You are on page 1of 15

Magandang umaga

grade-4 charity!
LAYUNIN:
a.Natutukoy ang isang mamamayan sa isang
bansa.
b.Nakilala ang mga katangiang bumubuo sa
pagkamamamayan ng Pilipino.
c.Naipakita ang kahalagahan ng pagka-
mamamayan sa pagpapaunlad ng bansa.
Paghahawan ng balakid
• Bansa - ay lugar o teritoryo na may
naninirahang mga grupo ng tao na
may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung saan makikita
ang iisa o pareparehong wika,
pamana, at lahi.
•Pilipino -ang mga Pilipino ay mga
mamamayan ng Pilipinas na
ipinanganak sa Pilipinas at may
mga magulang na Pilipino o mga
taong naging mamamayan ng
Pilipinas ayon sa batas
(naturalized).
•Dayuhan - mga pangkat o
indibidwal na nagmula sa
ibang bansa, maaaring dahil
sa negosyo o bumibisita
lamang.
Ang Pagkamamamayang Pilipino
Pagkamamamayan - ay nanga-
ngahulugan ng pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon
sa itinakkda ng batas.
Halimbawa:
Ang mga dayuhang naninirahan sa
ating bansa upang mag-aaral
,mamasyal, o makipagkalakal at hindi
nasasaklaw sa artikulo IV, sekyon 1
ng Saligang Batas ay hindi
maituturing na pilipino dahil sila ay
mamamayan ng ibang bansa.
Ayon sa Artikulo IV, seksyon 1 ng Sali-
gang Batas ng 1987, maituturing na ma-
mamayang pilipino ang mga sumusunod:
Mamayan ng Pilipinas nag ipinagtibay
ang Saligang Bastas ng 1987 noong
Pebrero 2, 1987.
Ang ama o ina ay Pilipino
Mga mamamayang isinilang bago
sumapit ang enero 17, 1973 sa mga
inang Pilipino na pinili ang
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng
21 taong gulang.
Mga dayuhang nagpasyang maging
mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalisasyon.
-Ayon sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas
ng 1987 ang isang mamamayang ng
Pilipino na nakapag-asawa ng isang
dayuhan ay mananatiling isang Pilipino
maliban na lamang kung pinili niyang
sundin ang pagkamamamayan ng
kaniyang napangasawa.
Sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng
Pang. Gloria Macapagal Arroyo noong
Setyembre 17, 2003, ang dating
mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa
pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayan
Pilipino.
•Dalawang Uri ng Mamamayang
Pilipino.
1. Likas o Katutubong Mamamayan -
Ang likas na mamamayan ay anak ng
isang Pilipino.
Maaaring isa lamang sa kaniyang
mga magulang o pareho ang Pilipino.
•Naturalismong Mamamayan- Ang
naturalisadong Pilipino ay mga dating
dayuhan na naging mamamayang Pilipino
dahil sa proseso ng naturalisasyon.
Ayon sa commonwealth act. No. 475, ang isang dayuhan
ay maaring maging mamamayang pilipino sa
pamamagitan ng naturalisasyon.
Naturalisasyon - ay isang legaal na paraan para sa
isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang
baansa na sasailalim sa isang proseso sa korte o
•Mga Katangian ng Isang Dayuhan na
nais Maging Naturalisadong Pilipino
 Siya ay dalawampu't isang taong
gulang na.
Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang
tuloy-tuloy sa loob ng sampung taon.
Ito ay maaaring maging limang taon na
lamang kung:
Siya ay may mabuting pagkatao.
 Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas
May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian
sa Pilipinas.
Nakapagsasalita at nakakasulat siya ng wikang
pilipino.
Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino.
Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang
nagtuturo ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

You might also like