You are on page 1of 3

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Hindi maaaring kulungin sa iisang kahulugan lamang ang wika, ngunit sinumang bihasa
sa pag-aaral nito ay sasang-ayon kung sabihing isa itong kakayahan ng tao nagagamit
sa pagkalap at pagbabahagi ng kaisipan, damdamin, at anumang naisin niya. Gamit ang
mga simbolo at kaparaanang napagkasunduan ng isang partikular na grupo, nagagawa
ng mga partisipant na makipag-unayan sa isa’t isa upang makamit ang isang layunin.
Bukod pa rito, nagbigay rin ng kanilang pakahulugan ang mga sumusunod na eksperto
hinggil sa wika.
“Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at tuntunin nito ay hindi
natitinag, ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha ay malaya at
nagkakaiba-iba. Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salita ay kinasasangkutan
ng proseso ng malayang paglikha.” – Noam Chomsky
“Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika ay praktikal na kamalayan na umiiral
din para sa ibang tao...ang wika, gaya ng kamalayan, ay lumilitaw lamang dahil kailangan,
dahilan sa pangangailangan sa pakikisalamuha sa ibang tao.” – Karl Marx
“...habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika, pinangangalagaan niya
ang marka ng kanyang kalayaan, gaya ng pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan
habang pinanghahawakan niya ang sariling paraan ng pag-iisip.” – Jose Rizal
“Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y patungo sa kanyang
isip. Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y patungo sa kanyang puso.” – Nelson
Mandela
“Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng tao para sa komunikasyon”. - Henry Gleason

Gamit ang mga depinisyong nabanggit, maaaring bigyang-kahulugan ang wika bilang:
 Nagtataglay ng sistemang balangkas
 Sinasalitang tunog
 Arbitraryo
 Kabuhol ng kultura
 Dinamiko
 Makapangyarihan
 [Lahat ng wika ay] pantay-pantay

Wika
 Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng
mga tao.
 Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at
interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o
naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas.
 Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo
Dizon)
 Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Ito ay mula sa
pinagsama-samang makabuluhang simbolo, at tuntunin ay ay nabubuo ang mga
salitang nakapagpapahayag ng ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong
ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa. Ito ay
mula sa salitang Latin na lingua na nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe”
 Ayon kay Engr.John Rommer Carabal, ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na
batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat. Halimbawa: Tagalog, Ilokano, Cebuano, Bikolano, atbp.

Wikang Pambansa
- ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
- ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang
pagkilanlan ng isang lahiat/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa
politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa.
Halimbawa: maganda, malaya, asawa, paniwala, sabaw, pera

Wikang Panturo
- ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
- Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga
mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang
Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother
Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
- Halimbawa: ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya ay hinati upang
ang isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles.
Bukod sa asignaturang wika at panitikang Filipino, ang mga klase sa Araling
Panlipunan ay gumagamit ng Pilipino bilang wikang panturo. Bukod naman sa
asignaturang wika at panitikan sa Ingles, ang mga klase sa Matematika at Agham
ay Ingles ang wikang panturo.

Wikang Opisyal
- ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
- Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging
istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang
wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't
hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga
dokumento ng gobyerno. Halimbawa: Tagalog, Ingles, French, Indian, atbp.
GAWAIN 1. Malaki ang ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng mga tao.
Sa loob ng radial circle, isulat ang kahalagahan ng wika sa ating pakikipag-ugnayan sa
kapwa.

GAWAIN 2. Magsaliksik ng 10 salita sa Filipino na may ibang kahulugan kung sa ibang


rehiyon gagamitin. Sundan ang halimbawa sa ibaba.
Salita Kahulugan ng Lugar Kahulugan ng
Salita sa Filipino Salita sa Tiyak na
Lugar
Taya Pusta Cagayan de Oro Kalawang

You might also like