makasakit sa ibang nilalang sa isip, sa wika, at sa
gawa.
PUMILI NG TAMANG
SAGOT
Start Game
NEXT

Ano ang sanhi kung bakit pinakakomplikadong relihiyon ang


Hinduismo?
(Literal)

A. Maraming idolo, diyos at C. May iba’t ibang antas ng


diyosa ang sinasamba nito. buhay itong kinikilala.

B. Nagmula ito sa pinagsama- D. Naniniwala ito sa paulit-ulit


samang mga paniniwala. na pagsilang ng bawat nilalang.
NEXT

Alin sa sumusunod ang HINDI paniniwala ng


Hinduismo?

A. Paulit-ulit na isinisilang C. Ang antas ng tao ay


ang mga tao. batay sa kanyang karma.

B. Ahimsa ang paraan ng hindi D. Nananahan ang iisang


mabuting pamumuhay. ispiritu sa buong kalikasan.
NEXT

Ano ang kahulugan ng “samu't saring paraan ng pagsamba”?

C. Malayang sumamba ang


A. Mabibilang ang paraan ng
mga Hindu gamit ang
pagsamba ng Hinduismo.
maraming paraan.

B. Maliwanag ang nabuong D. May gabay ang


paraan ng pagsamba ng magkakatulad na paraan ng
Hinduismo. pagsamba ng mga Hindu.
NEXT

Ano ang kahulugan ng salitang nag-ugat sa pangungusap sa


kahon?
Ang mga paniniwala ng Hinduismo ay nag-ugat sa Vedas.

A. inani C. napapaloob

B. nakatanim D. nagmula
NEXT

Ano kaya ang dahilan kung bakit nasakop ng mga Aryan ang India?
Nasakop ng Aryan ang India dahil ___________________.

A. hindi malakas ang laban ng C. nais nilang maisilang sa ibang


India noong panahon na iyon antas ng buhay

B. hangad nilang sambahin D. ito ang bilin ni Brahman


sila ng India sa kanila
NEXT

Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong


binasa?
Tinalakay sa seleksyon ang __________

A. mga kasapi sa Hinduismo C. paniniwala ng Hinduismo

D. kalagayan ng
B. mga aral ng Vedas
Hinduismo
NEXT

Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?

A. Nais nitong magbigay ng C. Hangad nitong


kaalaman. manghikayat.

B. Gusto nitong magbigay ng D. Hatid nito ang isang


aral. balita.
NEXT

Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe
nito?
C. Nakasaad dito ang sanhi at
A. Pinaliwanag nito ang mga
bunga ng paglaganap ng
pinaniniwalaan ng Hinduismo.
Hinduismo.

D. Nakasaad rito ang suliranin at


B. Tinalakay sa buong seleksyon
solusyon ng pagsasabuhay ng
ang kasaysayan ng Hinduismo.
Hinduismo.
SALAMAT

You might also like