0% found this document useful (0 votes)
36 views11 pages

2nd Summative Test

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
36 views11 pages

2nd Summative Test

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN-6
I. Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang kaisipang
tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat sa puwang
ang titik ng tamang sagot.
___ 1. Pagbabago ng isang lipunan mula sa
mga pinapahalagahang pang-relihiyon patungo
sa mga pinapahalagahang hindi pang-relihiyon
at mga sekular na institusyon. Masasabi din na
ito ay ang pagsasa-Filipino ng mga parokya.
___ [Link] nagsasanay sa seminaryo upang
mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas. Sila ay
nasailalim ng pamamahala ng mga obispo at
walang kinabibilangang orden kumpara sa mga
paring regular.
___ 3. Sila ay mga paring misyonero na naglalakbay
sa iba’t-ibang lugar upang magpalaganap ng
Kristiyanismo hal. Agustino, Heswita, at
Dominikano.
___ 4. Ang naging dahilan sa pagbitay sa garote sa
tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, José
Burgos, at Jacinto Zamora, o maskilala bilang
GomBurZa.
___ 5. Pangunahing layunin ng kilusang ito ang
bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa sistemang
kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa paraang
panulat.
___ 6. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang
Propaganda
___ 7. Si Rizal ay tinuligsa dahil sa dalawang
akda na ito na kanyang isinulat. Inilahad sa mga
akda na ito ang kasamaan ng mga prayle at
kabulukan ng sistema ng pamahalaan ng mga
Español.
___ 8. Samahang itinatag ni Rizal noong Hulyo
3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas. Layunin
ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino
sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan
___ 9. Siya ang naguna sa pagkakatatag ng
“Kataastaasan, Kagalanggalangan na Katipunan
ng mga Anak ng Bayan” (K.K.K. ng mga A.N.B.),
o ang Katipunan.
___ 10. Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag
na _______. Ayon sa opisyal na pananda ng
pangkasaysayan, naganap ito noong Agosto 23,
1896 sa PugadLawin sa dating Kalookan na
ngayo’y Lungsod Quezon.
II. Panuto: Isulat sa puwang sa unahan ng bilang ang
TAMA kung wasto ang saad na kaisipan sa pangungusap
at MALI naman kung hindi wasto.
________ 1. Ang Sigaw sa PugadLawin na naganap
noong ika-23 ng Agosto ay simula ng himagsikan ni Gat
Andres Bonoifacio, ang ama ng Katipunan, at ng iba
pang rebolusyonaryo laban sa mga mapanupil na
Kastila.
________ 2. Ang pagpunit ng cedula ng mga
Katipunero ay sumisimbolo sa hindi na pagkilala ng mga
ito sa kapangyarihan ng mga Amerikano sa Pilipinas.
________ 3. Ang Suez Canal ay matatagpuan sa Saudi
Arabia.
________ 4. Nagkaroon ng Kumbensiyon sa
Imus noong Disyembre 31, 1896 na naglayon
na pagkasunduin ang dalawang pangkat ng
mga Katipunerong Magdalo at Magdiwang, at
ito ay naging matagumpay.
________ 5. Dahil sa hindi nagustuhan ang
pagtutol ni Tirona, isang araw matapos ang
halalan na ginanap sa Kumbensiyon sa Tejeros,
ay dineklara ni Bonifacio na walang bisa ang
naganap na halalan.
________ 6. Sa dokumentong“Naik Military
Agreement”na nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio,
muli niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de
Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang
Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng
pag-angkin din sa puwesto ni Heneral Emilio
Aguinaldo.
________ 7. Hinatulan ng kamatayan ng Consejo de
Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio
Bonifacio dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang
pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio
Aguinaldo.
________ 8. Napilitan si Aguinaldo na ipapatay si
Bonifacio alang-alang sa kapanatagan ng bayan.
________ 9. Ang kinikilalang kauna-unahang
republikang naitatag sa Pilipinas, ang Republika ng
Biak-na-Bato, ay nagtagal lamang ng ilang buwan dahil
sa naganap na kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan
ni Aguinaldo at ng mga mananakop noong Disyembre
15, 1897.
________ Napagbintangan ng mga Kastila sina
Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre
Jacinto Zamora na kasama sa pag-aalsa at sila ay nilitis
pinatay.
III. PAGPAPALIWANAG (5-Punto)
Batay sa Naic Military Agreement, Si
Bonifacio ay tumiwalag sa pamahalaan ni
Aguinaldo. Ang mga sumunod na pangyayari
pagkatapos ay nagbunga ng hatol na kamatayan
sa magkapatid na Bonifacio.

Makatarungan ba ang ginawang


kaparusahan sa magkapatid na Bonifacio?
Bakit?
_____________________________________
_______________________________________

You might also like