You are on page 1of 44

Piliin ang kahulugan batay sa mga sumusunod na

salita. Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. ESKRIMA

a. Sining sa paggamit ng espada


b. Sining sa paggamit ng panulat
c. Sining sa paggamit ng baril
d. Sining sa pagsulat ng akdang
pampanitikan
2. BUSHIDO

a. Ang paraan ng mga kawal


b. Ang paraan ng mga Hari
c. Ang paraan ng mga mananakop
d. Ang paraan ng mga mandirigma
Bushidō ( 武士道 , "ang paraan ng mga mandirigma") ay isang
salitang Hapon para sa maraming mga code ng karangalan at
mga ideals na nagdikta sa samurai paraan ng pamumuhay, na
kahalintulad sa konsepto ng kagalitan sa Europa.

Minsan ito ay ginagamit bilang isang bushido laban sa isang


kawal, na nangangahulugan na malawak ang kahulugan ng
espirituwal na buhay ng samurai , kung paano mabuhay, makitid
na nakasentro, isang paraan ng pamumuhay.
3. JUDO

a. Pangkalawakan
b. Pandigma
c. Pakikipag-usap
d. Pakikipag-away
Ay isang makabagong Hapones na sining pandigma (
gendai budō) at labanang palakasan, na nagmula sa
bansang Hapon sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.
Ang pinaka namamayani nitong tanghal ang
kompetitibong elemento, kung saan hinahagis ang
kalaban sa lupa, pinapawalang-kilos o kung hindi man,
pinapasuko ang kalaban sa isang manyobrang
nangbubuno, o puwersahin ang kalaban na sumuko sa
pamamagitan ng magkasamang pagkandado ng siko o
pagsimula ng pagkabulon.
4. PISYOLOHIYA
a. Ang pag-aaral ng galaw at tungkulin ng
bawat bahagi ng pangangatawan.
b. Mahalagang larangan sa modernong
medikal na pagsusuri
c. Pag-aaral ng mga salita
d. Wala sa mga nabanggit
5. KURIKULUM

a. Gawain na balak isakatuparan ng mga estudyante


b. Aralín sa paaralan na kailangang pagdaanan sa loob ng
isang semestre o isang taon
c. Isakatuparan ng mga paaralan at maabot ang mga tiyak
na tunguhin ng pagtuturo.
d. Paksa
Aralin 3: Ang Panitikan bilang
Tagapagpahayag ng Paninindigan
Mao Tse-tung o Mao Zedong

Isinilang noong Disyembre 26, 1983


kilala rin sa tawag na tagapangulong
Mao, ang nagsisilbing pinuno ng
Partido Komunista ng China (CCP) mula
1935 hanggang kaniyang pananaw
noong 1976.
Siya ang ama ng People’s Republic of China na
nagtatag nito matapos magapi ang Partido
Komunista ang Partido Kuomintang (KMT) ni Chiang
Kai-shek na lumipad sa Taiwan. Ipinatupad ni
Tagapangulong Mao ang mga programang Great
Leap Forward (1958) na sumaksi sa malawakang
pagpapakilos ng lakas-paggawa upang mapabuti
ang produksiyong agricultural at industriyal at ang
Rebolusyong Kultural (1996) na naglalayong alisin
ang mga elementong “nakarurumi” sa bansa at
buhayin ang diwang rebolusyonaryo.
Ang sumusunod na seleksiyon na inilathala noong
Abril 1917 ay isa sa mga naisulat ni Tagapangulong
Mao. Bahagi ito ng isang mas mahabang sanaysay
na nailathala sa Hsin ching-nein, isang
sosyopolitikal at pampanitikang journal sa China na
lumabas mula 1915 hanggang 1926.
Isang Pag-aaral ng Edukasyong
Pisikal (Bahagi)
ni Mao Tse-tung
(Salin ni Alvin Ringgo C. Reyes)
Ang pagpapaunlad ng ating pisikal na lakas ay isang
gawaing panloob, isang sanhi. Kung hindi malakas
ang ating pangangatawan, masisindak agad tayo
pagkakita sa mga kalaban.

