You are on page 1of 19

Ano ang STI

ANG Sexually Transmitted Infection o STI ay ibat ibang uri ng impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik ng walang proteksyon
Sino ang Maaring magkaroon ng STI?

Babae Lalaki
*mas madaling mahawahan ng impeksyon ang mga kababaihan. Mas malala rin ang mga komplikasyon sa babaelalo na sa panahon ng pagbubuntis bago at pagkatapos manganak na maaaring ikamatay ng sanggol

Ang mga susunod na pahina ay magbibigay linaw tungkol sa ibat ibang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

CHLAMYDIA
Ang Chlamydia ay isang bacterial infection na lumalabas mula 7-21 na araw matapos mahawahan at kalimitang walang sintomas lalo na sa kalalakihan.

MGA SINTOMAS
Sa

MGA KOMPLIKASYON
Sa babae, Pelvic Inflammatory Disease (PID), ectopic pregnancy, pagdurugo matapos makipagtalik, abnormal na pagreregla, rayuma at pagkabaog

babae, malapot at walang kulay na likido ang lumalabas sa ari Madalas at mahapdi na pag-ihi Mabaho ang amoy Lagnat; abnormal na pagreregla

Sa lalaki, pamamaga ng bayag, pagkabaog, rayuma, pamamaga ng mata (conjuctivitis) kung ang mikroblyo nito ay naipahatid dito, pharyngitis o tulo sa lalamunan

GONORRHEA
Ang mga sintomas ng Gonorrhea ay lumalabas mula 3-9 na araw matapos mahawahan. Itoy isang bacterial infection na kung tawagin ay tulo.

MGA SINTOMAS
Sa babae at lalaki may malapot,

MGA KOMPLIKASYON
Pelvic Inflammatory Disease o PID (pamamaga ng mga tissue sa paligid ng bahay-bata). Ito ang nagiging dahilan ng pagbubuntis sa labas ng matris at matinding kirot sa paligid ng puwerta at pagkabaog. Sa lalaki, pamamaga ng bayag, rayuma at pagkabaog.

mabaho, madilaw at puting nana ang lumalabas sa ari. Madalas at mahapdi na pag-ihi Lagnat; abnormal na pagreregla Pangangati ng ari o puwitan Pamamaga at pananakit ng mata

TRICHOMONIASIS
Ang Trichomoniasis ay isang protozoal infection na lumalabas mula 2-4 na araw matapos mahawahan. Ito rin ay tinatawag na tulo. Ang pagkakaiba nito ay ang uri o tawag sa mikrobyo na kung tawagin ay Trichomonas Vaginalis.

MGA SINTOMAS
Sa babae, madilaw, maberde,

MGA KOMPLIKASYON
Pelvic Inflammatory Disease

makatas, mabula at mabaho ang lumalabas sa ari Madalas at mahapdi ang pag-ihi Matinding pangangati sa paligid ng ari o puwitan sanhi ng parasite Abnormal na pagdurugo

(PID) Scrotal swelling Opthalmitis (pamamaga ng mata) sa mga sanggol na nahawaan

SYPHILIS
Ang Syphilis ay isang kumplikadong sakit na na may tatlong yugto at may kanikanyang sintomas at ibat ibang komplikasyon. Ito ay sanhi ng Treponema Pallidium bacteria.

UNANG YUGTO - lumalabas mula 3-6 na lingo matapos na mahawahan; pagtubo ng malaking singaw (Chanre) sa bibig o sa ari na hindi makati at masakit. Kusang nawawala ang singaw pero ang bakterya ay patuloy sa pagkalat patungo sa ikalawang yugto na tumatagal ng isang buwan. Nakakahawa pa rin ito kahit walang sintomas.

IKALAWANG YUGTO - lumalabas matapos ang unang yugto; pantal-pantal sa buong katawan na parang tigdas na matigas at kumakalat maging sa palad at talampakan, sugat sa bibig, pamamaga ng lalamunan, sakit ng ulo, pamamaga ng kulani, panghihina, lagnat, pananakit ng kalamnan, patsepatseng pagkakalbo.

IKATLONG YUGTO - Sa yugtong ito, lahat ng sintomas ay maaaring lumabas at maramdaman simula 10-30 na taon matapos ang latency period. Ang ilan sa mga sintomas ay malalim na sugat sa ibat ibang parte ng katawan, pagbagsak ng ilong. Ilan sa mga komplikasyon ay pagkabulag, pagkabingi, pagkalumpo at nagsusungki ang mga ngipin, sakit sa buto, anemia, sakit sa puso at utak. Ito ang pinaka-delikadong yugto na maaaring ikamatay at mahirap na itong magamot.

HERPES

Ang Herpes Simplex Virus ay isang viral infection na lumalabas 2-7 na araw matapos mahawahan.

