You are on page 1of 1

BUGTONG 1. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob -Kulambo 2.

Mayroong araw, mayroong buwan, hindi naman langit. Mayroong katapusan, ngunit muling
nagbabalik. Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi answer -Kalendaryo 3. Kapirasong lupa napapaligiran ng sapa -Pulo 4. Walang dila, walang bibig, maaari mong madinig; Kadaldalan nito ay di hihinto, dapat patayin upang maglaho. -Radyo 5. Susun-susong dahon, bolang binalumbon. -Repolyo 6. Bumubula ang tabo, di naman kumukulo. -Sabon 7. Aling matabang katawan, magkabilang buhok ay tinatalian. -Sako 8. Sa pitong magkatoto, lima lamang ang naging santo. -Semana Santa 9. Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis - Sili 10. Umupo si itim, sinulot ni pula, lumabas si puti, bumubuga-buga. -Sinaing

You might also like