You are on page 1of 4

Ang Diskurso ng Paghahanap sa Tunay na Sarili Sadyang nakakubli ang katotohanang (Alithea) pinahihiwatigan ng aking tunay na sarili (authentic

dasein), ang doxang pinagsisikapang suminag ukol sa katotohanan ng aking pagkasilang ay nagkukumahog sa pagiging malabo o dili kayay mapagkakamalan lamang. Sa ganitong pag-iisip, napatutunayan na ako, bilang tao, sa aking hindi inaasahang pagkakalulan sa mundong ibabaw, ay may masalimuot na pagkalunod mula sa nakapanlulumong Das Man. Bukas man o hindi ang aking isipan mula sa pwersa na ito, hindi maipagkakaila ang hindipagka-naiiwasang pagkakatatag ko sa mundong (Welt) pinamumunuan ng pwersang mapagsiyasat sa kapital at tubo. Ngunit, sa likod ng kasalimuotan, nananatiling bukas ang isipan, na sa dulo ng aking pagsisikap na matauhan sa katotohanan, magpapakita ang araw, ang siyang sanhi ng liwanag na pinagbubukaran ng lahat ng mabuti at ng mismong katotohanan. Ako bilang tao, may inhibisyon Ayon kay Heidegger, ang pag-iral ko bilang tao ay natatangi hindi lamang sa paraang anders (naiiba), kundi ausgezeichnet (iba pa sa paraan ng pagkakaiba nito) kung ikukumpara sa ibang nilalang na umiiral maliban sa tao (Seindes), sapagkat ako ay may pakikipag-ugnayan sa nibel ng pagpapahalaga at pag-uunawa hindi lamang sa kapwa ko seindes kundi pati rin sa mismong pag-iral (sein). Naglalantad sa akin ang aking sarili sa aking mismong pag-iral dahil na rin sa ako ay umiiral. Nagagawa ko ang mga bagay na aking nagagawa na walang mulat na pagunawa at pagpapahalaga dahil ito ang aking ka-likasan bilang Dasein. Kaya naman lagi at lagi kong nararanasan ang mga bagay-bagay (seindes) sa paraang Zuhanden o ready at hand. Nauuna kong nauunawaan ang saysay at pag-iral ng mga seindes bago pa man mamulatan na sila mismo ay mga seindes o objectively present. Maihahalintulad din dito ang aking pakikipag-ugnayan sa aking mismong pag-iral, na umiral at umiiral na bago pa man ako magtanong ukol dito (seinsfage). Nagbabago ang nibel ng pagkilos mula ontiko patungong ontolohikal sa aking pagsisimulang magtanong, bilang isang paraan ng pag-iral at isa sa pinakanatatanging katangian ng mga pilosopo ayon na rin kay Sokrates. Dahil sa ganitong pagkilos, nangangailangan ng pagtitiyaga na higit pang maunawaan ang pakikipag-ugnayan na ito. Dito nagsismula ang pamimilosopiya, sa mga katanungang nakapagbabalisa at nakapagpapatigil sa dalisay na daloy ng mga gawain. Dito rin unti-unti nagkaka-insayt ang tao mula na rin sa likas na kilos ng isipan na mag-abstraksyo o maghiwa-hiwalay ng mga ideya (o mga pirasong labi mula sa pakikipagugnayan sa talagang nangyayari kabilang na ang mga seindes) upang lalong maintindihan at mabigyang linaw ang mga bagay na nakapagpapabalisa. (Ferriols) Nangyayari na rin ang mga ito dahil sa ating pag-iisip kaya naman nasabi ni Descartes, cogito ergo sum o nag-iisip kaya naman ay umiiral. Kabilang na sa mga nakapagpapabalisa sakin ay ang aking pagkakatapon sa impluwensiya ng Das Man na nangyayari rin dahil sa ako ay sumasamundo (In-der-welt-sein). Hindi maihihiwalay ang aking pag-iral sa mundo gayundin namay nararanasan ko ang mundo dahil sa ako ay umiiral, kaya naman lagi at lagi akong maiuuwi sa mundo; ang mundong ito na puspos ng [insert Marxs insight on Das Man] Ang aking pagkakatatag sa mundong pinamumunuan ng Das Man ay pinatutunayang hindi maiiwasan dahil sa aking pagkakabuo bilang isang cross-point o pagsasangangdaan ng mga bayolohikal, interpersonal, panlipunan at historikal na pangyayaring asahan ko man o hindi, ay nangyayari pa rin. Ito ang katotohanan, na talagang nangyari o kayay nangyayari, mulat man ako o hindi ukol rito, gustuhin ko man o kayay hindi ay patuloy na magpapakatotoo. Ito ang aking tadhana, sadya man o hindi, ay maglilimita sa aking mga susunod na pagkilos. [Reyes]. Kabilang sa tadhana na ito ang pagkakalunod sa dikta ng Das Man na nagbago at