MGA SINTOMAS
Lagnat; kumpul-kumpol na paltos na parang bulutong tubig Sa babae, pangangati/pananakit ng paltos sa loob at labas ng ari Mahapdi ang paltos kung umiihi Masakit ang ari kung nakikipagtalik Makakaranas ng pananakit ng hita, binti at puson Pagkakaroon ng mga sugat sa bukana ng ari at puwitan

MGA KOMPLIKASYON
Kanser sa leeg-leegan ng matris (cervix), pagkabulag, pagkasira ng ulo, pagkabaog, maaaring mahawa at mamatay ang sanggol sa sinapupunan, Pelvic Inflammatory Disease (PID)

GENITAL WARTS

Ang Genital Warts ay lumalabas mula 6-12 buwan matapos mahawahan. Itoy isang viral infection na Human Papilloma Virus (HPVs). Kilala rin ito sa tawag na Condylomata Acuminata.

MGA SINTOMAS
Pangangati kung saan may kulugo na matatagpuan sa loob at labas ng ari Maliliit na butlig sa simula, lumalaki na parang cauliflower habang

MGA KOMPLIKASYON
Kanser sa leeg ng matris
Kanser sa puwit Pagdami at paglaki ng mga butlig

PUBIC LICE
Ang Pubic Lice ay skin parasites (3 mm ang sukat) na kilala sa tawag na Pediculos Pubis. Maaaring mabuhay ang kuto sa loob ng 24 na oras sa labas ng katawan

MGA SINTOMAS
Matinding pangangati sa paligid ng ari lalo na sa gabi Maliliit na sugat sa labas ng ari May mapuputing itlog sa ari Tuldok-tuldok na mantsa ng dugo sa panty o brief

MGA KOMPLIKASYON
Mga sugat na maaaring pasukan ng impeksyon, iritasyon, insomnia, depresyon at sinat.

HEPATITIS B
Ang Hepatitis B ay walang lunas na pamamaga ng atay sanhi ng virus na naisasalin sa pamamagitan ng dugo, laway, tamod, ihi at vaginal juices. Lumalabas ang mga panimulang sintomas nito 2-5 buwan matapos na mahawaan.

ANO ANG HIV?


HUMAN
- umaapekto sa tao

IMMUNO-DEFICIENCY - kakulangan ng depensa ng

VIRUS

katawan laban sa mga sakit - mikrobyo

(HIV - nagiging dahilan ng pagkakaroon ng AIDS)

ANO ANG AIDS?


ACQUIRED - hindi likas na taglay ng katawan; nahahawa sa ibang tao at hindi namamana IMMUNE - panlaban ng katawan sa mga sakit DEFICIENCY - may kakulangan o di sapat na depensa sa katawan SYNDROME - sama-samang mga sakit

(AIDS - ang pagtitipon-tipon ng mga sakit at sintomas na nakukuha dahil sa kakulangan ng depensa ng katawan laban sa anumang uri ng sakit.)

Paano naisasalin ang HIV?

Walang proteksyong pakikipag-sex sa taong may HIV/AIDS Pagsasalin ng kontaminadong dugo Paghihiraman ng heringgilya na ginamit ng taong may HIV/AIDS Naisasalin ng inang may HIV/AIDS sa sanggol sa panahon ng pagbu-buntis O panganganak; pagpapa-dede ng ina sa sanggol

HIV ANTI-BODY TESTING


Paraan para makita kung may reaksyon ang T-4 Cells sa HIV Virus, para malaman kuna ang isang tao ay + sa HIV Non Compulsory Voluntary

Confidential

Last Penetration 6 Months Window Period

ANG HIV AY DI NAKUKUHA SA:


halikan pag-ubo luha laway pawis hatsing yakapan beso-beso kamayan paggamit ng kubeta

hiraman ng damit, pagsalo sa pagkain, paghiram ng kubyertos kagat ng lamok, pagtabi sa pagtulog

PAANO MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG HIV/AIDS?


A - Abstinence (Ayoko muna!) B - Be faithful (Basta, ikaw lang!) C Correct Condom use (Condom ay gamitin) D - Dont take/shoot drugs (Droga ay iwasan)

E - Early diagnosis and treatment and Education on STI/HIV/AIDS

TAMANG PARAAN NG PAGGAMIT NG CONDOM


1. Siguraduhing hindi expired ang condom. 2. Pisilin ang dulo ng condom para mawala anghangin. 3. Patigasin muna ang ari bago ipasok hanggang sa puno ng titi. 4. Gumamit lamang ng water-based lubricants o laway. Huwag gumamit ng oil o lotion. 5. Ingatan na hindi matanggal o mapunit ang condom habang wini-withdraw ang titi matapos ang sex. 6. Dapat matigas pa rin ang ari sa paghubad ng condom. Ibuhol ang condom at itapon sa tamang lugar.

You might also like