You are on page 1of 15

ARALIN 4

Ang Epekto ng
Migrasyon sa
Pamilyang
Pilipino
GAWAIN 3 Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap
upang masukat ang iyong napag-aralan ukol sa paksa. Gawin
ito sa hiwalay na papel.(1/2 CROSSWISE)
1. Ang migrasyon ay tumutukoy
sa_________________________________________
2. Maraming mga Pilipino ang nangingibang-bansa dahil sa iba’t ibang
kadahilanan. Isa marahil sa pinakamabigat na dahilan ay
ang________________________________________
3. Ang isa pang dahilan ng migrasyon ay
____________________________________________
4. Isa sa mga mabubuting epekto ng migrasyon ay
____________________________________________
5. Isa sa mga di-mabubuting epekto ng migrasyon
ay__________________________________________
Kahulugan ng MIGRASYON
Ayon sa UP Diksyonaryong
Filipino (2010), ang migrasyon
ay nangangahulugang
pandarayuhan. Nagaganap ito
kapag ang isang tao o
pangkat ng tao ay umaalis sa
isang lugar para pumunta sa
iba pang lugar.
KASAYSAYAN NG MIGRASYON SA
PILIPINAS
• Ang mahabang kuwento ng
migrasyon sa Pilipinas ay
mababakas sa pakikipag-
ugnayan, ekonomiya, at
kultura nito. Ang Pilipinas ay
itinuturing ding bansa na may
pinakamalaking bilang ng
mamamayang nandarayuhan.
Mga Pangunahing Dahilan (ayon sa
Soroptimist International (1994)
• Edukasyon ng mga anak (80.7%)
• Mas mataas na sahod (63.3%)
• Makabili ng bahay at lupa (50.0%)
• Pambayad ng mga utang (31.3%)
• Para sa pangkapital sa negosyo (29.3%)
• Makabili at makapundar ng mga ari-arian (17.3%)
• Iba pang pang-ekonomikal na pangangailangan
(22.0%)
EPEKTO NG MIGRASYON SA PAMILYANG PILIPINO
• Ang mga sumusunod ay mga epekto ng
migrasyon sa pamilyang Pilipino ayon kay
Añonuevo et. al. 2008:
1. Mga pagbabago sa pagpapahalaga at paraan
ng pamumuhay.
• ang pandarayuhan ng mga Pilipino ay may
malaking epekto sa pamilya. Sa kagustuhan ng
mga magulang na mabigyan ng magandang
buhay ang kanilang mga anak, may mga
sitwasyon na hindi natatamasa ng mga anak ang
pagmamahal ng isang magulang.
• Nagbabago ang pagtingin nila sa
konsepto ng pamilya kung saan ang ina
ay nariyan para maging law ng tahanan.
Hindi basta- basta nasabi ng mga anak
ang kanilang problema.
• May ilan namang nagiging rebelde dahil
sa wala ang mga magulang sa
mahahalagang araw na sana ay buo ang
pamilya. Lumalaki rin ang mga anak sa
mga bagay na maluho. Ito ay dahil sa
mga gamit na ipinadadala ng mga
magulang tulad ng gadget, damit, at
marami pang iba.
•Sa halip naman na
makapagsilbi ang mga
Pilipino sa kanilang bayan sa
pamamagitan ng paggamit
ng kanilang pinag- aralan sa
sariling bansa, sa ibang
lupain nila ito ginagamit.
2. Mabagal na pag-unlad ng aspektong
pangkaisipan at panlipunan ng mga anak.
• Sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata ng mga anak ay higit nilang
kakailanganin ang gabay at tulong ng
magulang.
• Mas mainam kung ang mga magulang ay
handang gumabay sa panahong nalilito
at maraming tanong ang mga anak
kaugnay ng pagbabagong pisikal at
pisyolohikal na nagaganap sa kanilang
sarili.
2. Mabagal na pag-unlad ng aspektong pangkaisipan
at panlipunan ng mga anak.
• Subalit ito ay imposibleng
mangyari kung ang mga
magulang ay nasa ibang bansa
upang magtrabaho. Bunsod nito,
maaaring magkaroon ng maling
pagpapasiya, pagkalulong sa
bisyo, pagkagumon sa
pakikipagbarkadaang mga anak.
3. Maaaring magbunsod ng pagkawasak
ng pamilya at paghina ng pamilya bilang
institusyon ng lipunan.
• Ang pagkalayo ng mag- asawa sa isa't
isa ay maaaring maging sanhi upang
tumabang ang kanilang pagtitinginan.
Dahil sa layo ay may mga pagkakataong
hahanap ng pupuno sa kaniyang
pangangailangan ang isang may asawa
na at nagkakaroon ng puwang ang
anumang tukso na posibling di
maglalaon ay makalilimot na may iniwan
4. Nagbabago ang konsepto sa pamamagitan g
tradisyonal at transnasyonal na pamilya.
• Sa kulturang Pilipino, namulat tayo sa
tradisyonal na set-up ng pamilya kung
saan ang ama ang pangunahing
tumutugon sa pangangailangan ng
pamilya. Siya ang nagtatrabaho para
maibigay ang pangangailangan ng
pamilya. Ang ina ay nariyan upang
tiyakin ang kaayusan ng tahanan.
Nagsisilbi rin siyang gabay ng mga
anak.
• Sa pamilyang transisyonal naman
ang asawang babae ay katulong ng
asawang lalaki sa paghahanap-buhay.
Kadalasan ang mga babae ay
nangingibang bansa upang
magtrabaho at sa kagustuhang
maibigay rin ang pangangailangan ng
pamilya. Dahil dito, nawawalan ng
pagkakataon ang ina na gabayan ang
kaniyang mga anak. Nagbabago ang
konsepto kaugnay ng pagiging ilaw ng
5. Nagkakaroon ng puwang sa komunikasyon
sa pagitan ng mga magulang at mga anak at
bise bersa.
• Dahil sa pandarayuhan ay sumisibol ang
puwang sa pagitan ng mga anak at
magulang. Nagkakaroon ng hirap sa
pakikipag-unagayan ang mga magulang at
anak. Hindi basta-basta nakapagbabahagi
ang mga anak sa magulang. Bagaman dahil
sa pag-unlad ng teknolohiya ay nariyan ang
mga bagay na maaaring magamit sa
pakikipag-ugnayan. Hindi mapapalitan ng
skype, video call, chat, at marami pang iba
ang pag-uusap ng anak at magulang nang
harapan.
MGA HAMON NG MIGRASYON: HARAPIN NATIN

• Ang mga sumusunod ay mga hakbang upang maging handa ang


pamilyang Pilipino sa mga hamon ng migrasyon ayon kay Dr. Marie
Aganon (1995).
1. Pagbuo at pag-organisa ng mga counseling centers.
2. Paggabay at paghubog ng mga pagpapahalaga at birtud ng mga
anak.
3. Pakakaroon ng pangkabuhayan OFW. programang para sa mga ofw
4. Pagbigay ng puhunan sa mga OFW na gustong magnegosyo, ay ang
pagpapatupad ng R.A. 8042

You might also like