uminog rin ayon sa takbo ng panahon [Hegel] o kaya ayon sa takbo ng mga materyal na kondisyon [Marx]. Ang nananatiling mahalaga ay patuloy ang pagbabago ng pagkilos, pag-iisip at pananaw ng tao na dala dala ng agos-agos na dikta mula sa naghaharing-uri, at kung baga ay nababara sa awtomatik na patakaran na dulot din ng Das Man. At mananatili sa ganitong pagkilos kung hindi mamumulatan o kayay matatauhan. Ako at ang aking pagkamaaari Pinatitingkad ng naunang pag-iisap ang katotohanan mula sa Alamat ng Yungib ni Platon na kagaya ng mga bilanggo sa kuwentong ito, ako ay nakagapos at tila may bulag na pagtanggap sa inaakalang katotohanan na pinatutungkulan ng mga anino; at gaya rin ng mga tauhan sa Apologia ni Sokrates, inaakala kong alam ko ang hindi ko alam. Sa tulong ng aking mga guro na sinisignipika ng katuhan ni Sokrates, magagawang makalas ako mula sa pagkakagapos upang mabuksan ang aking isipan sa aking pagkamaaari; ang pagkamaaari na kakayanin kong tumaliwas mula sa huwad na katotohanang pinatutungkulan ng mga anino. Ngunit hindi mangyayari ang pagtaliwas na ito kung hindi ako magiging malay at malayang magpapahalaga sa pagharap o pagsinop sa talagang nangyayari. Dito dumarating ang desisyon kung magpapanatili bang bulag na sunod-sunuran sa mapanghalinang pwersa ng Das Man o kaya ay magtitiyagang masinop ang katotohanan. Ang malayang pagpapahalaga na ito ay nakaugat sa aking kakayahan na lumikha o magsakasaysayan na nagiging nagiging posible dahil na rin sa aking pagsasakatawang diwa, pakikipagkapwa at pagkabuhay sa konteksto ng panahon. Gaya ng aking una at pangalawang karansan sa kasaysayan, hindi pa ako mulat sa aking natataging kakayahan sa paggawa noong ako ay iniluwal sa kasaysayang lantad at bigay at sa makasaysayang pangayyaring nakalimbag sa mga sulatin at mga aklat. [Dondeyne] Sa pagpapabukas sa mundo ng aking pagkamaari, namumulat ako sa aking kakayahan na lumikha at tatakan ang mundong ginagalawan, ang siyang tatak na ito ang nagpapakilala sa akin sa mundo na nagiging posible naman dahil sa ako ay sumasakatawan, at may katawang pumapagitan sa 2 nibeltagapag-ugnay at tagapag-hiwalaysa aking daigdig na ginagalawan at sa aking kapwa [Calasanz]. Sa pamamagitan ng aking katawan na ay nakikilala ko at nauunawaan ang mundo kabilang na ang kasalimuotan nito gaya ng pagkakagapos ko sa bulag na pagsunod sa Das Man. Sa pamamagitan rin ng aking katawan na binubuo ng aking mga pandama kabilang na ang paningin ay magagawa kong mamilosopiya sapagkat ang pamimilosopiya ay ginagawa at ang kabuuan ng pandama ay sumasamundo at ganundin ang pagunawa. Nagagawang unawain ang mundo dahil sa mga pandama [Ferriols]. Dulot ng aking mga pagkamamaaring ito ay magagawa kong lumikha at hindi lamang magpatangay sa tadhanang kinasadlakan, dulot ng aking eksistensyal na pagsasangang-daan ay magagawa kong desisyonan ang mga susunod kong pagsasangangdaan na kinalaunan ay pagsasanhian ng makakasaysayang gawi na makakaapekto sa iba pang mga umiiral.[Reyes] Kabilang sa mga desisyong mabubuo ay ang desisyong paganahin ang mga potensiyal upang siyasatin ang katotohanan liban sa pinakikilala ng Das Man na nangangailangan ng pagbabalik sa karanasan at pagmumuning suheto dahil lahat naman na ng natutunan sa pamimilosopiya ay alam na ngunit hindi lang ako mulat sa pagkakaalam na ito dahil na rin siguro sa pagkakagapos sa itinuturing totoo ng Das Man [Marcel]. Sa pagtaliwas sa Das Man ay higit ko pang naaako ang aking pagka-Dasein dahil bilang Dasein na may likas na kakayahang magtanong ukol sa sariling pag-iral, ang mismong pagtatanong kung nararapat ba ang pamumuhay ay nagpapatingkad sa aking pag-iral; sapagkat ang buhay na hindi sinasaliksik ay hindi buhay tao. [Sokrates] Ang pagsasaliksik sa buhay ng tao ang nagpapakatao sa tao

