You are on page 1of 11

Ang Noli Me Tangere

YUNIT IV
JOSE RIZAL: SA LANDAS NG
PAGLAYA
 Mercado
 Rizal
 Paciano
 La Solidaridad
 La Liga Filipina
 Dapitan
 Dr. Pio Valenzuela
Pag-uugnay sa Sarili

Jose Rizal Kabataan at


bilang mag- Ako
aaral
Bilang anak at
isang
Jose Rizal Mangingibig Ako
“Kabataan ang pag-asa ng bayan”

Bilang kabataan, paano mo


mapatutunayang tama si Jose Rizal?
Ilahad ang mga hakbang na
gagawin mo sa ikabubuti ng lipunan
upang masabing “IKAW ay pag-asa
ng bayan.”
ALPABETO SA BUHAY NI JOSE RIZAL
(mula sa aklat na Looking Back ni Ambeth
A ) “Adios patria adorada,” ay ang unang linya ng huling tula ni
Adios.
Ocampo
Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan. Nakuha ito ng mga kapatid ni Rizal sa
lamparang iniwan niya.

B Bagumbayan. Ito ang lugar kung saan binitay ang Gom-Bur-Za sa


pamamagitan ng garrote noong 1872, at binaril si Jose Rizal noong 1896.
Tinatawag na itong Luneta Park o Rizal Park sa kasalukuyan.

C Calamba. Ang bayan sa Laguna kung saan isinilang si Jose Rizal noong
ika-19 ng Hunyo, 1861, Miyerkules, sa pagitan ng ika-11 at ika-12 ng
hatinggabi. Ayon sa zodiac o astrological sign, siya ay isang Gemini
D Dapitan. Ang bayan sa Zamboanga del Norte kung saan
ipinatapon si Rizal sa bintang na rebelyon noong 1892 hanggang 1896.

E Elias. Isa sa mga pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere.


Pinagsisihan umano ni Rizal ang pagpatay sa katauhan ni Elias sa
kuwento

F Francisco. Ito ang pangalan ng ama ni Jose Rizal, gayundin ang


ibinigay na pangalan sa kanilang anak ni Josephine Bracken.

G Gertrude. Ang pangalan ng isa sa mga babaeng nakilala at


nagpatibok sa puso ni Jose Rizal sa London.

H Hitler. Isa sa mga walang katotohang isyu na si Rizal umano ay


ama ni Adolf Hitler.
I Indolence of the Filipino. Salin sa Ingles ng isa sa mga sanaysay
ni Jose Rizal na tumutugon sa bansag ng mga Kastila na tamad at pabaya
ang mga Pilipino.

J Josephine. Ang pangalan ng babaeng nagpatibok at nagging asawa


ni Jose Rizal sa Dapitan.

K Kababata. Sa aking. Ang sinasabing unang tula sa Tagalog ni Jose


Rizal na isinulat niya umano noong siya ay walong taong gulang. May mga
pala-palagay na hindi si Jose Rizal ang nagsulat ng tulang ito.

L Lotto. Sa katunayan, si Jose Rizal ay nagwagi sa lotto habang siya


ay nasa Dapitan. Ipinambili niya ng lupain ang parting nakuha sa premyo.

M Makamisa. Ito ang pamagat ng ikatlo sanang nobela ni Jose Rizal.


Hindi ito natapos.
N Noli Me Tangere. Ang pamagat ng unang nobela ni Jose Rizal.
Hango ang pamagat sa Bibliya na may salin na “Huwag Mo Akong Salingin.”

O Optalmolohiya. Nag-aral si Jose Rizal ng optalmolohiya sa ibang


bansa sa pagnanais na magamot ang nanlalabong paningin ng kaniyang ina.

P Paciano. Ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Jose Rizal. Nagsisilbi


siyang heneral sa hukbo ni Emilio Aguinaldo sa digmaang Pilipino-Amerikano.

Q Quiroga. Isa sa mga tauhan ng ikalawang nobela ni Jose Rizal, ang El


Filibusteresmo

R Rednaxela. Binaligtad na pangalang Alexander, ito ang pangalan ng


daan sa Hong Kong kung saan nanatili si Jose Rizal.
S Segunda. Ang pangalan ng unang babaeng nagpatibok sa puso ni
Jose Rizal.

T Teodora. Ang pangalan ng ina ni Jose Rizal.

U Uliman. Ang tawag sa kaniya ng iilan mula sa mga terminong “El


Doctor Aleman.”

V Valentin Ventura. Siya ay mayamang kaibigan ni Jose Rizal mula


sa Pampanga na tumulong kay Jose Rizal sa pagpapalimbag ng El
Filibusteresmo.

W Women of Malolos. Ang salin sa Ingles ng sanaysay ni Jose


Rizal na pumupuri sa kababaihan ng Malolos sa katapangan nila na
magtayo ng panggabing paaralan kahit laban dito ang mga prayle
X Xerez-Burgos, Manuel. Siya ang pamangkin ni
Padre Jose Burgos ng Gom-Bur-Za, ang tumulong sa
pagtanggap noon kay Jose Rizal sa Ateneo Municipal.

Y Ysagani. Sa palatitikang Kastila, ang Y at I


minsan ay ipinagpapalit sa isa’t isa. Si Ysagani, o
Isagani ay isa sa mga tauhan ng EL Filibusteresmo.

Z Zayb Ben. Isa rin sa mga pangunahing tauhan


ng El Filibusteresmo.

You might also like