You are on page 1of 5

Buhay-Kuting: Iba't Ibang Anyo ng Pasyon sa Pilipinas Introduksiyon Ang panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila (1565-1897) ay masasabing

nagtataglay ng relihiyosong karakter dahil na rin sa Kristiyanisasyon sa ating bansa. Kaya naman, karamihan sa mga obrang nagawa sa panahong ito ay madalas na katesismo, manwal ukol sa pangungumpisal, libro ng balarila at mga talahulugan. At dahil ang naunang panahon ay oral pa lamang ang anyo ng literatura, nang itala ito ng mga prayle ay nahaluan na ito ng tema ng Kristiyanismo.1 Isa sa mga naging pinaka-popular na anyo ng pang-relihiyong panitikan ay ang pasyon, na isang mahabang tulang naratibo ng buhay ni Hesus. Madalas ay isinusulat ito sa anyong quintilla kung saan sa bawat saknong ay mayroong limang linya na nagtataglay naman ng wawaluhing silabiko. Samantalang ang ibang anyo naman nito ay ang plosa o apat na linya na may lalabindalawahing silabiko ang bawat saknong. Parehong asonantal ang tugmaan ng dalawang anyong ito (paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig). Layunin ng reaksiyong papel na ito na talakayin kung paano nga ba naimpluwensiyahan o napakinabangan ng mga makata ang materyal na pasyon sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng historikal na tala ng mga nailimbag na bersiyon nito sa ating bansa. Kasabay nito ay ang pagbibigay ng sariling interpretasyon ayon sa sariling pagkakaunawa sa mga datos. Kasaysayan ng Pasyong Pilipino Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola (Holy Passion of Our Lord Jesus Christ in Verse) ni Gaspar Aquino de Belen ang sinasabing pinakaunang tagalog na pasyon na nailimbag noong 1703 0 1704. Ang bersyong ito ni Aquino de Belen ay nag-umpisa sa Huling Hapunan at nagtapos naman sa kamatayan bilang isang martir ni Longinus. Noong 1814 naman ay nagkaroon ng panibagong bersiyon ng pasyon, ang Casaysayan nang Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin na Sucat Ipag-alab nang Puso nang Sinomang Babasa (The Story of the Holy Passion of Our Lord Jesus Christ That Should Inflame the Heart of the Reader). At dahil nag-umpisa ito sa Paglikha ng Tao sa Aklat ng Henesis at nagtapos naman sa Huling Paghatol sa mundo, mas nakilala ito sa tawag na Pasyong Genesis. Nagkaroon pa ng ikatlong bersyon ang tagalog na pasyon noong 1852, ang El Libro de La Vida: Historia Sagrada Con Santas Reflexiones y Doctrinas Morales Para La Vida Cristiana En Verso Tagalo (The Book of Life: Sacred History with Pious Reflections and Moral Teachings for the Christian Life Written in Tagalog Verse) na isinulat ni Aniceto de la Merced. Mas kilala ito sa tawag na Pasyong de la Merced o Pasyong Candaba.

Balarbar, Corazon et. al.,Gems in Philippine Literature (National Bookstore Inc.,1989), p. xxiv.