kaya naman kung pipiliin saliksikin ang katotohanan ukol sa buhay ay pinatutunayang isa akong Dasein na may awtentikong pagkilos. Ang pagsasagawa at dulot ng pamimilosopiya Matapos mamulat sa pagkamaari, gaya ng mga sumunod na pangyayari sa Alamat ng Yungib, hindi magiging madali ang paghahanap ng katotohanan. Mangyayaring susuko dahil sa kahirapan o kayay sa kawalan ng resulta sa pagsisiyasat. Ang paraan ng pagdanas sa katotohanan na dati rati ay mapagkakamalan ay maaring manatili sa ganitong kondisyon o kayay kahit papano ay maging Doxang malabo o kayay maging pangkaraniwan sapagkat ito ang kilos ng pag-angkop sa karunungan. Sa aking pagsinop sa katotohahan, maliban sa karunungang mapagmamalaki, ay lagi at laging may karunungang mapagkumbaba sapagkat ang pagkamit sa karunugan ukol sa katotohanan ay agaw-dilim. Habang dumadami ang aking mga nalalaman ay lumalago rin ang aking hindi pagka-alam. Kaya naman nangangailangan na magmatino sa pakikinig sa mga guro na pupunan ang limitadong sakop ng aking pandama na sumasapag-unawa [Feriols]. Ngunit hindi ibig sabihin nito na mangyayaring malalaman o kayay makararating ako sa kaibuturan ng mayaman at sadyang mailap na katotohanan dahil ang karunungang agaw dilim ay ang karunungang nararapat lamang sa tao na wala o kayay katiting kung ikukumpara sa karungan ng talagang meron o ng Diyos. At katulad ni Sokrates na tinaguriang wala ng mas marunong ay kinakailangan na ako ay magmatino sa katotohanan na sa harapan ng karunungan, ako ay walang halaga. Sa ganitong paraan ako nagiging totoo sa aking sarili bilang Dasein na ang aking pagsisiyasat sa katotohanan ay hindi titigil kundi ay lagi at laging gagawin. Ito ang estado ng Aporia na hindi lamang nagsasabi ng kawalan ng kasagutan sa katotohanan kung hindi ng pangangailangan sa patuloy pang pagsisiyasat [Sokrates]. Ang pagapasinag sa Doxa o hawak sa katotohanan, sa dulo, ay may layunin magpasilaw sa taglay na liwanag ng araw o ng talagang meron na siyang magsasanhi ng lahat ng kabutihan. At dahil dito, ang talagang layunin ng pagsinop sa tunay na sarili na siyang katotohanan ay ang pagpapabuti na siya rin namang daan sa pagpapakatao ng tao. Ngunit may nanatiling malabo at ito ang tunay na kahulugan ng kabutihan, ang daan tungo sa pagpapakatao. Katulad na Sokrates, hindi nararapat na akalain natin na alam atin ang daa tungo sa pagpapabuti o sa madaling salita, magmatino sa katotohanan ng karunungang nararapat sa tao at ito ay ang karunungang agaw dilim. Dahil dito, hindi malinaw kung ano ang tamang gawin ngunit alam naman at malinaw para kay Sokrates at gayundin sa akin kung ano ang mali. Ang mali ay ang lapastanganin ang dakila, ang nakakahiya ay ang ipagwalang bahala ang dangal at maging sagabal sa kapwa, sapagkat labag sa inayos ng diyos na masaktan ng lalong masamang tao ang mabuting tao. Sinasaktan ng masamang tao ang kanyang tunay na sarili sa paggawa ng masama sa kanyang kapwa kaya naman mas malubha ang sakit na kanyang dinaranas. Pinatutunayan nito na mas matulin ang kilos ng kasamaan kaysa sa kamatayan, sapagkat sa paggawa ng kasamaan ikaw ay nahatulan ng katotohanan na ikaw ay walang pagtingin sa katarungan. [Sokrates] Katulad ito ng maka-daimong tinig na naririnig ni Sokrates, kung saan pinagbabawalan siyang gawin ang masama ngunit hindi naman sinasabi sa kanya ang mabuting gawin. Dahil sa ganitong aporia ukol sa pagpapakahulugan sa kabutihan, nananatili akong magsisinop at maghahanap para rito, patuloy na hindi gagawin ang masama at hindi makatarungan, sapagkat walang masamang sasapit sa mabuting tao buhay man siya o patay; kahit ang kamatayan ay hindi makasasama sa mabuting tao sapagkat wala naman talagang nakakaalam sa naghihintay matapos ang mamatay. Sa ganitong pagtuon ng sarili palayo sa itinuturing na masama ay nagagawa ko na ilapit din ang aking tunay na sarili sa kabutihan na siya namang magbibigay

sakin ng tunay na kaligayahan, sapagkat isa sa pinakadakilang biyaya na makakamit ng tao ay ang makapagsalita ukol sa kabutihan. At sapagkat inayos ng Diyos na may kosmos at kaios ang mundo, ang ganitong pagtuon ng sarili sa kabutihan ay magpapa-awtentiko sa akin bilang Dasein sapagkat hindi ko lamang hindi ginagawa ang masama, ginagamit ko rin ang aking potensyal sa pagtatanong at pagsisiyasat na taglay ko na bago pa man ako mamulat sa pagkakataglay nito; upang sa kaduluhan ay marating at masilawan sa araw na nagsasanhi sa lahat ng maliwanag at mabuti.

You might also like