Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari. May
dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat. Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
Ito ang genreng Naratib; palasak at madalas gamitin. Ang salitang ugat nito ay Salaysay o Kuwento na may layuning ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay.
Mga Uri ng Salaysay Salaysay na Batay sa Katotohanan Kabilang dito ang mga akdang pangkasaysayan kung saan ang mga datos at tala ay hango sa mga totoong pangyayari. Itinuturing na objektib ang ganitong uri.
Salaysay na Likhang-isip Bagama't taglay nito ang isang paniniwalang universal, ang mga pangyayari at sikwens ay piksyunal o bunga lamang ng isang malikhain at mayamang hiraya.
Panahon May tiyak na panahon ng pinagkaganapan ng mga pangyayari. Ito ang nagpapatibay ng daloy ng mga pangyayari.
Kahulugan Ito ang siyang diwa ng salaysay. Dito nagmumula ang mga motibasyon at aksyon ng mga kasangkot.
Kaayusan Ang bumubuo sa kasiningan at pagkaepiktibo ng salaysay. Ang hindi paikut-ikot at patalun-talong pagkakaayos ng mga pangyayari ang nagpapadali sa kabatiran.
Pananaw Ito ang bahaging sumasagot sa tanong na, "Sino ang nagsasalaysay?" at "Ano ang kaugnayan niya rito?" Tatlo ang punto de vista ng tagapagsalaysay
Dayalogo Ang tuluy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari ay nigiging kabagut-bagot kaya't isinisingit ang mga salitaan o usapan upang magkabuhay ang pagsasalaysay.
3 Punto de Vista ng Tagapagsalaysay: Unang Panauhan Ang nagsasalaysay o ang gumaganap sa kilos ng pagsasalaysay. Kadalasang ginagamit ang salitang "AKO".
Ikalawang Panauhan Isang tagamasid na may limitadong akses ang nagsasalaysay. Tinutukoy niya ang mga pangyayari batay sa nasaksihan.
Ikatlong Panauhan Kinikilala rin ito bilang "Omniscient Point of View" sapagkat taglay ng tagapagsalaysay ang kapangyarihang matukoy ang damdamin at iniisip ng mga tauhan sa kanyang isinasalaysay.