Ang tatlong teksto na ito ng pasyon ay naglalaman ng aral tungkol sa moralidad at Kristiyanong pamumuhay. Halimbawa nito ay ang aral ng Pasyong Genesis matapos matagpuan si Hesus sa templo nang siyas mawalay sa piling nina Jose at Maria. Itinuturo nito ang pagiging masunurin at lapit ng anak sa magulang dahil sa sakripisyong ginagawa ng magulang para sa anak. Hindi umano ito masasabing basta-basta na lamang na pagsasalin ng Espanyol na bersyon ng pasyon sa Tagalog sapagkat nagbago na mismo ang teksto ng pasyon dahil sa paglalapat ng mga Pilipinong makata ng sarili nilang sensibilidad sa mga tauhan nito. Dagdag pa rito, dahil sa taglay na kasikatan ng Pasyong Genesis, naisalin ito sa ibat ibang dialekto ng mga lalawigan sa ating bansa. Ilang naitalang pagsalin ay sa dialektong Pangasinense, Bicolano, Ilocano, Ilonggo, Waray, Pampango, Sambal, Ibanag at Cebuano. Sa Pampanga pa nga, naging kaugalian ang pagpapagawa ng sariling espesyal na pasyon ng isang partikular na pamilya sa mga makata sa kanilang lugar. Isang halimbawa nito ay ang David Codex. Sa mga nangyaring pagsasalin na ito ng pasyon, hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng pagpapakahulugan sa ibang pangungusap (paraphrasing), pagdaragdag ng mga kuwento mula sa bibliya na hindi naman naisama sa naunang bersyon at pagkakaiba-iba ng simula at wakas mismo nito. Pasyon Bilang Instrumento ng mga Politikal na Ideolohiya Dahil nga sa kasikatan ng pasyon, ginamit ito bilang bihikulo ng mga kaisipang ipinaglalaban ng ilang manunulat laban sa konseptong ipinasok sa atin ng mga Kastila - na isang Hesus na maaamo at sunud-sunuran na siyang naging modelo nating mga Pilipino. Isa sa mga naunang halimbawa nito ay ang sinulat ni Marcelo H. del Pilar noong 1885 na Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupitan nang Fraile, na isang patutya o nakakatawang imitasyon ng Pasyong Genesis na may layuning isiwalat ang pang-aabuso ng mga prayle. Noong 1935 naman, sinulat ni Pascual Poblete ang Patnubay ng Binyagan na halaw sa Pasyong Candaba at dagdag na berso mula sa Pasyong Genesis, ngunit binago niya ang mga aral nito upang ikonekta sa mga kasalukuyang pambansang isyu noon. Halimbawa nito ay ang kataksilan ni Hudas, ang kanyang pagtanggap ng kabayaran ay inihantulad ni Poblete sa 20 milyong dolyar na tinanggap ng Espanya mula sa Amerika bilang bayad-pinsala ayon sa nangyaring Kasunduan sa Paris noong 1898. Itinuring naman na reinkarnasyon ni Hesus si Rizal sa Pasiong Pilipino: Ang Buhay at HIrap ng Ating Dakilang Martir na si Dr. Jose Mercado Rizal na isinulat ni Nicasio L. Geronimo. Ang akda naman ni Julian Leguro ay ang Tonco del mundo o ang Pasyong Truncalis na nagtatalakay ng mga esoterikong kaalaman sa miyembro ng kanilang samahan.

