You are on page 1of 1

Pasulit

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ito ay kinapapalooban ng ano mang itinakdang gawaing pasulat sa isang setting na


akademiko. – Akademikong pagsulat
2. Ito ay isang katangian ng akademikong pagsulat na tumutukoy sa paggamit ng wikang
walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal. – Balanse
3. Ito ay isang katangian ng akademikong pagsulat na tumutukoy sa paggamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensiya upang suportahan ang katotohanan. – Ebidensiya
4. Ito ay isang katangian ng akademikong pagsulat na tumutukoy sa paggamit ng mga
impormasyon na nakabatay sa katotohanan lamang. – Katotohanan
5. Ito ay isang katangian ng akademikong pagsulat na tumutukoy sa paggamit ng mga angkop
na bokabularyo o mga salita. – Wasto
6. Ito ay isang layunin ng akademikong pagsulat na tinatawag ding analitikal na pagsulat.
– Mapanuring Layunin
7. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika. Tama o mali? – tama
8. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip. Tama o mali? – Mali
9. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon. Tama o mali? – Tama
10.Ang mga akdang kagaya ng tula, dula, at maikling kwento ay halimbawa ng akademikong
sulatin. Tama o mali? – Mali
11.Ito ay uri ng akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng
mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong – Katitikan ng Pulong
12.Ang akademikong sulatin na ito ay isang koleksyon ng mga imahe na inilalagay ng
magkakasunod upang ipahayag ang mga pangayayari, damdamin, at konsepto. – Photo Essay
13.Ang _____________ ay isang masining na pagpapahayag tungkol sa isang mahalaga at
napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. – Talumpati
14.Ang _____________ ay isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw
at damdamin sa isang partikular na pangyayari. – Replektibong Sanaysay
15.Ito ay isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago ang
introduksiyon. - Abstrak

You might also like