You are on page 1of 27

 Mahalaga sa pagsulat ang

paggamit ng kinakailangang bantas.

 Higit na lumilinaw ang dalang


kaisipan at higit na maipapadama
ang anumang nais ipahayag.
1.TULDOK

a. Ginagamit ang tuldok sa katapusan ng mga


pangungusap na pasalaysay o pautos.

Hal: Nagtatagumpay ang mga taong may


tiyaga at may ambisyon sa buhay.

 Subalit kung ang pangungusap ay nagtatapos


sa mga pinaikling salita hindi na
dinadalawa ang tuldok.

Hal: Si Janet ay nag-aaral sa F.E.U.


•TULDOK

b. Sa di tuwirang pagtatanong

Hal: Itinatanong niya kung saan ako pupunta.

c. Sa mga salitang dinaglat gaya bg ngalan ng


tao, titulo, o ranggo, pook sangay ng
pamahalaan, kapisanan,buwan,oras,bansa.

Hal: Dr. Jr. D.C.


• TULDOK

d. Tinutuldukan ang tambilang at titik sa bawat hati


ng isang balangkas o ng talataan.

Hal: I. A.
B.
1.
2.
 Ngunit hindi tinutuldukan ang tambilang at
titik kapag kinukulong ng panaklong.

Hal: (a) (b) (c)


2. PANANONG

a. Ginagamit ang pananong sa katapusan ng


pangungusap na tuwirang nagtatanong.

Hal: Saan ba maaaring magtayo ng klinika


dito sa Sta. Cruz?
b. Iinilalagay sa loob ng panaklong upang
magpahayag ng pag-aalinlangan sa
katumpakan ng sinundang salita o
pamilang.
Hal: Sinulat ni Paddre J. Burgos (?) ang
“ La Loba Negra”
3. PADAMDAM

a. Ginagamit sa mga sambitala o salitang


padamdam.
Hal: Aba! Dumating ka na pala.

b. Ginagamit sa katapusan ng mga


pangungusap na nagpapahayag ng
masidhing damdamin.
Hal: Inay, ang sakit!
4. KUWIT

a. Ginagamit sa paqghihiwalay ng araw at taon, baryo,


bayan at lalawigan, kalye, distrito at lungsod.
Hal: Setyembre 5, 1990 San Jose,
Calamba, Laguna

b. Ginagamit sa bating panimula ng liham


pangkaibigan o ng impormal na liham.
Hal: Mahal kong bunso, Minamahal ko

c. Ginagamit sa bating pangwakas ng anumang uri ng


liham, maging pormal o impormal.
Hal: Gumagalang, Nagmamahal,
d. Ginagamit sa paghihiwalay ng sunod-sunod
na salita,parirala at sugnay na pangungusap.
Hal: Bumili ako ng lapis, kuwaderno at aklat.

e. Sa paghihiwalay ng mga salitang ginagamit na


pantawag sa ibang bahagi ng pangungusap.
Hal: Renz, mag-aral ka na.

f. Sa paghiwalay ng pamuno sa pangungusap.


Hal. Ang nagtatag ng katipunan, si Andres
Bonifacio, ay tinaguriang “ Dakilang Plebeyo”
g. Sa paghihiwalay ng OO at HINDI sa ibang
bahagi ng pangungusap.
Hal: oo, sisimba ako.

h. Sa paghihiwalay ng mga tuwirang sipi sa


ibang bahagi ng pangungusap.
Hal: “ kay tamis mamatay ng dahil
sa bayan”, ani Rizal.
5. TULDUKUWIT

a. Maaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok


sa katapusan ng bating panimula ng pormal na
liham sa pangangalakal.
Hal.
1. Ginoo; 3. Sen. Legarda;
2. Kgg. na pangulo; 4. Gob. Tingson;

b. Ginagamit sa pamamagitan ng mga sugnay ng


tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay
ng pangatnig.

Hal.
Kumain ng maraming gulay; ito’y makabubuti sa
katawan. Huwag iwanang bukas sa magdamag ang
ilaw; makatitipid tayo sa kuryente.
c. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng
pangungusap na tambalang-hugnayan, kung pinag-
uugnay ng mga pangatnig na kundi, anupa’t, yamang,
bukod sa rito, dahil dito, ngunit, sapagkat, atbp.