Noong 1934 naman, inilimbag ni Joaquin Maibo ang Pasion nang Bayan sa Kahapo't Ngayon na may temang nasyonalismo dahil sa pagtalakaay sa umano'y mapayapang buhay ng mga Pilipino bago ang mga naging pananakop, ang pagkawasak na sanhi ng Kastila at ng Amerika, at ang pagkakanulo sa interes ng masa ng mga makasariling pulitiko tulad nina Quezon, Roxas at Osmea. Samantala, ang pinakamapangahas at pinaka-orihinal naman na pasyong politikal ay inilathala noong 1936 ni Lino Gopez Dizon na Pasion ding Talapagobra, I Cristo Socialista Ya (Passion of the Worker) o mas kilala sa bansag na Pulang Pasyon dahil sa paglalantad nito ng mga katiwalian sa lipunan at panawagang baguhin ang bulok na sistemang kapitalismo. Tulad ng orihinal na pasyon, ang Pulang Pasyon ay nasa anyong dalit (tulang may walong pantig bawat taludtod) at may limang taludtod bawat saknong. Nasusulat ito sa Kapampangan, merong 794 na saknong (3,970 taludtod) at binubuo ng tatlumpung kabanata. Umaabot ito ng 108 pahina kung saan ang orihinal na bersyong Kapampangan ay may katapat na salin sa Tagalog. Sa haba nito, halos dalawang araw itong inaawit sa Pabasa pag mahal na araw. Sa Pulang Pasyon, ang manggagawa ang bagong Kristong nagpapasan ng krus ng kahirapan, na nananawagan ng pagkakaisa ng uring manggagawa at pagbabalikwas laban sa kapitalismo.2 Naging malaki ang ambag nito upang lumaganap ang sosyalismo sa bansa. Muli na itong nasundan noong 1976 sa ilalim ng rehimeng Marcos, na nilikha ni Francisco Soc Rodrigo matapos ang kanyang naging detensiyon bilang isang political prisoner. Pinamagatan niya itong Si Kristo ay Rebelde kung saan binigyang-diin niyang si Hesus, sa halip na tila mahina o walang tapang na siyang inilalarawan ng mga naunang pasyon, ay marunong lumaban at manindigan para sa katarungan. Tinutukan ng bersyong ito ni Rodrigo ang mga berso sa Bibliya na tila kinalimutan na o hindi nabigyang pansin ng mga tao. Deribasyon ng mga Makata ng Pasyon Maraming mga makatang Pilipino ang ginamit din ang pasyon bilang inspirasyon ng kanilang mga sariling akdang pampanitikan kung saan ang imahe nito, ang mga tauhan, ang istorya at ang porma ay maaaring naaayon o sumasalungat sa ideya ng pasyon. Isa na rito ay ang Pasyong Mahal ni San Jose ni Jose F. Lacaba (ca 1971), na gumamit ng anyong quintilla sa tatlong saknong na monologo ng karpinterong si Jose na siyang noo'y kasintahan ni Maria. Narito ang tala ng tula ni Lacaba:
Matay na niyang isipin ang kabuntisan ng Birhen anopat babaling-baling walang matutuhang gawin, ang loob niyat panimdim.

Pulang Pasyon (Pasyon ng mga Manggagawa) ni Gregorio V. Bituin Jr. (Pahayagang Obrero, Marso 2004, pahina 7).

Pait, katam at martilyo, ibubulong ko sa inyo ang masaklap kong sikreto: hindi ko pa inaano ay buntis na ang nobya ko. Ang sabi ng anghel, wala akong dapat ikahiya, walang dahilang lumuha; dapat pa nga raw matuwa pagkat Diyos ang gumahasa. Martilyo, katam at pait, makukuha bang magalit ng karpintero? Magtiis. Ang mahina at maliit, wala raw laban sa langit.

Naging kontrobersiyal ang isa mga taludtod ng tulang ito na - pagkat Diyos ang gumahasa dahil offensive na mga salita umano ito sa relihiyong Kristiyanismo. Ngunit sa isang interbyu na isinagawa ni Carmela Lapena ng GMA News noong Nobiyembre 30, 2011 para sa kanyang artikulong When literature offends: authors speak up, nagbigay paliwanag si Lacaba: "Ibig sabihin, patama sa mga, kung sa salitang aktibista, sa mga naghaharing uri. Hindi diyos na Diyos kung di mga diyos ng ating lipunan. So merong deliberate na pinapatamaan.3 Bukod dito, isa pa sa akdang pinabasa sa amin ay ang maikling kuwento ni Wilfredo Pa. Virtusio na Maria, Ang Iyong Anak kung saan ginamit ang persona nina Jesus, Maria at Jose bilang mga tauhan na bumubuo sa isang pamilya noong kasagsagan ng pamumuno ni Marcos. Kung susuriin ang akda, pagkamulat ng isang ina ang tema ng Maria, Ang Iyong Anak ni Virtusio. Napaliting makisosyo ni Maria sa tiwaling pulis para mapaaral lamang ang anak na si Jesus. Naging kolektor si Maria ng tong ng pulis. Nakatira sila sa Looban at nais niyang mahango si Jesus sa lugar na ito. Mag-isa itong binuno ni Maria dahil ang asawang si Jose ay biktima ng karahasan. Natagpuan itong lumulutang sa estero, basag ang bungo, pinapatay ng Intsik na galit sa kanya dahil siya ang pinuno ng unyon ng mga manggagawa sa kanilang pabrika. Hindi mapigil ni Maria ang paghinto sa pag-aaral ni Jose. Ang anak niya ay naging aktibo sa kilusan. Laman ito ng mga DG at naging manunuri ng lipunan. Ipinaliwanag ni Jesus ang kaniyang prinsipyo: labanan ang pang-aapi, ipalaganap ang demokrasya sa lahat, at tapusin ang karahasan ng mga pulis at poltiko. Nagwelga rin sila sa Plaza Miranda para labanan ang reaksiyonaryong simbahan. Nasaksihan ni Maria ang karahasan ng mga pulis sa kabataan. Sa
3

