You are on page 1of 2

MGA TALA MULA SA NOLI ME TANGERE- KABANATA 1 20

Nagbigay ng marangyang hapunan si Kapitan Tiago(buwan ng Oktubre). Ginanap ito sa bahay ni Don Santiago delos Santos (Kapitan Tiago, pinakamayaman sa Binundok) sa daang Anlouage sa tabi ng ILog Binundok (Ilog Pasig) Si Tia Isabel (pinsan ni Kapitan Tiago) ang sumasalubong at nag-aasikaso sa mga bisita. Nagbibigay siya ng hitso at tabako sa mga senyora samantalang sa mga Pilipina naman ay pinapahalik niya sa kanyang kamay. Ang bahay ni Kapitan Tiago ay bukas sa lahat kaya naman tiyak na dadalo ang mga kantanod. (Ang bahay ni Kapitan Tiago ay katulad ng Pilipinas bukas para sa lahat ngunit sarado para sa pangangalakal at makabagong ideya.) Dumating si Don Crisostomo Ibarra y Magsalin mula Europa pagkatapos ng pitong taon at nagtuloy sa bahay ni Kapitan Tiyago na hinandugan ng malaking pagtitipon. Nagkita sina Ibarra at Padre Damaso sa pagtitipon na ikinaila ni Padre Damaso na matalik niyang kaibigan ang ama ni Ibarra na siyang ikinagulat ni Ibarra. Nainis si Padre Damaso sa isang hapunan dahil hindi siya nakaupo sa kabisera at ang napunta sa kanyang tinola ay puno ng upo , talop ng leeg at maganit na pakapak ng manok. Ininayayahan ni Kapitan Tinong (taga-Tondo), kaibigan ni Kapitan Tiago si Crisostomo sa isang pananghalian subalit tinanggihan ito ni Crisostomo. Sa pagbabalik ni Ibarra sa Pilipinas nakita niyang walang pinagbago ang lahat sa kapaligiran sa liwasan ng Binundok Ang tinyente ang nagsabi ng lahat kay Ibarra tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama na si Don Rafael Nagkaroon ng alitan sina Don Rafael at Padre Damaso at pinratangan siyang di nangungumpisal. May isang artilyero na itinawalag sa hukbo dahil sa sama ng ugali at kamangmangan. Siya ay naging tagasingil ng buwis. Lagi siyang pinagtatawanan dahil sa hindi siya marunong bumasa. Ipinagtanggol ni Don Rafael ang isang batang sasaktan sana ng artilyero dahil sa niloloko siya nito. Kaya sila ang nagkaninitan ng artilyero na aksidenteng tumama ang ulo sa bato at sa kanya ibinintang ang nangayari. Ibinilanggo ang ama ni Ibarra sa mga dahilang : 1) pagiging erehe at pilibustero 2) bumabasa ng pahayagang ipinagbabawal (El Correo de Ultramar) 3) pagtatago ng liham at larawan ng Gomburza. Namatay si Don Rafael sa loob ng kulungan dahil sa pahirap at sama ng loob. Ang mga nakipaglibing sa kanyang ay anim lamang na sina: Tinyente Guevarra, Kapitan Tiago, Matandang Utusan ni Ibarra, Don Filipo, Ang Guro ng bayan at Pilosopo Tasyo. Si Padre Damaso ay inalis sa pagkukura ng bayan ng San Diego dahil sa paglapastangan niya sa bangkay ng isang maginoo (Don Rafel Ibarra) Si Tiyago ay itinuturing na pinakamagilas na ginoo dahil sa kanyang pagiging bukas-palad. Ang maybahay ni Kapitan Tiyago na si Doa Pia Alba ay matagal na di nagkaroon ng anak kaya namanata sa birhen at pinayuhan ni Padre Damaso na magsayaw sa Ubando. Si Kapitan Tiago ay kasundo ng pamahalaan at simbahan. Siya bumibili ng kabanalan at nagbibigay ng malaking donasyon sa simbahan. Sumusunod siya sa pinakamababang mga pinuno ng alinmang tanggapan. Naniniwala siya na anumang gawaing itakda ng mga Kastila ay tama at kapuri-puri. Inaalipusta niya ang mga Pilipino sapagkat di naman daw siya Pilipino. Siya ay naging gobernadorcillo. Pagkatapos ng anim na taon nagbuntis na si Doa Pia na napansin ng karamihan na hindi masaya. Namatay si Doa Pia dahil sa matinding lagnat pagkatapos makapanganak at depresyon. Si Maria Clara ay lumaking napakaganda na ipinaglihi daw ng ina sa larawan ng San Antonio.labingapat na taon si Maria Clara nang siya ay pumasok sa kumbento ng Sta. Catalina. Sa pagkikitang muli nina Ibarra at Maria Clara nagkausap sila sa asotea ng bahay nina Maria Clara at inalala nila ang kanilang pag-iibigan. Ipinakita ni Ibarra ang piankatatago pa niyang dahon ng sambong at ang ipinakita naman ni Maria Clara ay ang mga liham ni Ibarra. Naihalintulad ni Ibarra ang Pilpinas sa puno ng Talisay na hindi nagsisilaki at katulad ng Pilipinas na hindi rin umuunlad. Ang bayan ng San Diego ay isang lugar na ikinabubuhay ang pagsasaka. Napaunlad ang bayan ng San Diego sa pamamagitan ng mga Ibarra. Unang dumating ang isang nagngangalang Don Pedro Eibarramendia sa bayang ito upang bilhin ang mga lupain sa kagubatan. kInatatakutan ng karamihan at matanda at isang araw bigla na lamang siyang nawalana makalipas ng ilang araw ay nakitang nakabitin sa puno ng balite. Mula noon kinatakutan na ang kagubatan. Pagkalipas ng ilang buwan dumating naman si Don Saturnino,ang binatang mestisong Kastila na nasabing anak ni Don Pedro upang ipagpatuloy ang nasimulan ng ama. Ipinaayos niya ang libingan ng ama na inilibing sa ilalim ng puno ng balite at binakuran pa ito. Siya ay masipag at tahimik na tao at hinarap niya ang pagsasaka. Mapusok at malupit din si Don Saturnino. Matanda na si Don

