You are on page 1of 13

SPOKEN WORD

BILANG TAGAPAGPAHATID NG ADBOKASIYA

TONI PANAGU
BAON COLLECTIVE
SERTIPIKO SA MALIKHAING PAGSULAT SA
FILIPINO, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS -
DILIMAN
TUNGKOL SA TAGAPAGSALITA

Si Toni Panagu ay isang mag-aaral sa ilalim ng Sertipiko sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino ng


Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. Siya ay nagtatanghal ng Spoken Word sa mahigit tatlong
taon. Nagtatanghal sa iba’t ibang mga lugar: Unibersidad, Kapihan, Bar, Rally, atbp. Nakilala siya
noong taong 2017 nang lumabas siya sa programang Wowowin ng GMA 7 at na-feature sa
Kapuso Mo, Jessica Soho ng estasyong ring iyon para sa kaniyang piyesang pinamagatang Mangga.

Parte siya ngayon ng Advocacy Art Group na BAON Collective, isang grupong makasining na
naniniwalang “Bago ka humugot, bumaon ka muna!” at may prinsipyong:

Nagtatanghal para lumaya


Lumalaya para magmulat
Nagmumulat para sa sarili!
PANGKALIGIRANG KASAYSAYAN NG
SPOKEN WORD

Dahil may maka-kanluraning pagtanaw ang marami sa bansang ito, may dalawang
pangkaligirang kasaysayan ang spoken word:

1. Western Origin

Ang Spoken Word ay galing sa mga aping African American


noon at ginamit bilang uri ng protesta.

1. Oral na Tradisyon sa Pilipinas

Ang pre-kolonyal na panitikan ng Pilipinas ay likas na oral.


KONTEMPORARYONG SPOKEN WORD SA
BANSA

● 1999 pa lang ay gumawa na ng ingay ang bandang Radioactive Sago Project ni Lourd De
Veyra bilang frontman. Pinaghalu-halong Jazz, Funk, at Punk ang tunog ng banda na
ihinalo sa Spoken-Word. Kalimitan ay tungkol sa drugs, alcohol, pilosopiya, at current issues.

● Mapakikinggan sa Jam 88.3 sa radyo ang tanging Spoken-Word Show sa Pilipinas na


pinamagatang Bigkas Pilipinas, kasama ang host nitong si Kooky Tuason. Isa sa mga
nagpalaganap ng Spoken-Word sa Bansa.
● Ayon sa Words Anonymous: Words Anonymous is a spoken word group in the Philippines
that aims to promote this art form all over the country. One poem at a time. Sa kanila
galing si Juan Miguel Severo na nagpaputok ng Spoken Word sa Pop-Culture at
Mainstream Media.
● Nariyan rin ang KM64 na progresibong mga piyesa ang itinatanghal. Sila ay naniniwalang
“ANG TULA AY ARMAS PANDIGMA”
BASICS NG SPOKEN WORD

HATI SA DALAWANG ASPEKTO ANG SPOKEN WORD NA MAY ANGKING ELEMENTO

1. PAMPANITIKAN
a. Tugma/Ritmo
b. Konsepto
c. Nilalaman/Adbokasiya/Politika
d. Tayutay/Poetic Devices
e. Persona
2. PANTANGHAL
a. Galaw ng katawan
b. Tindig
c. Prodiyeksyon ng Boses
d. Deliberasyon
PROSESO SA PAGGAWA NG SPOKEN
WORD

Mabuting pinapalaya ng indibidwal ang kaniyang saloobin hinggil sa isang usapin.

Mahalagang dumaan muna sa brainstorming at free-writing ang proseso ng isang piyesa saka
pipiuhin ng isa hanggang sa ‘di mabilang na rebisyon.

Sa pagsulat ng kanta, malimit itanong kung alin ang nauuna, kung ang liriko ba muna o ang
musika? Dito ay maaaring sabay.

Sa Spoken Word naman, madalas mauna ang mga salita saka nilalapatan ng performativ na
aspekto.
BRAINSTORMING. AKTIBIDAD.

SUBUKAN NATING MAGSALITA


NG KAHIT ANO TUNGKOL SA
MGA SALITANG LALABAS SA
MGA SUSUNOD NA SLIDES.
DISKRIMINASYON
AT PANANAMIT.
PABORITONG PAGKAIN
KASARIAN AT TIKAS NG
TINDIG.
ESTADO NG IYONG
LOVE-LIFE AT ITSURA
MO
SA GANITONG PARAAN, NAGKAKAROON TAYO
NG DISKURSO.

Diskurso ang tawag sa pagkokonekta sa dalawang


bagay na tila ba di magkaugnay. Kailangan ito sa
Spoken Word.
SA DISKURSO MAIPAPAHAYAG ANG
ADBOKASIYA

Kami sa BAON Collective ay nag-umpisa bilang kontra-kultura sa “Hugot Culture” na umuusbong


sa popular na produksyon ng panitikan sa bansa. Kaya pinili naming tumalakay ng iba’t ibang
isyung panlipunan gaya ng Extra-Judicial Killings, Beauty Standards, Mental Health,
Seksuwalidad, atbp.

Bilang isa sa mga resident artist ng grupo ay nakalikha ako ng mga piyesang tila nagpapatawa
ngunit tumtatalakay sa isang isyung panlipunan sa bansa.

Ganito ang bisa ng Spoken Word, lalo na kung nabalanse ng artista ang commercial value at
content ng kaniyang piyesa o akda.

You might also like