You are on page 1of 10

IBA PANG

KOMPOSISYON
G POPULAR
– Sa mga nagdaang aralin ay natalakay na ang ilang akdang
lumaganap sa bansa sa kasalukuyan na kinikilala bilang
bahagi ng tinatawag na panitikan o komposisyong popular
gaya ng popular na babasahin, programang
panradyo ,programang pantelebisyon, at pelikula. Narito
ang ilan pang akdang popular na lumaganap sa bansa sa
kasalukuyan.
ISLOGAN
Ito ang komposisyong pinakamadaling
mauunawaan. Ito marahil ang
modernong salawikain sa kasalukuyan.
Ito ay isang maikling pahayag tungkol sa
isyu o paksang maaring masulat nang
tuluyan o patula.

“GAMITIN, LINANGIN, AT IPAGMALAKI ANG WIKA NATIN”


PATALASTAS
Ang patalastas ay isang uri ng
napapahayag na ginagamit upang
makahikayat o makahimok,
magbigayimpormasyon at
direksiyon sa madla tungkol sa
isang sebisyo ,produkto,o
paniniwala.
PATALASTAS
Karaniwang sinasagot nito ang mga
tanong na ano,Kailan, Saan, Sino,
Bakit, at Paano hinggil sa mga isyu o
paksang binibigyang diin nito.
Ang patalastas ay maaaring makita o
mailathala sa pahayagan , magasin,
komersiyal na pantelebisyon,
patalastas sa radyo, patalastas sa radyo,
patalastas na nasaa labas ng gusali o
panlansangan.
AWIT Likas sa mga Pilipino ang pagkahilig sa mga
awit kaya’t hindi kataka-takang laganap sa
bansa ang mga ganitong uri ng akda . Ito ay
isang uri ng akda. Ito ay isang paraan ng
pagpapahayag ng damdamin, pananaw,
kultura at pangarap sa buhay.
Kung noon ay nauuso ang mga awiting
kundiman, sa kasalukuyan ay kadalasang
mabilis , mabilis, masaya, at Malaya ang
tempo ng mga awit isa sa mga nakilalang
paraan ng pag-awit sa kasalukuyan ay ang
adapsyon, Revival, at rap
Adapsyon
Ang ADAPSYON ay ang panghihram
ng himig ng isang awit at pagpalit
lamang sa liriko nito samantalang
ang REVIVAL ay ang muling
pagbuhay ng isang lumang awit na
may kaunting pagbabago ayon sa
kung sinong mang-aawit ang
kakanta nito.
RAP Ito ay isang paraan ng pag awit na tila
binibigkas ngunit may kasamang
ritmo.Kung ito ay mapakikinggan sa unang
pagkakataon ,iisipin mong isa itong gawain
ng kabataang kalye o ng mga hiphop.
Ngunit kung inyong susuriin ang bawat
salitang kanilang binibitawan ay may
kahulugan. Ang mga salitang ginagamit
dito ay karaniwang balbal o hindi pormal
at kadalasang isinasagawa nang
impromptu.Nangangailangan ng
pagsasanay at malawak na pag iisip ang
sinumang magsasagawa nito.
Alam mo ba?
Ang fliptop naman ay ang
sinasabing balagtasan sa
kasalukuyang panahon. Dito
ay may dalawang panig na
nagtatalo sa pamamagitan
RAP.

You might also like