Hal. Hindi sapat ang kinikita ng kanilang


magulang;samakatwid, kailangan nilang
tumulong sa paghahanapbuhay upang may
maipantawid-gutom
6. TUTULDOK

a. Ginagamit ang tutuldok pagkatapos ng


bating panimula ng pormal na liham.
Hal. Kom. Pineda:
Gng. Santos:

b. Ginagamit kung may tala o lipon ng mga


salitang kasunod ng halimbawa o ng mga
sumusunod:
Hal. Iba’t-iba ang kulay ng tao sa
daigdig, mga halimbawa: dilaw,
itim, pula, puti at kayumanggi.
7. TULDOK-TULDOK (ELLIPSES)

a. Ginagamit ang tuldok-tuldok sa halip na mga


salitang di-mabuti o hindi dapat malimbag.
Hal. Anak ka ng…bakit hindi mo sinabi
sa akin?

b. Ginagamit sa mga salitsng paputol-putol.


Hal.Hin… hindi…ako makahinga.

c. Ginagamit sa halip ng mga salitang hindi


ipinagpapatuloy o sa pagwawaglit ng ilang mga
salita sa isang sipi.
Hal.Lumayo ka… at baka may mangyari pa.
8. KUDLIT

a. Ginagamit ang kudlit sa pag-uugnay


ng dalawang salita.

Hal. Ako ay – ako’y


Gabi at araw – gabi’t araw
9. GITLING

a. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng


panlaping nagtatapos sa katinig at salitang
nagsisimula sa patinig.

Hal. tag-ulan pag-ibig pag-asa


• GITLING

b. Ginigitlingan ang pagitan ng mga salitang


inuulit na may kahulugan.

Hal. araw-araw sira-sira liku-liko

c. Gingitlingan ang pagitan ng dalawang


magkasalungat na pandiwa.

Hal. iiyak-tatawa uupo-tatayo

lulubog-lilitaw
• GITLING

d. Ginigigitlingan ang pagitan ng di at pang-uri


at pagitan ng sa at pandiwa.

Hal. di-matuto sa-darating


di-masipag sa-aalis

e. Ginitlingan ang pagitan ng magsa at


salitang-ugat.

Hal. magsa-aso magsa-hitler


f. Ginigitlingan kung walang nawawalang
kataga sa pagitan ng dalawang salitang
pinagsama.

Hal. tubig-alat sulat-kamay

g. Ginigitlingan ang pagitan ng maka, taga, at


mga pangngalang pantangi.

Hal. maka-Filipino taga-Pasig


maka-Amerikano taga-Maynila
h. Ginigitlingan ang pagitan ng ika at tambilang.

Hal. Ika-25 ng Dis. Ika-12:00 n.t.

i. Ginigitlingan ang pagitan ng mga pantig ng


salitang hinahati kapag lumalampas sa gilid
(margin).

Hal. Ang malnutrisyon ay pilit na nilulunasan


ng pamahalaan sa pamamagitan ng Kagawa-
ran ng Kalusugan at ng Kawanihang
pansakahan.
10. GATLANG

•Ginagamit sa halip na panaklong.


Hal. Tanggapin mo ang regalo ko –
isang kwintas.

b. Ginagamit sa pag-uulik-ulik.
Hal. Aalis ako – a, hindi na pala.
11. PANIPI

a. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Hal. “Christian Dior” ang kanyang pabango.

b. Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng


isang pahayagan, magasin, aklat o iba’t-ibang
akda.

Hal. Ang “Panorama” ay isang lingguhang magasin.


•PANIPI

c. Ginagamit upang ipakita ang mga tuwirang


sipi.

Hal. “Pakaiwasan ang paggamit ng mga


ipinagbabawal na gamot”, ang pangaral ng guro.
12. PANAKLONG

•Ginagamit ang panaklong upang kulungin


ang mga pamuno.

Hal. Ang ating pambansang bayani


(si Jose Rizal) ay siyang sumulat ng
“Noli” at “Feli”.
•PANAKLONG

b. Ginagamit upang kulungin ang mga bilang o


titik ng mga bagay na binabanggit nang
sunud-sunod.

Hal. Kilalanin ang kaukulan ng panghalip:

(1) palagyo (2) paari (3) palayon


Maraming Salamat po. 

You might also like