Saturnino nang makapag-asawa sa isang babaeng taga- Maynila at nagkaanak ng isang lalaki na pinangalanang Rafael. Si Don Rafael Ibarra ay anak ni Don Saturnino na bagamat isang Kastila ay napakabait at nakapagasawa ng isang Pilipina. Pagsasaka rin ang kanyang naibigang gawin. Napamahal siya sa mga magsasaka dahil sa mabuting pakikisama. Sumagana ang sakahan sa San Diego kaya dumami na ang nanirahan. Umunlad ang bayan ng San Diego at nang mamatay ang kura ng bayan ng isang Pilipino pinalitan ito ni Padre Damaso. Ang tunay na makapangyarihan sa bayan ng San Diego ay pinag-aagawan ng kura na si Padre Bernardo Salvi na tinaguriang patay na langaw at ang alperes o ang puno ng mga guwardiya sibil Ang kura ay katumbas ng Santo Papa sa Batikano at ang alperes ay parang hari sa Italya. Si Pilosopong Tasyo o si Don Anastacio ay iniisip ng mga taong baliw at sa iba talagang pilosopo. Siya ay pinatigil sa pag-aaral ng ina sapagkat natatakot siyang maging masyadong matalino ang anak at baka malimutan ang Diyos. Pinapili siya ng ina kung mag-aasawa o magpapari. Pinili niya ang mag-asawa ngunit halos magkasunod lamang na namatay ang kanyang ina at asawa.. Namuhay mag-isa si Pilosopong Tasyo at iginugol ang oras sa pagbabasa ng mga aklat kaya lalo siyang naging marunong. Hindi naniniwala si Pilosopo Tasyo sa purgatory sapagkat: wala raw ito sa Bibliya, ebanghelyo at hindi binanggit ni Moises at ni Kristo. Sina Basilio (10 taong gulang) at Crispin (7 taong gulang) ay mga anak nina Pedro at Sisa; mga sakristan sila na tagatugtog ng kampana. Nakalasap sila sa kalupitan ng kurat sakistan mayor. Pinagbintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa (32 piso) kaya pinarusahan si Crispin. Si Sisa , ang ina nina Basilio at Crispin. Siya ay sawing-palad sa kanyang batugan, sugarol at lasenggerong asawang si Pedro. Ang guro ng bayan ng San Diego ay isa sa anim na nakipaglibing kay Don Rafael. Sa kanyang listahan may 200 mag-aaral ngunit 25 lamang na bata ang pumapasok sa klase, ito ay sa dahilan ng kahirapan at nahihiya. Siya ay di iginagalang ng mga bata sapagkat siya ay tinutuya at pinagtatawanan lamang lalo na kapag mimura siya ng kura at ng sakristan mayor. Kulang ng kagamitan ang eskwelahan. Ang mga bata ay natuto lamang sa pagmememorya ngunit walang naunawaan. Wala ring bahay-paaralan ang San Diego kaya sila ay nagkakaklase lamang sa silong kumbento. Malaki ang naitulong ni Don Rafael sa guro. Di nagbitiw ang guro sa pagtuturo kahit nahihirapan na siya dahil sa pagbibigay at pagmamahal sa ina na iginapang siya sa pagpapaaral. Sa loob ng tatlong taon. Naniniwala ang kura na sa pamamagitan ng palo o parusa ay madaling natututo ang mga bata ang kanilang pinag-aaralan kaya sa takot na masaktan ay nagsisikap na mag-aral. Si Basilio ay isa sa mga estudyante ng guro ngunit pinagbawalan siya ng sakristan mayor na sumali sa klase. Nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal para sa nalalapit na kapistahan sa San Diego na gaganapin sa ika-12 ng Disyembre ,na dinaluhan ng mga makapangyarihan. Naroroon sa pulong ang dalawang partido ng bayan: Ang Conservador (mga matatanda) at Liberal ( mga kabataan, lider ay si Don Filipo, ang tinyente mayor) Ang istratehiya ni Don Filipo ay kakaiba na upang makuha nila ang kanilang gusto ay imumungkahi nila ang bagay na di nila gusto sapagkat alam niyang kung ano ang kanilang gusto ay di sasaangyunan ng kabilang partido sapagkat may personalna galit sa kanya ang mga matatanda. Natalo ang mugkahi ni Don Filipo na maging malakihan ang igugol sa kapistahan na lihim niyang ikinatuwa. Si Kapitan Basilio ay mayaman at kalaban ni Don Rafael sa lahat ng bagay.Naniniwala siya na ang daigdig mula sa kanyang kapanahunan ay walang rangya ang kasalukuyan ngunit siya ay napagiiwanan ng panahon. (intellectual progress) Si Kapitan Valentin ay isang matandang mahilig sa mga magagandang pananalita ngunit gumagamit ng mga salitang di nauunawaan.

You might also like