You are on page 1of 8

Paano natin maipapakita ang

pagmamahal natin sa diyos?


Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng
kaniyang sarili sa iba. Naipakikita niya ang
kaniyang pagiging kapuwa. Sa oras na magawa
ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang
pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya
ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at
oras nang buong-buo at walang pasubali.Ito ang
makapabibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay.
Ito rin ang makakasagot ng dahilan ng kanyang
pag-iral sa mundong ito.
Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa Pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa
Kapwa
• Ang tao ay naghahanap ng kahulugan sa kanyang buhay.Bakit siya umiiral sa
mundo? Dahil dito kailangan niya ang pananampalataya.
• Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
• Sa pananampalataya naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi makikita.
• “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang
kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1)
• Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang
pinaniniwalaan.Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay”
(Santiago
2:20).
Ayon kay Carl S. Lewis ang AGAPE
(Divine love) ay isang uri sa
pagmamahal na pinakamataas sapagkat
ito ang pagmamahal na walang
kapalit.Patuloy na nagmamahal sa kabila
ng mga pagkukulang at patuloy na
nagpapakasala ng tao ay patuloy pa rin
Niyang minamahal dahil ang TAO ay
mahalaga sa Kaniya

You might also like