You are on page 1of 1

IBA PANG KOMPOSISYONG POPULAR

Unang una sa lahat, pinaliwanag sa libro ang kahulugan sa salitang "panitakan".


Base sa internet ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-
uugnay sa isang tao. Ilan sa mga natalakay na panitikan ay ang pabula, epiko,
sanaysay, balagtasan, maikling kwento, tula, nobela, at dula. Ang aking buod tungkol sa
mga paliwanag sa libro ay kung paano umunlad ang pag gawa ng mga ating panitkan
gamit sa bagong teknolohiya. Narito ang ilan pang akdang popular na lumaganap sa
bansa sa kasalukuyan: Islogan, patalastas, awit. Ang Islogan ay ang pinakamadaling
maunawaan sa lahat. Ito ay may maikling pahayagan na kung saan tungkol sa mga isyu
o maaring tuluyan o patula. Ang patalastas ay ang isang uri na pagpapahayag na
ginagamit upang makakahikayat o makahimok, magbigay ng impormasyon at direksyon
sa madla tungkol sa isang serbisyo, produkto, o paniniwala. Kapag tayo ay
manghikayat sa ating serbisyo, produkto, paniniwala, syempre tatanong ang mga tao
saatin kung gaano ka taas na kalidad at sigurado ang ating maipapakita sa mga taong
hinikayat natin. Ang mga tao ay gumagamit sa mga salitang ano, kailan, saan, sino,
bakit, at paano hinggil sa mga isyu o paksang binigyang-diin. Ang awit ang isang
parran na pagpapahayag ng damdamin, pananaw, kultura, at pangarap sa buhay. may
nakilalang paraan ng pag-awit sa kasalukuyan ay ang adapsiyon, revival, at rap. Ang
adapsiyon ay ang paghihiram ng himig ng isang awit at pagpalit lamang sa liriko nito.
Ang revival ay ang muling pagbuhay ng isang lumang awit na may kaunting pagbabago
ayon sa kung sinong mang-awit ang kakanta nito. Ang rap ay isang paraan ng pag-awit
na tila binibigkas ngunit may kasamang ritmo.

ALAM MO BA?

Ang fliptop naman ay ang sinasabing balagtasan sa kasalukuyang panahon. Dito ay


may dalawang panig na nagtatalo sa pamamagitan ng rap. Ang tumatayong lakandiwa
sa fliptop ay mismong mga rapper na nakikinig sa pagitan ng dalawang pangkat ng
rappper na nagtatalo at ang nakapagpasaya p nakapagpatawa nang higit sa mga
manonood ang siyang itinatanghal na nagwagi.

You might also like