Nakuha mula sa website ng GMA News http://www.gmanetwork.com/news/story/240131/lifestyle/literature/when-literatureoffends-authors-speak-up. Araw ng pagsipi - Hulyo 13, 2012.

kaniyang panaginip, pinaliligiran sila ng mga baboy-ramo, lobo, at buwaya. Ito ang simbolo ng mga kaaway. Sa huliy matatagpuan niya ang anak na bangkay sa ilalim ng tulay ng Mendiola. Konklusyon Makikita sa mga talang iyan pa lamang kung paanong yumabong ang kaisipan ng mga makatang Pilipino mula sa simpleng pasyon na nagsasalaysay ng buhay ni Hesus hanggang sa paghulma nito sa iba't ibang kaanyuan bilang repleksiyon ng mga nasiyonal na isyu na kinaharap ng ating bansa. Kung isasalarawan ko ito, masasabing sa umpisa ay tila isang kuting ang pasyon nating mga Pilipino. Isang kuting na itinuturing lamang na simpleng anak ng kanyang Ina. At ang mga makatang Pinoy ay tila isang inosenteng bata na labis na natuwa sa kuting na ito. Ang kanyang naging unang pananaw ay maamo at 'di makabasag-pinggan ang kuting. Kanya itong paglalaruan kasama ng kanyang mga kaibigan. At sa paglalaro nilang ito ay matutuklasan nila na marunong rin pa lang mangalmot ang kuting. Kanila itong patuloy na paglalaruan, hanggang sa ito'y maging isa nang ganap na pusa. Sa paglaking ito ng kuting ay kayraming pagbabago itong naranasan. Nariyang nabalian ito ng paa dahil sa labis na paglalaro ng mga bata, nariyang nalapnusan ito ng balat dahil sa kakulitan ng mga bata at nariyan naman pininturahan ito at pinagmukhang isang tigre dahil iyon ang ninanais ng mga bata. Sa pagiging ganap na pusa ngayon ng dating kuting na ito, hindi mo na halos makita ang bakas o hawig nito sa kanyang Ina. At sa huli, ang kuting na ito na isa na ngang ganap na pusa ay siya namang manganganak ng mga panibagong kuting. Siyempre, naririyan pa rin ang mga hindi mapigilan sa 'kakulitang' mga batang patuloy na paglalaruan ang mga panibagong silang na kuting. Tulad ng mga makatang Pinoy na siyang gagawa at gagawa ng mga panibagong bersyon ng pasyong Pilipino, o kahit na anong anyo pa man ng obra maestra ito tula, maikling kuwento, awit, kahit ano. Patuloy ang ikot ng buhay ng kuting!
Sanggunian: Lumbera, Bienvenido.Tagalog Poetry:Assimilation and Synthesis.1987. Pasyon. Handouts na ibinigay ng guro

You might also like