Ang lakas ay nakabatay sa paulit-ulit na paggawa ng


isang bagay; ang pagulit-ulit na paggawa ng isang
bagay ay nakabatay naman sa kamalayang pansarili.
Isang Paliwanag sa Edukasyong Pisikal

Tumutulong ang edukasyong pisikal na


panatilihin ang buhay. Nagkakaiba ang Silangan at
kanluran sa interpretasyon nila rito. Sinunuod
naman ni Chuang Tzu ang halimbawa ng isang
tagapagluto, natuto naman si Confucius sa aral ng
mamamana at tagapagtakbo ng karwahe. Sa
Germany, naging pinakasikat ang edukasyong
pisikal.
Ang Puwang ng Edukasyong Pisikal sa Ating Buhay

Sinasabayan ng edukasyong pisikal ang


edukasyong pangkagandahang-asal at
pangkaisipan. Nasa katawan ang kagandahang-asal
at kaalaman. Ang binibigyang-diin ng tao ang
kaalaman ng moralidad. Tunay na mahalaga ang
kaalaman dahil ito ang nagpapaiba sa tao sa hayop.
Ang katawan ay siyang nagtataglay ng kaalaman at
ang nag-iingat ng kagandahang asal Tinataglay nito
ang kaalaman gaya ng isang karawahe at iniingatan
ang moralidad gaya ng isang silid
Kung malakas ang katawan, mabilis na
makakahabol ang isang tao sa kaniyang kaalaman
at kagandahang asal at lubhang marami ang mga
kapakinabangang kaniyang aanihin.
Ang Kapakinabangan ng Edukasyong Pisikal

Ang tao ay isang hayop, pinakamahalaga sa


kaniya ang pagkilos. At dahil isa siyang hayop na
may kakayahang makapag-isip, may dahilan dapat
ang kaniyang mga kilos. Kumikilos upang simpleng
maingatan ang buhay at mabigyang-lugod ang
puso.
Binubuo ang kaalaman ng pagkabatid sa mga
bagay sa mundo at ng pagkilala sa mga batas. Sa
ganang ito dapat umasa tayo sa ating katawa, dahil
nakasalalay sa mga tainga at mga mata ang
tuwirang obserbasyon, habang sa isip naman ang
pagninilay. Ang mga tainga at ang mata, gayundin
ang isip ay maituturing na bahagi ng katawan.
Kapag perpekto ang katawan. Perpekto rin ang
kaalaman.
Iyong ang mga katawan ay payat at mahihina ay
hindi seryoso sa kanilang asal. Iyong ang mga balat
ay lawlaw ay mahihina at matatamlay ang
kalooban. Kaya naman naiimpluwensyahan ng
katawan ang isip.
Ang layunin ng edukasyong pisikal ay ang
palakasin:
Ang kalamnan at ang mga buto at bilang bunga,
napatataas ang kaalaman, napagkakasundo ang
mga damdamin at napatitibay ang kalooban.
Ang ating kalamnan at buto ay sa ating katawan:

Ang kaalaman, damdamin at kalooban ay sa ating


puso. Kapag parehong payapa ang katawan at ang
puso, masasabing may perpektong pagkakasundo.
Ang Pormal na Sanaysay
Ang pormal o maanyong sanaysay ay isang
akdang akademiko propesyonal na isinulat upang
magpabatid, magbigay-impormasyon, magturo o
manghikayat. Ilan sa mga halimbawa nito ang
talakay sa teksbuk, encyclopedia at iba pang
materyal panturo; ang mga teksto sa mga tesis,
disertasyon, journal, pamanahong papel at iba
pang saliksik-papel at ang mga teksto sa mga
desisyon ng hukuman, panukalang negosyo,
deskripsiyon sa museo, coffee table cook at marami
pang iba.
Katangian ng isang
pormal na sanaysay
1. PAKSA
Seryoso ang pagtrato sa paksa sa isang pormal
na sanaysay. Dahil dito, karaniwan na sa isang
pormal na sanaysay ang magkaroon ng paksang
akademiko o propesyonal. Hindi tulad ng impormal
na sanaysay na karaniwang personal ang paksa, ang
paksa ng isang pormal na sanaysay ay iyong
tumutugon sa pangangailangang intelektuwal.
2. ESTRUKTURA
Gaya ng karaniwang sanaysay, may pamagat,
panimula, katawan at konklusyon ang isang pormal
na sanaysay. Gayunman maaaring maging mas
mahaba ang isang pormal na sanaysay dahil maaari
itong mahati sa mga kabanata na may kani-
kaniyang tuon o pokus depende sa komplikasyon ng
paksang tinatalakay.
Ang talaan ay nagtataglay ng tesis o pahayag
na nagbibigay ng pangunahing kaisipan o
pinakamahalagang kaisipan.
3. PARAAN NG PAGSULAT
Obhetibo ang paraan ng pagkakasulat ng isang
pormal na sanaysay. Seryoso ang tono nito at may
distansya sa mga mambabasa. Paktwal ang
pagkakalahad ng mga impormasyon.
Mga Pahayag sa Pagbibigay
Opinyon, Matibay na
Paninindigan at Mungkahi
PAGBIBIGAY NG OPINYON
Ang opinion ay ang sariling palagay tungkol sa
isyu. Nakabatay ito sa sariling paniniwala o kuro-
kuro ng tagapagsalita. Hindi ito
mapanghahawakang katotohanan sa lahat ng
pagkakataon ngunit kahit paano’y may
pinagbabatayang kaisipan o damdamin ang isang
tao kung bakit niya ito nasabi.
Halimbawa:

• Sa aking palagay / sa palagay ko / ang palagay ko


diyan
• Sa aking tingin / sa tingin ko / ang tingin ko diyan
• Para sa akin / sa amin
• Ang masasabi ko ay
• Pakiramdam ay
• Ang dating sa akin ay
• Wari ko ay
• Kung ako lang
PAGPAPAHAYAG NG MATIBAY NA PANINDIGAN
Ang matibay na paninindigan ay ang matapang
na paggigiit sa isang posisyon. Produkto ito ng
pagtimbang-timbang sa magkakaibang panig at
pagsusuri sa mga ebidensiya hanggang makabuo ng
isang pananaw na mapanghahawakan at
maipaglalaban.
Halimbawa:

• Ang / Ako / Kami ay nanindigan na


• Ang / Ako / Kami ay naniniwala na
• Ang / Ako / Kami ay tumitindig sa paniniwalang
• Ipinaglalaban ang / Ipinaglalaban ko / namin ang
• Isinusulong ang / Iginigiit ko / namin ang
• Mariing tinututulan ang / Ako / Kami ay mariing
tumututol sa
PAGBIBIGAY NG MUNGKAHI
Ang pagbibigay ng mungkahi ay pagbibigay ng
rekomendasyon o panukalang pagkilos tungo sa
lalong ikabubuti. Bakas itong pagbabahagi ng mga
idea, opsiyon, o alternatibo. Itinutulak nito ang
tumatanggap ng mensahe upang tingnan ang mga
bagay sa ibang perspektiba o sumubok ng ibang
paraan.
Halimbawa:

• Ipinapanukala na / Ipinapanukala kong


• Iminumungkahi na / Iminumungkahi kong
• Inirerekomenda na / Inirerekomenda kong
• Magalang na ipinapanukala / iminumungkahi /
inirerekomenda na
• Ang gawin kaya ay
• Ano kaya kung
Mahalagang Pag-unawa

• Epektibong mailalahad ang opinyon,


paninindigan at mungkahi kung gagamit ng
angkop na mga salita sa pagpapahayag ng mga
ito.

• Napatatangi ang sanaysay bilang isang genre ng


panitikan sapagkat nakabatay ito sa katotohanan
at hindi sa kathang-isip.
• Makasusulat ng isang mahusay na pormal na sanaysay
kung masusing tatalakayin ang paksa batay sa
mapagkakatiwalaang mga saliksik o pag-aaral

• Mahalagang pangalagaan ang kalusugang pisikal


sapagkat ito ang unang pangangailangan upang
mapagana ang iba pang aspekto ng sarili.

• Matitiyak ang balanseng pagkatuto sa paaralan kung


pauunlarin hindi lamang ang aspektong pangkaisipan
kundi maging ang mga aspektong pangkatawan o
pangkaasalan.

You might also like