Professional Documents
Culture Documents
Fe 694770102 e
Fe 694770102 e
Wika
Antas ng Wika
Ang wika ay mahalaga sa lipunang ating
ginagalawan.
Ito ang ginagamit natin sa pang-araw- araw na
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ayon kay Tumangan (1986), ang wika ay
mahalagang bahagi ng Lipunan sa dahilang ito
ang kasangkapang kailangan sa
pakikipagtalastasan.
DI-PORMAL NA
WIKA
Ang mga wikang madalas nating ginagamit ang
nasa kategoryang di-pormal.
KOLOKYAL
Ito ang unang antas ng wika at ang ginagamit
natin sa araw-araw na pakikipag-usap. Hindi
ito kinakailangang nakasunod sa estruktura at
mga alituntunin ng balarila.
BALBAL
Ikalawang antas ng di-pormal na wika ang
balbal. Ito ang mga salitang nagbabago ang
kahulugan sa paglipas ng panahon. Madalas
itong naririnig na ginagamit sa lansangan.
BALBAL
May katumbas itong slang na salita sa ingles at
itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
Singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong salita.
Ito ang pagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika.
Itinuturing ding pinakamababang antas ng wika na
karaniwang ginagamit sa lansangan.
Mga Halimbawa:
BALBAL KAHULUGAN
1. PARAK PULIS
3.ISTOKWA NAGLAYAS
4. JUDING BAKLA
5. LOBAT LUPAYPAY
6. TIBOLI TOMBOY