You are on page 1of 12

IMPLASYON

GROUP - 3
IMPLASYON
Sa ekonomika, ang Implasyon (Ingles: inflation, lit. 'pamimintog, paglobo') ay
pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa isang
ekonomiya. Kung tumataas ang pangkalahatang antas ng presyo, mas kaunti ang
maibibili sa bawat yunit ng salapi; dahil dito, katumbas ng implasyon ang
pagbawas sa bili-kaya ng pera. Deplasyon ang kabaligtaran ng implasyon, ang
pagbaba sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo. Ang
karaniwang sukatan ng implasyon ay tasa ng implasyon, ang tinaunang pagbabago
ng persentahe sa pangkalahatang indeks ng presyo. Dahil nagkakaiba ang antas ng
pagtaas ng mga presyo sa mga sambahayan, kadalasang ginagamit ang indeks ng
presyong konsumidor(IPK o mas kilala bilang CPI) para sa layuning ito.
Pagsukat ng pagtaas ng presyo
Upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto, ang Consumer Price Index (CPI) ang
karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon. Upang mapadali ang pagsusuri ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin, ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong palagiang kinukonsumo ng
mga tao na nakapaloob sa basket of goods o tinatawag ding market basket. Tinitingnan ang halaga ng
mga produktong ito upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago sa presyo. Mula sa market basket,
nabubuo ang price index na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago ng mga presyo
sa lahat ng bilihin. Depende sa uri ng bilihin na gustong suriin ang price index.
Iba’t
• GNP Deflator o GNP Implicit Price Index. Ito ang average price
index na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang
GNP(Gross National Product) at masukat ang totoong GNP. Sinusukat

Ibang
nito ang pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at
serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
• Wholesale o Producer Price Index (PPI). Ang wholesale ay
tumutukoy sa maramihang pagbili ng mga produkto, samantalang ang

Uri ng retail ay ang pagbili ng produkto nang tingian. Ito ang index ng mga
presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga
produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.

Price • Consumer Price Index (CPI). Ang panukat na ginagamit sa pagtatala


ng presyo ng mga produkto at serbisyong nabili ng mga mamimili.
Ang presyo at dami ng produktong madalas kinukonsumo ng bawat

Index
pamilya na nasa loob ng market basket ang batayan sa pagkompyut ng
CPI.
Makukuha ang total weighted price sa pagsasama - sama ng presyo ng mga produkto

• Ang TWP para sa lahat ng produkto noong 2015 ay Php 605.00.


• Ang TWP para sa lahat ng produkto noong 2016 ay Php 705.00.
• Ang TWP para sa lahat ng produkto noong 2017 ay Php 810.00.

Upang makuha naman ang consumer price index, gamitin ang pormula sa ibaba. Pagbatayan ang
talahanayan sa itaas at gamitin ang taong 2015 bilang batayang taon.

Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon


CPI = x 100%
Total Weighted Price ng Basehang Taon
Batay sa naturang formula ang consumer price index ng taong 2016 ay

TWP NG 2016
CPI 2016 = x 100%
TWP NG 2015
705
CPI 2016 = x 100%
605
CPI 2016 = 1.1653 x 100 %

CPI 2016 = 116.53 % .

Ang CPI para sa taong 2016 ay 115.70. Para naman sa taong 2017:
TWP NG 2017
CPI 2017 = x 100%
TWP NG 2015
810
CPI 2017 = x 100%
605

CPI 2017 = 1.3388 x 100%

CPI 2017 = 133.88% .

You might also like